Chapter 39

252 13 9
                                    

XXXIX: Follow

"Happy Birthday, Ara!"

Sabay-sabay na bati nila after mahipan ni Ara ang two layer cake. I didn't greet her. Close ba kami?

Binayaran nina Rogue ang boung restaurant para exclusive lang talaga sa amin. Tumayo na sila para kaniya-kaniyang kumuha ng pagkain. Nanatili akong nakaupo. Ayokong makipag-siksikan.

"Hindi ka pa ba kukuha?" Umiling ako kay Dino. Kasama ko siya sa mesang inuukupa.

Pagkatapos magpakasaya kay Ara bumalik sa akin. Mukha ba akong basura? Namumulot ng mga pinaglumaan ng iba? Tsk!

"Mataas pa ang pila" Kinuha ang cellphone na nakapatong sa mesa.

Inusog ko ang upuan palapit kay Dino.  Kumunot ang noo niya at lalayo na sana ng hawakan ko ang upuan niya. Mukha ba akong may virus?

"Let's take a selfie"

"Ayoko" akmang tatayo siya ng hawakan ko ang braso niya.

"Sige na please? Boyfriend naman kita e!" Hinihila niya ang braso at nagtatangkang tumayo.

Ngumisi ako. Tumayo ako at umupo sa lap niya. Naramdaman ko ang pagkagulat niya. Halos hindi siya makagalaw. You can see on his face na gulat na gulat talaga siya. Nawala ang kunot sa noo at napalitan ng purong pagkagulat.

"Uy! Kayo huh!" Ngumisi ako sa tukso ng mga kasamahan namin sa club.

Namula ang mukha ni Dino. Sinubukan kong hulihin ang tingin niya pero umiiwas siya. Itinapat ko ang camera sa kaniya at kinuhaan siya ng litrato.

"What the-" mabilis kong inilayo ang cellphone habang tumatawa.

"Delete it, Aurelia"

"Don't want to"

Nagtangka akong tumayo but he encircled his hand on my waist, not allowing me to stand up. I can't help but to chuckle. He's struggling to get my phone.

Kahit makuha niya pa ito ay may password ang gallery ko no.

"Aurelia!" Nagbabanta ang tono niya.

"Remembrance mo na 'to sa akin"

Hinihila niya ang kamay ko kaya mabilis kong ipinasok ang cellphone sa loob ng dress at inipit sa bra. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dibdib ko at sa mukha niya.

Dumaan sa likod niya si Inigo at tinapik ang balikat niya.

"I know how frustrated you are"

Mas lalo akong natawa sa reaksiyon niya. Naalala ko tuloy iyong pilit nilang kinukuha ang cellphone sa akin pero hindi naitulou dahil nasa loob ng damit ko.

"Aurelia!" Dahan-daham kong tinanggal ang kamay niya. Nanlulumo ang tingin niya. Para siyang batang inagawan ng candy.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat paano ay marahas na inilapag ni Brix ang plato sa mesa na gumawa ng ingay. Nginuso niya ang gilid niya.

Titingnan ko na sana ang gilid ng mahagip ng tingin ko sa Rogue. Madilim ang tingin niya at mahigpit ang hawak sa baso.

"Sit properly, Aurelia. That's how we prevent a bloody fight" I cross my arms.

"Bakit? Ayaw bang umupo ni Ara sa lap niya?"

"Ewan ko sa'yo" tumalikod siya at iniwan kami.

Tingnan mo 'to. Walang kwentang kausap. Tinatanong ko pa siya e.

"Oh my!" Bigla akong binuhat ni Dino at inuupo sa upuan ko.

"Sarap na sarap ka naman sa pag upo"  umirap ako.

Last Section: Venomous cureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon