Chapter 43: Right time

444 27 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Right time

"Lian date tayo." Sabi ni Arc, kaofficemate ko gwapo siya malakas ang sense of humor, mabait at may asawa.

"Sige magpaalam ka sa asawa mo kapag pumayag makikipag date ako sayo." Biro kong pabalik sa kanya kahit na alam kong hindi naman siya nagbibiro.

Hindi naman ako madamot sa paanyaya sa akin dahil mas mabuti naman talaga kung marami akong makilala basta huwag lang ang may asawa.

Mag iisang buwan na ako sa trabaho nakaka adjust na rin ang body clock ko. May mga new friends din ako pero hindi na ako gumigimik at hindi na ako masyadong nagpapakita sa lahat maliban kay Nic.

One month ko na rin hindi nakita at nakausap si Jake pagkatapos niyang sabihin na inspiration niya ang masasakit na salitang nasabi ko sa kanya.

Sa tingin ko ay hindi ko naman talaga minasama ang mga sinabi niya at unconsciously ginawa ko lang tong dahilan para lumayo muna sa kanya. Nagkusa na ang isip at katawan ko.

Wala na sana talaga akong balak magpakita sa kanya hanggang isang gabi ay nakatanggap ako ng text galing kay Jane. Lumuwas daw sila ng Manila at nasa bahay ng lola nila na ilang beses ko narin nakilala.

Hindi akong obligadong magpakita, pero naging kaibigan ko na sila. Mawalan man ako ng koneksyon kay Jake pero sa kanila ay hindi dahil kahit ilang panahon na ang lumipas kinocontact parin nila ko lalo na ang mama niya.

Pag kaout ko sa trabaho naghanap muna ako sa eastwood ng maaari kong ipasalubong sa kanila.

Magkatapat lang ang shop ni Jake at ang bahay ni lola kaya doon ako dumiretso.

Siguradong wala naman si Jake dahil ayaw niyang pumupunta dito lagi kasi siyang pinapagalitan.

Pagkatok ko palang sinalubong na nila akong lahat.

"Madam na miss kita bakit ngayon kalang nagpakita madalas kami dito huh." Sabi ni Jane.

"Pagod sa work lagi wala masyadong off tsaka madalas ako may sakit dahil hindi maka adjust ang body clock ko." Pag dahilan ko.

Sunod na lumapit ang mama nila, niyakap ako at hinawakan ang mukha ko. "Neng namiss kita hindi kana nagparamdam."

Pumunta ako sa kusina para sana ilapag ang dala ko pero pag pasok ko ay nandun si Jake at nakaupo. Awkward.

"Hi pogi." Tinanguan niya lang ako at umalis.

Ilang minuto lang ay tumunog ang cellphone ko.

Jake: bakit ka andito?

Me: bakit masama ba uuwi na ako.

Jake: oo masama

Tumigil ako sa pagpindot ng cellphone ko.

Magpapaalam na sana ako sa kanila ng tumunog muli ang cellphone ko.

Jake: oo masama dahil bakit sila lang ang may pasalubong :(

Bigla nalang akong natawa. Baliw na talaga siya.Hindi na ako sumagot sa text niya at nakipagkwentuhan nalang sa Mama at tita niya dahil si Jane ay sisilip daw muna sa shop.

"Alam mo lagi ko yang pinagsasabihan si Jake, hindi ka isinasama dito lagi kang ikinukulong sa shop niya." Sabi ng tita niya.

"Nako hindi naman po wala naman kase siyang binabanggit pero kung dati ko pa po nalaman ako na po mismo ang dadaan dito."

"Ganito kasi kame Nak pag may kasama ang kapamilya dapat ipinapakilala." Dagdag pa ng Mama niya.

"Alam mo si Jake ang tagal na namin sinasabihan na mag asawa na para naman may mag asikaso na sa kanya at hindi nalang sa barkada at alak nauubos ang pera niya twenty nine na siya hindi na tumatanda, baka pag nagkaanak siya mahirapan na siyang magpaaral." Ani ni tita.

"Sabi niya po ayaw niya pa daw mag asawa, kase madami pa daw siyang pangarap."

Isa pa ito sa pinanghahawakan ko dati na wala pa siyang plano dahil pabor sa akin to dahil bata pa ako at sakaling magustuhan niya ako ay may panahon pa ako para tuparin ang mga pangarap ko.

"Ay nako pwede parin naman niyang gawin yun kahit pamilyado na siya kung gusto niya talaga." Kontra ni tita sa sinabi ko.

"Ikaw nak kailan mo ba balak lumagay sa tahimik mag isa kalang sa inyo ayaw mo ba kumuha ng makakasama sa buhay." Mama naman niya ang nagsalita ngayon.

"Nako bata pa po ako tsaka marami din akong pangarap kagaya ni Jake. Wala pa po sa isip ko yan at baka umalis din po ako this year para bumalik na sa ibang bansa." Sabi ko sa kanila gusto ko sanang dugtungan ng "hinihintay ko lang si Jake na mahalin din ako" pero hindi ko sinabi.

"Ay talaga aalis ka rin ng bansa? para ka palang si Tin."

Hindi na nagsalita ang mama niya at hinayaan nalang ako na usisain ng tita ni Jake dahil ito ang pinaka ate sa lahat ng magkakapatid.

"Gustong gusto namin ang batang yun matagal din naging sila ni Jake akala nga namin sila na ang magkakatuluyan kaya lang umalis siya." Sabi nito habang inaaalala ng nakaraan.

"Marami pong babae si Jake pero wala ako alam na sineryoso niya ang sabi nila may bagong girlfriend siya ngayon pero sa palagay ko po ay hindi naman seryoso yun dahil hindi niyo pa ata nakikilala. At saka baka sila talaga ni Tin sa huli." Plastic kong sinabi.

"Oo sa palagay ko ay nag iintayan lang ang dalawang yun parehas kasing mapangarap, lalo na si Tin mapangarap na bata. Sa tingin ko sila parin sa tamang panahon." Nakita ko ang pagkislap ng mata niya na para bang nanghihinayang sa nangyari.

Masakit sa dibdib parang piniga ako hindi ko na alam kailangan ko huling naramdaman to at naramdaman ko na naman siya ngayon nung narinig ko sa mismong tao na nagpalaki kay Jake na may tamang tao para sa kanya sa tamang panahon at hindi ako yun.

Para kong natauhan na andito lang ako para gampanan ang tungkulin ng babaeng hinihiling nila para kay Jake dati pa. May totoong nag mamay ari kung ano man ang posisyon ko ngayon sa buhay nila. Parang nayanig yung buong pagkatao ko, para kong nauntog at natauhan.

Masakit palang talaga dahil pati ang salitang "right time" na inaasahan ko ay hindi para sa amin.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon