Busy Day

228 16 2
                                    

Sejun POV

"President nailagay ko na po lahat ng documents na need nyo po pirmahan at ireview" bungad sa akin ng secretary ko.

"Ok thank you, you may go na" at bumalik na nga sya sa table nya.

Bigla akong nanghina ng mapansin ko ang nakatambak na documents sa table ko.

"Hayss nakapagpahinga nga ng ilang araw, tambak naman ang trabaho" napabuntong hininga naman ako.

Umupo na ako at sinimulan ng basahin ang mga documents.

Una ko munang tinignan ang mga contract. Napansin ko ang contrata ng bago naming mga artist. Binasa ang mga terms at nagsignature na.

Nang matapos ko pirmahan at basahin ang mga kontrata ay sinunod ko naman ang documents para sa mga projects.

Masyado akong busy kaya ndi ko namalayan na pumasok na pala si ken sa office ko.

Napansin ko na lang na may nakaupo na sa sofa ng napabaling ako ng tingin dun.

"Ohhh bakit ndi ka kumatok man lang" tanong lo sa kanya habang patuloy na binabasa ang hawak kong document.

"Kumatok ako hindi mo lang narinig" sabi nito

"Asan si Jah?" Tanong ko sa kanya

"Sinamahan sina Josh at Stell para mafamiliarize sila sa company natin" sagot nya naman

Tumango naman ako at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko.

"Let's eat kapag natapos si jah sa pagtotour sa dalawa. I know a new restaurant malapit dito. Just a 5 mins."

"Ok, let me finish this one and then let's wait for jah" sabi ko dito.

"Ok" sagot nito sa akin.

Hindi ko na ulit sya pinansin at nagpatuloy na ako sa ginagawa ko.

Alam nilang magiging busy ako kaya sinisigurado nila na makakakain ako ng tama sa oras.

They spoiled me even though na mas matanda ako sa kanila. Well to be honest I love this affection.

*Knock knock*

"Lets go na" bungad ni jah

"Wait let me finish this one" pagkasabi ko nito ay agad silang lumapit sa akin at itinayo ako sa upuan ko at hinatak paalis ng office.

"No, we will eat now. No more excuses" pagtataray ni jah.

Tumatawa naman si Ken habang hawak hawak din ako kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Mr. Presidents' Heavenly Voice || Sejun x StellWhere stories live. Discover now