Yana's PoV.
"Yana! Bumangon kana dyan! Anong oras na magintindi kana ng mga gawain mo!"
"Oo napo babangon napo!" Sigaw ko pabalik
Ganito nalang palagi ang buhay ko araw araw simula nung nagquarantine sigawan nalang ng sigawan.
Bakit ba kasi iisang anak ako kung may kapatid ako edi sana may katulong ako diba?. Buti nalang talaga nandyan ang WPA Fam, kung wala naku naloka nako dito.
Ako nga pala si Rhiana Celeste, Yana for short. Senior High School student, mabait, maganda, matalino, at masipag sabi nila. Hindi ako naniniwala, bat naman ako maniniwala eh alam ko sa sarili kong tamad ako at di ako maganda. Pero isang bagay lang ang sigurado ako yun ay mabait ako sa mga mababait sakin. Lahat naman tayo diba?
"Ano Yana ilang beses kopa dapat ulitin?!"
Shemay oo nga pala babangon nako.
"Maghugas kana diyan at pupunta muna kaming bayan ng papa mo at mamalengke. Wag magpapasok ng kung sino sino ha!? at yung mga pinto saraduhan!" pagkakahaba habang sabi ni nanay.
"Oo napo" susundin kona sana ng bukal sa puso eh kaso inutos pa ng pagalit, nakakatamad tuloy.
"Yana! Yana!"
May isang baliw na namang sumisigaw sa labas. Walang iba kundi ang aking kaibigan na si Ryzie.
Napangiti nalang ako dahil alam kong mangungulit na naman to. "Ang aga mong mambulabog Ry my gosh!"
"O edi uuwi nako" nagtatampong niyang sabi at umambang bubuksan ang pinto para lumabas.
Umirap siya. "hindi nako babalik dito kahit kelan." tumalikod na siya. "Bye!" at padabog na sinaraduhan ang pintuan."Hoy! ito naman hindi na mabiro halika dito at tulungan moko ditong abnormal ka" sabi ko at hinabol siya palabas.
"Sinong abnormal Yana? Hoy Yana ikaw ang abnormal sating dalawa! sino yung may crush kay Acher?, sino yung nagbigay ng pap-" agad kong tinakpan ang kanyang bunganga.
"Hoy bruha ka pag may nakaalam nun yari ka sakin!" wika ko dito nang nagbabanta.
"Sorry na HAHA! pano ikaw kase! Oy bruha si Acherrrrr!"
Sumakit ang aking tenga sa kanyang pagtili.
"Hoy ano ba hinaan mo nga boses mo! mapakinggan kapa nyan.Alam mo namang ang sungit sungit nyan, sobrang suplado jusko! tsinelasin ko yun eh! HAHA-" naputol ang aking pagsasalita ng biglang may umimik sa likod ko.
"Sinong tsetsenelasin mo?" sabi niya sa seryosong tono.
Sheeet si Acheeeer! Napakinggan niya ang mga sinabi ko omaygad! omaygadd I'm deaaad! Tumingin ako kay Ry para humingi ng saklolo pero agad din akong nagsisi.
"Ikaw daw Acher. Ang sungit sungit mo daw at suplado."
Nalaglag ang aking panga sa sinabi ni Ryzie. Nilaglag niya ako. Sinamaan ko siya nang tingin.
"Yari ka sakin mamaya" sabi ko ng pabulong at may diin ang bawat salita.
Agad akong umalis sa aking tayo sapagkat hindi kona kayang hintayin ang labis na kahihiyan. Naglakad na ako pauwi sa aming bahay. Naramdaman ko na lamang na sumusunod sa aking likuran si Ryzie.
"Yana lutuin mo itong pinamalengke namin at kami'y didiretso na sa bahay ng lola mo." utos ni nanay at umalis na silang muli para pumunta sa aking lola.
"Pasalamat ka Ry! Magluluto muna ako at ikaw tumulong tulong ka naman sa inyo dika prinsesa!"
"Oo na dami pang sinasabi" wika niya at naglakad na upang umuwi.
Palagi nalang ganito ang takbo ng aking buhay araw-araw. Gigising para magintindi ng bahay, pupunta sa bahay si ryzie para manggulo at babad naman sa cellphone kapag gabi.
BINABASA MO ANG
Glimpes of Love
RomanceAng storyang ito ay pawang kathang isip lamang. Ako'y baguhan lamang sa larangan ng pagsusulat. Sana ay magustuhan niyo ang aking ginawang kwento. Enjoy Reading!