Ang pag ibig ay masyadong masyadong kumplikado,
Maari kang sumugal ngunit napakadelikado,
Maari kang manalo ngunit hindi mo maiiwasan ang pagkatalo,
Ang tangi mo lamang magagawa ay kumapit at magpakatatag hanggang dulo.
Minsan kapag gusto mo, gusto ka,
Pero mas madalas kapag gusto mo ayaw niya,
Sadyang ang mundo'y napakadaya naman talaga,
Hindi ba pwedeng puro na lamang saya?.
Saya na mararamdaman mula simula hanggang dulo,
Yung ramdam mo ang kanyang pagiging totoo,
Yung damang dama mo ang kanyang pagseseryoso,
Hindi yung palagi ka nalang niloloko.
Ang hirap kasi sa panahon ngayon kapag seryoso ka gagaguhin ka,
Kapag naman gago ka seseryosohin ka,
Napakagulo naman sadya diba?
Daig pa ang isang kasong hindi maresolba.
Kapag nagmahal ka kailangan handa kang masaktan,
Kailangan mong ihanda ang sarili mo sa pait na iyong mararamdaman,
Kailangan mong tiisin ang mga sakit na dadaan,
Lilipas ang panahon at ikaw ay kusang lalaya sa mundong puno ng kasakiman.
BINABASA MO ANG
Glimpes of Love
RomantikAng storyang ito ay pawang kathang isip lamang. Ako'y baguhan lamang sa larangan ng pagsusulat. Sana ay magustuhan niyo ang aking ginawang kwento. Enjoy Reading!