#6

56 7 6
                                    

#6

"May asawa ka na?" Nanahimik kami saglit dahil sa tanong ko. May mali ba sa tanong ko? Baka nasa isip niya obvious naman.

"Divorced na kami. Pero may dalawa kaming anak. Minsan bumibisita sa akin mga anak ko" sabi niya. Tumingin siya saglit sa akin at ngumiti.

"Okay ba kayo?" Taman ba itong mga tinatanong ko? Nasasaktan kaya siya?

"Ah oo naman. We're good friends. We grew in different direction kaya napag-isipan naming mag divorce nalang." Sabi niya nang may ngiti pa din sa labi.

"So ikaw, do you have a boyfriend?" Tanong niya. Naiinis ako sa tanong niya. Sa lagay kong ito, magkakaroon ba ako ng boyfriend?

"Eh? Sa tingin mo? Edi sana diba siya ang sumundo sa akin." Maldita kong sagot. Napatawa siya. Grr.

"Pasensya na hahaha. Malay mo LDR kayo"

"LDR amp. Tandaan mo sir, walang magkarelasyong nagtatagal kapag LDR sila" banggit ko. Napatawa ulit siya.

Ibang iba siya sa school sa ngayon. Sa school kasi napaka strikto niya. Lalo na kapag nagtatawag siya sa recitation. Alam mo yun, mapipilitan ka makinig sa kanya. Hindi ka kasi niya papaupuin hanggat hindi ka nakakasagot.

Sa lahat ng subject, sa kanya lang nananahimik ang buong klase. Usap-usapan din na gusto na nila umalis si sir Bruce. Madaming nagagalit sa kanya sa sobrang strikto niya.

"Dito nalang ako sir." Sabi ko. Tinabi niya ang kotse at lumabas na ako. "Salamat"

Bago pa ako makaakyat sa apartment ko may sinigaw siya.

"Salamat din sa pagtitiwala Cassidy!" Tumalikod ako at nakita ko siyang nakangiti. Naiwan akong tulala sa labas ng apartment ko. Ano 'tong nararamdaman ko? Sobrang weird ampocha. Nakakairita. Bakit niya ako tinawag na Cassidy. Kaano-ano ko ba siya.

Pagkabukas ko ng pintuan, sumalubong sa akin ang dalawa kong pusa na meow ng meow.

"Halloooo Pinku and Bum Bum!!" Kinarga ko sila at niyakap yakap. Hmmmm sarap talaga sa feeling. Napahiga ako sa kama at hindi ko makalimutan yung mukha ng Bruce na yun. Grrr!! Bakit ganon?

Narinig kong tumunog ang phone ko. Sila Angelo at Jeanne. Kanina pa sila nagtetext sa akin. Siguro napansin nilang hindi ako naglaro ngayon dahil gabi na ako nakauwi.

Jeanne: Christian!! Nasaan ka na?? Nakauwi ka na baaa??

Angelo: brooo laro na tayooo kanina pa kami naghihintay ni Jeanne

Ang dami na nilang message and missed calls. Kaya hindi ko napapansin dahil busy ako kanina kay Bruce dzuh.

Tinext ko sila na kakauwi ko lang at pumunta ako ng mall. Sa totoo lang, feel ko na mababait silang tao sa personal.

Grabe din kasi sila mag-alala sa isa't isa at sa akin na din. Alam mo yun. Feel na feel mo na Bestfriend mo sila. Kaso nga natatakot talaga ako na malaman nilang hindi Christian ang pangalan ko at hindi ako lalaki. Baka iwan lang nila ako ulit.

Nga pala, kanina sinabi sa akin ni sir Bruce na may assignment daw kami sa subject niya. Hindi ko narinig yun kanina dahil lutang ako sa school.

Pagbukas ko ng ref, nakita ko yung mukha ni sir Bruce. Pocha ano to???!! Kinusot ko ang mga mata ko at napasinghal ako. Mansanas lang pala. Tae ano ba nangyayari sa akin? Ang weird talaga! In love ba ako?? Imposible! 45 na siya like wtf I'm just 17.

Pero hindi ako makapaniwalang 45 na siya dahil mukha siyang 30 palang. Oo na gwapo na siya. Pero hindi ako in love. Duh. Kakornihan. Ang pag-ibig ay kakornihan.

Matangkad siya at may katamtamang katawan. Malaki siya pero bumagay sa mukha niya. Nakasalamin siya at may kaunting bigote.

Hindi ko ma-explain ang naramdaman ko kanina nang tawagin niya ako sa una kong pangalan. Parang gusto ko sumabog. Gusto ko kaninang magwala. Gusto ko maging hulk kanina at hambalusin ang kotse niya. Anong ginawa niya sa akin?

Bruce's POV:

Hindi ko maiwasang hindi maisip si Cassidy Vergara. Masiyadong malapit ang loob ko sa kanya kahit na ganoon ang pakikitungo niya sa akin.

Gusto ko siyang tulungan sa problema niya.

Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

Gusto ko siyang sumaya. Gusto ko siyang baguhin hanggat maaga pa. Ayaw kong matulad siya sa akin. Kahit sa simpleng gagawin ko, sana ay matulungan ko siya.

Mahilig akong magbasa ng mga libro. Nahiligan ko ito simula nang maging mapag-isa ako. Natutuwa ako sa mga istoryang nababasa ko. Para bang ako ang karakter na nasa libro na iyon.

Bago ako umuwi, pumunta ako ng mall para bumili ng libro. Kakatapos ko lang kasi basahin ang binili ko noong nakaraang araw. Nang pauwi na ako, nahagilap ng mata ko si Cassidy, ang estudyante ko.

Niyaya ko siyang sumabay sa akin. Oo weird. Kasi hindi niya pa naman ako lubusang kilala at isa pa, guro niya ako. Tapos niyaya ko siyang sumabay sa akin pag-uwi? Weird diba. Baka kung ano pa isipin ng iba kung may makakilala sa amin.

Pero alam kong mga ganitong oras ay mahirap na makahanap ng masasakyan. Kaya hindi na ako nag atubili at niyaya siya.

Tumanggi siya.

Nang umalis siya sa harap ko, itinabi ko muna ang kotse ko at hinintay siya. Sa tuwing may dadating na jeep, nauunahan siya at minsan pa nga'y pinagtutulakan. Inabot ako ng isang oras kakahintay sa kanya upang masiguradong walang mangyayari sa kanyang masama.

Nang umupo nalang siya sa upuan, doon na ako lumapit sa kanya. Madilim ang paligid pero kitang kita ko ang pangingilid ng luha ni Cassidy.

Masungit siya at maldita. Pero alam kong may kabutihan sa loob niya. Pipilitin ko itong palabasin para magkaroon na siya ng kaibigan sa eskwelahan nila.

Nagpapalitan kami ng tanong habang bumabyahe. Naantig ang puso ko sa kwento niya. Alam kong may kakaiba talagang nangyayari sa buhay niya kaya siya nagkaka ganoon.

Napatigil naman ako nang itanong niya kung may asawa na ba ako. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil nahihiya ako.

Paano ko siya matutulungan kung sarili ko mismo, hindi ko matulungan?

Sinabi ko sa kanya na divorced na kami at may dalawang anak.

Tinuro niya ang daan papunta sa tinutuluyan niya. Kahit na palagi siyang galit, nagagandahan pa din ako sa kanya.

Oy! Hindi ko siya gusto. Alam ko ang pwesto ko. At higit sa lahat, napaka laki ng agwat ng edad namin. At guro niya ako.

The PedogogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon