Chapter 4

4 1 0
                                    






"He's not coming," He said after he ended the call with his brother. Sino naman kaya nag sabi kay Bella na pupunta si Jaxen dito? I just wasted my time here. Gusto kong dumalo sa meeting pero mukhang nandoon din si Jaxton. Isipin na makakasama ko pa siya ng ilang oras ay agad na kong sumusuko. I don't really like him.

"Okay, uuwi na ko kung ganon." Saad ko at tumayo na.

"Excuse me Mr. Zacarejas, start na po ng meeting" Sabi noong babae na nakita ko rin na kasama niya doon sa building namin. His secretary.

"Thank you," I said to him at dire-diretso ng lumabas. Sinundan naman ako ng tingin noong babae.

Agad kong tinawagan si Bella at sinabi ang nangyari. Mukhang nainis siya dahil agad din itong nagpaalam sa galit na tono.

I think Jaxen Zacarejas is busy dahil wala rin siya noong nagkaroon ng party ang mga Peralez. I did see Jaxon with his parents pero agad ding nawala. Muling nagalit si Bella noon ng ibalita ko sakanya. Kinakamusta ko ang pagbubuntis niya pero agad niya ring nililihis ang usapan tuwing nababanggit ko iyon.

"You look great hija!" Puri ni Mommy ng dumating ang araw na mag didinner kami kasama ang mga Zacarejas. I'm wearing my blue simple dress at naka bun ang buhok.

Bella and I expecting Jaxen there. Malamang ay nandoon siya dahil engagement namin ang pag uusapan dito.

"Where's ate Alli?" Tanong ko. Sabi nila kanina ay papunta na.

"She can't make it Calli, she's busy." Daddy said kaya tinignan ko siya ng nagtataka. Parang lagi yatang busy si Ate Alli?

Hindi na ko nag tanong pa at nanahimik na lang. Maybe she's really busy. Kailangan kong isipin ngayon ay ang engagement. I will do this for Bella. I hope my parents will forgive me after our plan.

Nakarating na kami sa mansyon ng mga Zacarejas at ang mga ibang imbitado ay naroon na. Tuwang tuwa ako ng makita sila Laurel at agad siyang nilapitan. Kasama niya ang iba pa niyang mga pinsan.

"Calli!" She said excitedly ng makita ako. Agad na nagtinginan sakin ang kanyang mga pinsan. Nakikita ko na ang iba sakanila sa school pero ngayon lang nalapitan ng ganito.

"Did you see Jaxton? He's super hot!" Agad niyang sabi matapos makipag beso. Umiling naman ako.

"Hindi ko pa sila nakikita."

"Really, hindi ko pa rin nakikita si Jaxen" Sabi niya at tumingin tingin sa paligid. Wala pa si Jaxen? Don't tell me hindi siya pupunta? Imposible.

Pinakilala ako ni Laurel sa kanyang mga pinsan. I know their family. Isa rin sa mga gumagawa ng pangalan sa business. Nakita ko rin ang mga Contreras at Peralez.

Nagpaaalam naman ako kay Laurel ng tawagin ako ni Mommy para batiin ang mga Zacarejas. Laurel is right. Si Jaxton lang ang nandoon. Katabi ang kanyang parents. Where is Jaxen?

"Calli, I thought you're not going to make it" Sabi ni Camila Zacarejas. Jaxen's Mother. Mabibilang lang sa daliri kung ilang beses kami nagkaroon ng interaksyon. Kaya I don't know why she choose me for her son. I think she's still in her 30's. She's very beautiful and kind. Katabi nito sa kanan ang asawa na si Sergio Zacarejas. He look strict and intimidating like his son, Jaxton.

Nagkatinginan kami ni Jaxton at nakita ko ang maliit na ngiti niya. Naglahad siya ng kamay.

"It's nice to see you again," He said. Tinanggap ko ang kamay niya pero mabilis ding inalis.

"Your brother is not here?" Tanong ko at nakita ko ang mabilis na pagbabago sa kanyang mukha. He look irritated now.

"He's busy,"

Orbit of Fate (BPS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon