2 best friend

653 25 1
                                    

Napatigil ako ng may narinig akong magandang boses. Sinundan ko kung saan ito nanggagaling. Nakita kita, para kang isang anghel napakasarap pakinggan ang boses mo. Simula noon tuwing sasapit ang alas singko ng hapon ay inaabangan kita, nagbabakasakaling marinig ulit ang boses mo. Naghintay ako pero hindi ka na muling nakita pa.

Sejun POV

"Yes I know, please remind me to resched his contract".

"President Nase, nasa labas po si Sir Ken at Sir Justin" sabi ng secretary ko.

"Yes please, pakidalhan na rin kami ng juice and lunch" tumango naman ang secretary ko at pinapasok sina ken at justin

"Hoy Sejun ano na nang-indian ka na naman. Hinintay ka namin sa bar pero hindi ka dumating. Namuti na mata namin kakahintay tapos wala kang paramdam, kahit man lang magtxt kung pupunta ka o hindi" pabulyaw nitong sabi sakin.

Hindi ko lang sya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ng documents na nakalagay sa lamesa ko ng nagsalita si Justin.

"Btw Sejun I'm just curious. Hanggang kaylan mo balak maging single? No offense ha, hinahanap mo pa rin ba yung Mr. Heavenly Voice mo?"

Napatigil naman ako sa pagbabasa ng marinig ko si Justin "Hmm ewan? Siguro?" Sabay balik ko sa pagbabasa ko ng documents.

Hanggang kaylan nga ba kita hihintayin?
Almost 6 years na pero hindi pa rin kita malimutan.

*knock**knock*

"President ito na po ang juice at Lunch na pinapakuha nyo po"

"Sige salamat, pwede ka ng umalis" nagbow lang ang secretary ko at umalis na.

Iniwan ko ang documents na binabasa ko at umupo sa harap nina Justin at Ken. Nag-uusap sila na parang sila lang ang nasa mundo nila. Naisipan ko naman na asarin sila.

"Aheemm, Kayong dalawa anong balak nyo? Landi lang walang label?" Pabiro kong sabi sa kanila.

Namula ang mukha ni justin at nanlaki naman ang mata ni Ken. Tuwang tuwa ako sa reaction nila kapag inaasar ko sila sa isa't isa.

Maraming nagtataka kong bakit daw hindi pa sila in a relationship kahit na alam nilang may gusto sila sa isa't isa.

~flashback~

"Alam mo bang may gusto sa iyo si ken, Justin??"

"Yah, nasabi na nya sakin"

"So ano ng status nyo?"

"Friends"

"Friends???"

"Nagkasundo kami na friends lang kami ayaw namin maging complicated ang situation at ayaw namin mawala itong friendship natin kapag nagbreak kami"

~end of flashback~

Kaya simula noon lagi ko na silang dalawa inaasar. Magkababata kaming tatlo kaya alam kong ayaw lang nilang dalawa mabuwag ang friendship namin kapag nagkataon na maging sila at magbreak.

"Sejun umpisahan mo na naman kami tignan mo at hindi ka na namin tutulungan sa pagmamanage ng company mo" pagbabanta ni ken

"Talaga ba?" Pang-asar naman ni Justin kay Ken "Sino kaya sa atin ang isang tawag lang ni sejun ay nagkakanda dapa na para lang makapunta agad?"

"Utot mo sino kaya sa atin yung nangungulit at nagagalit kay sejun kapag hindi pa sya kumakain o kapag hindi nakakalimutan nya magbreakfast" Bawi naman ni Justin.

"Owws talaga ? Sino kaya sa atin yung overprotective pagdating kay sejun?" Natahimik naman si ken na parang nag-iisip

"Wait... Niloloko mo ako eh parehas tayong overprotective kay sejun eh" natatawang sabi ni ken at napatango naman si justin

"May tama ka dyan" sabi naman nito.

Natawa naman ako sa dalawa habang nagpapalitan sila ng asaran sa isa't isa. Thankful ako kasi andyan silang dalawa, ang matalik kong kaibigan.

Mr. Presidents' Heavenly Voice || Sejun x StellWhere stories live. Discover now