TORMENT 2

630 24 1
                                    

[2]

•Danae•

"I know you are very proud with my achievement. Lagi niyong sinasabi sa akin na hindi ko kayo kailan man nadisappoint. Sana lang nandito pa kayo." Saad ko habang hinahaplos ang kanilang lapida. Hindi ko pa rin mapigilan ang umiyak. Hanggang ngayon masakit pa rin at hindi ko alam kung mawawala pa ba 'to sa buong buhay ko.

"I promise that I will chase my dreams even if they are running too fast." Alam kong naririnig nila ako.

"Dad. I know Tito Samuel was just lying and they just wanted to claim some of our properties. I believe that you don't have debts. You are a very nice man and you will do everything just to provide what your family needs. I know that----" Nahinto ako sa pagsasalita ng may bolang gumulong sa gawi kung nasaan ako.

I took it and my forehead creased suddenly while reading the text written on the ball.

"Be ready. You'll be dead soon." 

"Be ready. You'll be dead soon."

It sent chills down my spine and the hairs on my nape stood up. Here it goes again. Binalewala ko lang ang mga ganito tuwing nakatatanggap ako. Noon pa man ay nakakatanggap na ako ng death threats simula nang mailibing sina mom at dad. Sa locker ko sa school, sa mail box ng bahay namin, at sa iba pang lugar. I did not take it seriously because probably there's just somone who's playing pranka on me. But this time, it's different. My gut feel tells me that something bad will happen.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng sementeryo. Maitim na ang mga ulap hufyat na nagbabadya na ang isang malakas na ulan dahil sa bagyo. 'Singlamig na rin ng yelo ang mga kamay ko sabayan pa ng napakalamig na dampi ng hangin sa paligid. Parang na ring nanlalambot na ang aking mga tuhod dahil sa nararamdamang matinding kaba.

I instantaneously stood up and put my bag on my shoulder. I need to get out quickly!

Halos kaladkarin ko na ang sapatos ko dahil sa bilis ng lakad ko habang paulit-ulit na tinitingnan ang aking likuran. I know someone is following me! I looked back again but there's no one behind me. Pero sa tuwing haharap ako para magpatuloy sa paglalakad ay naririnig ko ang mga yapak nang kung sinumang sumusunod sa aking likuran.

Malas at walang ibang tao ngayon dito sa sementeryo at wala akong mahihingan ng tulong sakaling may gawing masama sa'kin. I can see the gate of the cemetery so I ran faster than fast. Mas kinabahan ako nang nakita kong mayroon ngang lalaking nakaitim ang sumusunod sa akin at mas bumibilis na rin ang lakad niya para maabutan ako.

Tumakbo na ako habang nililingon ang lalaking tumatakbo na rin at sobra ang naging gulat ko nang mabunggo ako sa isang katawan at kasunod noon ang malalaking patak ng tubig, biglaan nang bumuhos ang malakas na ulan at hangin.

"Hi, baby." Hindi pa man ako nakakaharap ay nakaramdam na ako ng pagkahilo nang may nagtakip ng kung ano sa aking mukha. All of a sudden, it's all black.

"Do not blame anyone, Danae." Mahinahong sabi ni Dad.

"But dad, it's all their fault!" Sigaw ko.

"Do not blame anyone, Danae." He just repeated what he said earlier.

"They killed you and mom!" I shouted and I can feel the tears flowing down on my face.

"Don't ever let your anger drive you to do bad deeds," he said.

Nagising akong ramdam ang luha sa mga mata. Iaangat ko na sana ang kamay ko para punasan 'yon pero hindi ko magawa dahil nakatali ang mga kamay ko. What?! Nakatali ang mga kamay at paa ko!

Torment of Your StormWhere stories live. Discover now