Mommy and Daddy for a day

286 22 1
                                    

Sejun POV
~~~
"No wag kang umalis please" pero patuloy lang sya sa paglakad papalayo sakin.

Pabilis ng pabilis ang hakbang nya habang ako naman ay pabagal ng pabagal.

"Please sandali lang" pagmamakaawa ko sa kanya.
Tumigil sya at ngumiti "........" Nagsasalita sya pero wala akong marinig.
~~~

Panaginip lang pala. Bakit tuwing magkakasakit ako ito ang napapanaginipan ko?

Hindi ko sya kilala pero bakit ako nagmamakaawa sa kanya? Sino sya?

"Sejun luto na yung sopas na niluto ko bumaba ka na para makainom ka na ng gamot" sigaw ni Justin

Bigla kong naalala andito nga pala si Justin at dahil andito si Justin malamang andito din si ken. Ang kambal ng tadhana hindi mapaghiwalay.

Bumaba ako at umupo sa lamesa. Tumingin ako sa palagid, hinahanap kung asan si ken. Nakaramdam ata si Justin kaya nagsalita sya.

"On the way na sya" ngumiti naman ako sa kanya at naisipang asarin sya.

"Mommy Justin ikaw ang nagluto ng sopas?" Nakangiti kong tanong.

Tinaasan lang ako ng kilay nito "Ano sa tingin mo?" Mataray nyang sagot.

Tinawanan ko naman sya at sabay sabing "Salamat Mommy".

Umiling na lang sya.

Paubos ko na ang nilutong sopas ni Justin ng biglang may nagdoor bell kaya dali daling binuksan  ni Justin ang pinto.

Bumungad si Ken na may dalang prutas at gamit ni Justin. Mukha silang mag-asawa, si Justin na hinihintay umuwi si ken para salubungin galing trabaho at si ken na may dalang pasalubong.

Dahil dito naisipan ko na naman silang asarin. Number 1 fan kasi nila ako kaya support ako sa kanila kahit wala silang label.

"Daddy ken anong dala mo?" Tanong ko dito

Pagkarinig ni Justin sa tanong ko ay agad agad naman itong tumingin ng masama sa akin. Samantalang nakiride naman si ken sa joke ko.

"May dala akong pasalubong sa inyo ng mommy mo" nakangiti nitong sagot habang naglalakad papasok ng bahay.

Nakasunod naman si Justin habang nakasimangot.

Hindi pa kami nakuntento sa pang-aasar namin kay Justin kaya naisipan namin ni ken na asarin pa sya lalo.

"Daddy nakasimangot si mommy kiss mo nga sya" pagsasuggest ko naman

"Halika dito mommy kisa ka ni daddy" sabay lapit ni ken kay Justin

"Isa ken, makakaltukan ka na talaga sakin. Nakikisabay ka pa sa pang-aasar ni sejun" sabi ni Justin

"At ikaw naman kung wala ka lang sakit nakaltukan na rin kita" ngumiti na lang ako sa kanya

"Hay naku!! Nakakastress kayo" pagrereklamo ni Justin.

Tinawanan lang namin sya.

Bumalik si Justin na may dalang sopas at ibinigay kay ken.

Tinanggap naman ito ni ken at nagsimula na kumain. Umupo si Justin at pinagmasdan kaming kumain.

Dahil maloko ako. Naisipan ko na naman asarin si Justin.

"Para tayong one big happy family may mommy"sabay turo kay Justin "may daddy" sabay turo kay ken "at syempre may baby" sabay turo sakin.

Tumawa lang si ken samantalang napangiti naman si Justin.

"Bwisit ka, tapusin mo na yan para makainom ka na ng gamot" pag-iiba nya ng topic.

Tumawa na lang ako at sinabing "opo mommy".

Sinamaan nya lang ako ng tingin kaya tinuloy ko na ulit ang pagkain ko. Tahimik lang kami haggang matapos kaming kumain.

Nang makakain at makainom na ako ng gamot ay pinilit ko ng paalisin sina Justin at ken. Sa una ayaw pa ni Justin pero napilit din sya ni ken pero kaylangan ko syang iupdate kada oras.

Humiga ulit ako sa kama at pinikit ang mga mata ko.

Mr. Presidents' Heavenly Voice || Sejun x StellWhere stories live. Discover now