Ang Sulat

16 8 4
                                    


"Ang sulat na ito ay para sa iyo.

Marahil wala na ako sa tabi mo habang binabasa mo ang sulat na ito.

Itong sulat na siyang iniwan ko sa iyo.

Itong sulat ng mga alaala ko sa iyo."


"Naaalala mo pa ba?

Nang una tayong magkitang dalawa?

Mga panahong kay sarap balik-balikan.

Mga panahong sana'y wala nalang naging katapusan.


Parang kahapon lamang ang nagdaan.

Kahapon.

Nang magkasama tayo. 

Walang inaalala na para bang tayo lang ang nakatira sa mundo.

Kahapon.

Nang ang pag-ibig natin ay walang makapagbubuwag.

Na para bang kahit ang tadhana'y nagiging duwag.

Isang kahapon na nanatili sa pagiging kahapon.


Anong nangyari?

Anong nangyari sa ating dalawa?

Bakit nawala na ang dating saya?

Ang dating saya na nakikita ko sa iyong mga mata sa tuwing magkasama tayong dalawa?


Bakit nawala na ang dating pag-iibigan?

Ang dating pag-iibigan na ang tanging kahulugan lamang ay 'AKO at IKAW'.


Anong nangyari?

Alam kong walang may kasalanan.

Ngunit alam kong mayroon tayong pagkukulang.

Pagkukulang na hindi napunan ng tayo pa ay nagmamahalan.

Pagkukulang na unti-untin pang nabawasan hanggang sa maubos na ng tuluyan.


Nagpasya akong lumisan.

Lumisan ako hindi upang ikaw ay iwan.

Lumisan ako hindi upang ikaw ay makalimutan.

Lumisan ako dahil alam kong ang pagmamahalan natin ay wala ring patutunguhan.


Ang akala ko'y hindi ka magdaramdam.

Ang akala ko'y wala kang pake-alam.

Ang akala ko'y hindi mo ako susundan.

Ngunit ako'y iyong pinigilan.

Pinigilang ika'y lisanan.

Isang aksyon na aking lubos na pinagsisihan.


Ngayon alam ko na.

Na sa ating dalawa, ako ang siyang tunay na nagkulang.

Na sa ating dalawa, ako ang siyang tunay na nawalan ng tiwala.

Tiwala na sana'y binigay ko sayo ng tayo pa.

Ngunit mayroon pa namang tayo diba?

Dahil hanggang ngayon, hindi parin nagtatapos ang kuwento nating dalawa.

Ang Sulat (Spoken Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon