Chapter 2

4 1 0
                                    



Mabilis na kumalat na engaged na ko kay Jaxen Zacarejas at malamang dahil iyon sa nangyari sa bar. Laurel almost tell it to everyone! Tumawag din si Mommy and assure me na ipapatigil niya na ang pag kalat noon. I agree with her dahil ako rin naman ang nahihirapan dahil sa kaliwa't kanan na tanong ng mga kakilala. I also ask her kung totoo ba talaga ang engagement at kung hindi ba fake news iyon. She said yes and tell me not to worry dahil totoo iyon. Well, mas gugustuhin ko pa yatang hindi totoo itong nangyayari.

Tinanghali ako ng gising dahil medyo naparami ang inom ko kagabi. Mabuti na lang at wala akong pasok. Pinili kong magpunta sa building namin para bisitahin si ate Alli. 2 weeks na rin kaming hindi nagkikita. May sarili rin siyang condo at madalas lang din umuwi sa mansyon. Our parents teach us to be independent kaya maaga kaming bumukod.

"Nasa meeting pa po si Miss Naval," Sabi ng babae nang tanungin ko ito. Mukhang hindi niya ako nakilala dahil wala sakin ang buong atensyon niya at patuloy na nag titipa doon sa kanyang laptop.

"Okay, I'll just wait her in her office." Sagot ko at dire-diretso ng naglakad papuntang elevator.

"Wait, Miss! Dito na lang po kayo maghintay—" Hinabol niya ko at sinubukang pigilan pero natigilan siya ng may bumati.

"Good afternoon Miss Naval" Two boys greeted me and smile. Iyong mukha naman ng babaeng kaharap ko ay nagulat. Mukhang bago pa lang siya dito.

"S-Sorry Ma'am, hindi ko po alam..." Paumanhin nito. I can't blame her, dahil hindi talaga ako madalas dito.

"It's okay, pwede bang sa office niya na lang ako maghintay?" Mabilis siyang tumango at halos 'di alam ang gagawin.

"Yes, Miss Naval p-pasensya na po. Ihahatid ko na po kayo sa office niya." Taranta niyang sagot. Agad naman akong umiling.

"No need just continue your work" Sabi ko at pinagpatuloy na ulit ang paglalakad.

"Yes, Miss!" Dinig kong sagot niya at nasulyapan ko pa ang kanyang pagyuko.

Sa pagkakatanda ko, na sa fourth floor ang office ni ate kaya dito ako bumaba. Natigilan ang mga taong nandoon at halos mabali ang leeg kakasunod ng tingin sakin. May iilang bumati at binigyan ko lang sila ng tipid na ngiti. Wala iyong secretary sa pwesto niya kaya nag dire-diretso ako ng pasok sa natatandaang office ni ate. Sabi ng babae sa baba ay may meeting pa sila. Maghihintay na lang muna siguro ako. Isang buwan na simula ng bumisita ako dito. Gusto kong tignan kung ano ang nagbago sa buong building pero hindi ako kumportable sa tingin ng mga empleyado.

Naupo ako sa swivel chair at inobserbahan ang bagong ayos ng office. Konti na lang ang mga gamit at nawala na ang iilan naming mga pictures. Balita ko ay lilipat siya ng office kaya siguro ay wala na ang mga iyon dito. Tamad kong pinaikot ang upuan. Kitang kita mula dito ang mga kalapit na buildings dahil sa malaking glass window. If I'm going to work here, I'll choose this office.

Kinuha ko ang phone ko at nag simulang kuhaan ang sarili. Muli kong inikot ang swivel chair para makakuha ng magandang lightning. I smile on the camera at nag take pa ng ilang pose. I open my instagram ng ma-satisfy sa mga pictures. Pumili ako ng nagustuhang photo para i-my day. I click the text, to write the caption.

"Miss Naval?" Nabitawan ko ang phone ko sa gulat at nag -angat ng tingin sa nagsalita. May babaeng nakatayo sa pinto at may sumunod na lalaki sakanya. My eyes widened when I recognize him. Madilim ang titig niya sakin kaya lalo akong nataranta. Siya iyong lalaki sa bar! Tumikhim ako at tumayo. Naghagilap ng sasabihin. Bakit ba ko kinakabahan?

"Uhm... I'm waiting my sister, na sa meeting daw siya—"

"The meeting is already done," He said and remove his coat. Wait, bakit dito siya nag huhubad?

Orbit of Fate (BPS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon