Pagkatapos kong gawin ang mga araw araw kong gawain ay nahiga na ako sa aking kama para magcellphone. Ito ang aking palaging ginagawa upang hindi ako mabagot. Nagulat ako ng mabasa ko ang isang post ni Acher. Ilang minuto palang niya ito napopost ngunit napakarami na ang nag react.
"Tsetsenelasin daw ako?Pathetic." basa ko sa kanyang pinost.
Dahil sa kahihiyan ay naglog out nako sa facebook at nagmessenger na lamang. Nakipag kulitan na lamang ako sa mga group chat ng WPA. Makakalimutan ko na sana ang kahihiyang inabot ko kanina ngunit biglang nagchat ang aking kaibigan.
Ryzie:
Nakita mo ba yung post ni Acher? My God HAHA lagot ka bruha.
Dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko napigilan magtakip ng mukha. Arggh! nakakahiya!
Me:
Ewan ko sayo bahala ka jan!
Akin nang pinatay ang aking cellphone upang matulog. Gusto kong makalimutan nag nangyari kanina sana paggising ko hindi kona maalala.
Maaga akong nagising kinabukasan at maaga ko ring tinapos ang aking nga gawain. Ako'y nanunuod ng tv ng tawagin ako ni nanay.
"Yana bili ka nga munang sibuyas kanila Aleng Jenny"
Agad kong kinuha ang pera para makabalik agad ako at matuloy ang aking pinapanuod. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may bigla akong maisip. Shet! Tindahan nga pala nina Acher yun! Tindahan lang nila ang malapit dito. Wala akong ibang bibilhan. Napabuntong hininga na lamang ako at nilakasan ang loob.
"Pabili po"
Nagulat ako ng si Acher ang aking makita. Ito ang unang beses na makita ko siyang nagtitinda. Sobrang hot niya sa suot niyang sando. "Arghh Yana umiiral na naman kalandian mo" bulong ko sa aking sarili.
"Wait a second, I'll just finish this" sabi niya ng hindi inaalis ang paningin sa cellphone.
Wtf! nakapaattitude niyang tindero! Paghihintayin ang bibili?! What!?
"Hoy! Bibili ako hindi ako uutang kaya kung maaari bilisan mo diyan dahil may pinapanuod pako!" mataray kong sabi.
Bigla akong napatigil. Hindi ko na naman napigilan ang aking bunganga sa pagsasalita.
"What did you say?"
Patay.
"Ahmm wala hehe tapusin mo na muna yan"
"Pasmado kang bibig ka! Salita ka ng salita" parang baliw kong sita sa aking bibig."What?!" sabi niya at tinignan ako ng masama.
"Wala yung langgam kasi kinagat yung paa ko hehe tama yung langgam nga."
Pag kabigay na pagkabigay niya ng sibuyas ay akin agad na ibinigay ang bayad at kumaripas ng takbo pauwi.
Hingal na hingal ako pagkarating ko sa bahay.
"Anong nangyari sayo Yana? Parang hinabol ka ng aso!"
Sana nga hinabol nalang ako ng aso kesa nangyari pa yun nakakahiyaaa! 1 linggo nalang at pasukan na tapos kaklase ko pa siya. Anong mukha ang ihaharap koooo!
Dahil sa sobrang kahihiyan ay hindi kona naituloy ang aking pinapanuod. Pumunta nalang ako kanila Ryzie para ikwento ang nangyari kanina.
"Oh Yana iha pasok ka" anyaya sakin ni Tita Michelle
"Si Ry po ba?"
"Nandito ako baket!?" sigaw agad ni Ryzie
"Ryzie wag ka ngang sumigaw nakakahiya sa kapitbahay" sermon sa kanya ni tita.
"Buti nga" pang aasar ko dito.
"Ano bang meron at pumunta ka dito?"
"May ikwekwento ako sayo si Acher!!"
"As in Acher Vladimir?!" patili niyang sigaw.
"Ryzie isang sigaw pa!" sigaw ni tita mula sa kusina.
"So anong nangyari?" curious na tanong niya.
"Napahiya na naman ako kay Acher."
"Palagi naman diba HAHA pero ano bang nangyari?"
Pagtapos kong ikwento sa kanya ang nangyari ay bigla na lamang siyang tumawa.
"HAHAHAHA pasmado talaga ang bunganga mo kahit kelan! Imbes na iniisip lang nasasabi! Bilib na talaga ako sayo Yana iba ka! HAHAHA" sabi niya at muli na namang tumawa.
Ngumuso nalang ako dahil sa kanyang sinabi. Kasalanan ko bang ganito tong bunganga ko? kahit ako diko macontrol. Hays puro nalang kahihiyan ang nangyayari sa akin kapag kaharap ko ai Acher pano na ang kasal naminnnn!
"Yuck kadiri ka Yana pinagpapantasyahan mo si Acher"
Pasmado ka talagang bunganga ka.
BINABASA MO ANG
Glimpes of Love
RomanceAng storyang ito ay pawang kathang isip lamang. Ako'y baguhan lamang sa larangan ng pagsusulat. Sana ay magustuhan niyo ang aking ginawang kwento. Enjoy Reading!