Chapter 40

277 15 9
                                    

XL: Truth



Pumasok ako sa tindahan na nakita ko. Madami silang bikini. I'm on two piece. Nilingon ko ang labas. Rogue was standing near the door. Hindi nga siya pumasok. Mas mabuti na rin iyon. Nakakahiya kayang nakasunod siya habang pumipili ako ng bikini. Mahilig pa naman manglait ang isang 'yon.

Itinaas ko ang blue at red na bikini. Gusto ko ang dalawang 'to pero hindi naman kami magtatagal kaya isa lang ang bibilhin ko. Sabihin pa ni Rogue ang gastos ko. Kaniyang pera pa naman ang gamit ko.

Nilingon ko ulit ang labas nagtama ang tingin naming dalawa ni Rogue. Mas itinaas ko pa ang dalawang bikini at ipinakita sa kaniya. Kinuha niya ang cellphone at nagtipa. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko. Ibinaba ko ang bikini at tiningnan ang hawak na cellphone.

Future Husband

Bakit magsu-suot ka pa niyan e wala ka nanang ipagmamalaki. Pinapahiya mo pa ang sarili mo.

Masama ang tingin na iginawad ko sa kaniya. Ngumisi lang siya. Umirap ako at lumipat sa dress section nila. Malapit iyon sa room kung saan pwedeng magpalit.

Kinuha ko ang isang maxi dress pa rin na kulay puti. Muli kong tiningnan si Rogue. Akala niya ay hindi ako bibili ng bikini dahil lang sa sinabi niya? No way.

Kumunot ang noo ko dahil wala si Rogue sa pwesto niya kanina. Nasaan na ang lalaking iyon? Kumunot ang noo ko at luminga-linga. Nanghihinang naibaba ko ang hawak ng makitang akay-akay niya si Ara.

Suminghap ako. I tried to cheer myself up. Ibabalik ko na sana ang hawak ng mag marahas na humila sa akin. Tinakpan niya ang bibig ko. Walang masiyadong tao sa store kaya walang nakakita. Ipinasok niya ako sa isa sa mga changing store at marahas na isinandal sa pader.

"Ouch!" Ang sakit ng likod. Fvck. My spinal cord. Pati ang ulo ko ay naumpog sa pader.

"Hello, Aurelia"

Natigilan ako sa paghimas sa ulo. Malalaki ang matang nilingon ko ang lalaking humila sa akin. Ang kaibigan ni Jason. Si Renan. Siya iyong nasa labas ng bahay nina Tita noong nakaraan. Kumpara kay Jason he's more brutal. He's into drugs kasi.

"Anong ginagawa mo dito?" Sinubukan kong humakbang pero itinutulak niya ako pabalik sa pwesto.

"Nakalimutan mo na ang ginawa mo?"

Natigilan ako. Alam na niya?

Hindi ko man magawang ilahad ang boung pangyayari kina Tita at Tito pero naglakas loob akong i-record ang sarili. Inilahad ko ang boung pangyayari. Kung paano nila ako binastos. Kung paano nila ako pinagsamantalahan and how I witness them used drugs.

After I record myself sinend ko iyon sa pulis na naka-assign sa kaso ko and I filed them another case. Sexual assault and kidnapping, ang sabi naman ng mga pulis ay sasampahan din daw sila ng kasong illegal used of drugs.

Hindi ko alam na kikilos agad ang mga pulis.

"Tu-tumakas ka ba?"

"Bakit tingin mo mabubulok kami sa kulungan? You're stupid for believing that we'll spend our remaining days inside that rotten jail"

Sinubukan ko siyang itulak pero masiyado siyang mlakas.

"Anong kailangan mo sa akin?"

"Bawiin mo ang statement. Sabihin mong pinilit kang mag bigay ng statement"

Nababaliw na ba siya? Recording myself and telling them about what happened sa loob ng tatlong araw na kinuha nila ako ay hindi madali tapos gusto niyang bawiin ko iyon.

Last Section: Venomous cureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon