Proposal
Ito na yata ang karma ko.
Nahihilo na rin ako dahil sa gutom at labo ng mga mata ko.
Sinandal ko ang aking ulo sa pader habang hinihintay ang doktor na kumakausap ngayon kay mama. Labas pasok ang mga tao dito sa emergency room kaya nadagdagan pa ang pagkahilo ko. Hindi rin nakatulong ang kakalinis lang na sahig na amoy eucalyptus.
Bago pa ako mahimatay, naglakad ako patungo sa kama kung saan nakahiga si mama.
"Stable na ang vitals niya. We're just going to do further tests to make sure na hindi naapektuhan ang ulo niya sa pagkakabagsak," advise ng doktor nang makarating ako sa kanila.
Tumango ako. "Sige po, dok. Ipapacheck namin lahat ng kailangan."
Napatingin sa akin si mama. "Hindi na, anak. Okay na ako."
"Please po. Gusto niyo bang tawagan ko pa si papa?"
Nang hindi siya nagsalita ulit, tumingin ako sa doktor na naghihintay ng desisyon namin. "Ano po ang kailangan naming gawin?"
"May ibibigay lang akong referral papers tapos dadalhin namin siya sa ibang kwarto. Usually, the test lasts for 30-60 minutes," pag-e-explain ng doktor.
Tumango lang ako hanggang sa umalis na saglit yung doktor. Tahimik lang si mama sa kinahihigaan niya.
"Kumusta na ang mama mo, anak?"
"Papasok na sana ako sa shift ko pero dadaan muna ako diyan."
Huminga ako nang malalim habang binabasa ang mga texts ni papa. Ramdam ko ang kaba niya sa nangyari. Kahit na ilang taon na silang hiwalay, alam kong mahal pa rin niya si mama.
"Kung gusto mong umalis, anak, okay lang. Kaya ko na ito," mahinang sambit ng nanay ko.
"Okay na po. Nandito na tayo. Tsaka parating na rin si papa."
"Sana hindi mo nalang sinabi sa kanya. Ayaw kong mag-alala pa siya."
Bago pa ako makasagot ulit, dumating na rin yung doktor kasama ang dalawang lalaking nurse para tulungang ihatid si mama sa examination room.
"Labas lang po ako saglit. Babalikan ko kayo pagkatapos."
Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Salamat anak."
Tumango ako at binigyan siya ng maliit na ngiti bago siya dalhin sa ibang kwarto.
Lumabas ako ng emergency room para lumanghap ng sariwang hangin. Yung galit na nararamdaman ko nung una ay biglang napalitan ng kaba at lungkot. Sana naman ay wala siyang malalang sakit o anuman.
"Your mom's going to be fine," isang boses ng lalaki ang nakabasag ng agam-agam ko.
Napatingin ako sa tabi at nakita ang lalaking nakasandal sa pader sa may gilid. Saktong pinapatay niya ang sindi ng yosi niya gamit ang itim niyang sapatos.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Teka, sino ka ba? At bakit nandito ka pa?"
"Miss, can you chill?" sambit nito habang may kinukuha sa bulsa niya. Inabot niya ang isang pulang lollipop sa akin.
"Ano 'to?" Nalilitong tanong ko habang nakatitig sa bigay niya sa akin.
"Haven't seen a lollipop before?" Tumatawang sagot niya habang kumukuha ng isa pa mula sa kanyang bulsa at isinubo ito sa bibig niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ako kumakain ng sweets. Thanks, anyway." Binalik ko ang lollipop sa kanya.
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin habang nakataas na ang mga kamay niya sa ere. "What's with the cold shoulder? I just helped you and your mom, didn't I?"
BINABASA MO ANG
The Lollipop Project [Gen L Society #1]
Roman pour Adolescents[Gen L Society Series #1] Konstantia Analeen Fernandez, a nursing student collides with Jale Enrico Atkinson, an intern doctor who happens to be a secret son of a senator... and it all starts with a lollipop. *** Disclaimer: This story is written in...