"Calli, please I'm begging you," Nakaluhod at umiiyak na sa harap ko ang bestfriend na si Bella. Kumalat ang balitang engaged na ako sa isa sa mga Zacarejas at mukhang nakaabot din 'to sa kanya. Hindi pa sumisikat ang araw at ito siya sa condo ko, nag mamakaawa. I don't understand her. Kakagising ko pa lang at wala pa sa wisyo."What is it Bella? Ginulo mo ang tulog ko-" She cut me off.
"You're engaged to Jaxen Zacarejas, tama ba?" Napairap ako at naupo sa sofa. Tinignan niya naman ako na parang uhaw na uhaw sa inpormasyon.
"Bella, baka pakanan na naman 'to ng parents ko. You know that I don't agree-"
"Marry him!" Putol niya sakin dahilan para tignan ko sya ng nalilito. Why should I marry that man? Tumayo siya mula sa pag kakaluhod at tumabi sakin. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
"Please, Calli marry him!" Tinignan ko siya ng 'di makapaniwala.
"I'm not going to do that Bella! Ayoko pang matali!" Saad ko at mas lalong nagulat ng humagulgol siya ng iyak.
"What's your problem? Are you okay? Kukuha lang ako ng tubig," Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ko at mas hinigpitan ang hawak sa aking kamay.
"I'm pregnant." Sabi niya sa mahinang boses pero rinig na rinig ko iyon. What the hell?
"That's not a good joke Bella-"
"This is Jaxen's child." Muli akong napaupo sa tabi niya. Gulat at 'di makapaniwala. Alam kong mahilig siyang makipaglaro sa mga lalake but I'm not expecting this!
"Hindi kayo gumamit ng protection?! Are you serious?!" Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat pero hindi siya makatingin sakin. And she wants me to marry that guy? Hindi ba tinanggap ng lalaki ang dinadala niya?
"Alam niya na ba 'to? What did he say?" 'Di pa rin sya makatingin sakin at umiiling iling lang.
"Please, Calli do this for me," This is a serious thing. I never think of marriage!
"I don't understand Bella, bakit ako? You're pregnant! Dapat niyang panagutan iyan!"
Bella is my bestfriend since we're kids. Close ang parents namin at madalas noon na bumisita sa mansyon kaya siya talaga ang lagi kong nakakalaro pero simula ng lumaki ay naging malimit na lang ang communication namin. Ngayon lang ulit kami nagkita after 3 months at 'di ko inaasahan na ganito na agad ang nangyari. I don't know what she's thinking at bakit gusto niya kong ipasok sa gulong ito. Yes, she's my bestfriend pero masyadong malaking pabor itong hinihingi niya.
"Please, Calli" Pag mamakaawa niya. Napahilot ako sa ulo ko at tulad niya ay problemado na rin.
"What do you want me to do?" Tanong ko dahilan para mag angat siya ng tingin sakin. I see hope in her eyes. I want to know her plan.
"Tell your parents that you're going to marry him pero hindi ka dadalo sa mismong kasal." What? Gusto niya kong maging run away bride?
"That's ridiculous!" Halos matawa ako sa planong iyon. Kung pipilitin ako ng parents kong magpakasal baka ganon nga talaga ang gawin ko!
"Make him fall in love with you..." Dagdag niya pa kaya natigil ako sa pag iisip sa gagawing pagtakbo sa kasal. Seriously? Akala ko tatakbuhan ko lang ang kasal!
"So, you want me to hurt him? Bakit 'di mo na lang sabihin ang sitwasyon mo? You're making things complicated Bella." Sumeryoso ang mukha niya at nag punas ng luha. Malayong malayo sa mukha na kanina lang ay nagmamakaawa.
BINABASA MO ANG
Orbit of Fate (BPS #1)
General FictionBroken Promises Series #1 I wonder if we meet in different time, different place or different circumstances. Do I have a chance to win? I'm still hoping that you can give me another chance. To promise again even if it means losing. The comeback story