Sick

254 17 1
                                    

Justin POV

"Natawagan mo na ba si sejun?" Nag-aalala kong tanong kay ken.

"Unattended pa rin eh" sagot naman nya.

"Puntahan na natin sa bahay nya baka kung ano ng nangyari sa workaholic na yun" pagmamadali kung suggestion kay ken.

"Mabuti pa nga nag-aalala na rin ako" pagsang-ayon naman ni ken.

Dali dali kaming nagpunta sa bahay ni sejun. Ngayong araw ang contract signing ng new Artist namin kaya kaylangan sya dun as our Company President.

*Sejun's House*

*Ding ding

Limang minuto kaming nagdodoor bell sa bahay ni sejun pero wala pa ring nasagot o nagbubukas ng pinto.

Nag-aalala na talaga kami kaya naisipan kong tawagan na ang mga magulang nya.

Nang biglang nagbukas ang pinto. Bumungad sa amin ang mukha ni sejun na namumutla.

Chineck ko agad kung mataas ang body temperature nya.

Nilalagnat nga ang loko kaya pala hindi nasagot sa tawag namin. Haysss may contract signing pa naman pero hindi ko naman pwedeng piliting pumunta si sejun dahil nilalagnat ito.

"Ken ikaw na lang ang mag-asikaso ng contract signing ng mga new Artist natin. Ako na ang bahala kay sejun" sabi ko kay ken habang inaalalayan ko si sejun.

"Ok lang ba na ikaw ang mag-alaga kay sejun? Hindi ka marunong magluto dba?" Pag-aalalang tanong ni ken.

Namula naman ako sa sinabi nya.

"Kaya ko. Sige na alis na, ito yung susi ng kotse" pagtataboy ko sa kanya

"Hahahahaha ok ok huwag ka na maasar" natatawang sabi nito

"Ay wait tulungan na kitang ihiga si sejun sa kama nya" pahabol naman nitong sabi

Nang maihiga na namin si sejun sa kama nya ay pinaalis ko na ulit si ken dahil baka malate sya sa contract signing.

"Sejun.. Sejun.."

"Uhhmmm" sagot naman nito

"Magpalit ka ng damit mo" sabay bigay ko ng nakuha kong damit sa drawer nya.

Tumango naman sya at sinunod ako. Pinagmamasdan ko lang sya habang nagbibihis sya.

Natapos na syang magbihis kaya umiga na ulit sya, papikit na sya kaya aalis na dapat ako para bumili ng grocery dahil walang matinong ulam ang nasa ref nya kundi hotdogs.

Nang bigla syang napabalikwas. Tinignan ko naman sya.

Tumingin sya sa wall clock nya at napalaki ang mata.

"Huwag ka mag-alala pinapunta ko na si ken. Sya na bahala sa contract signing. Magpahinga ka na lang" pag-aasure ko naman sa kanya

Ngumiti naman sya at sinabing.
"Salamat" at humiga na ulit sya para matulog.

"No problem, sige tulog ka muna dyan maggrogrocery lang ako" pahabol kong sabi bago sya matulog.

"Uhhhmm" sagot naman nito.

Kinuha ko ang susi ng auto ni sejun at dumiretso na sa grocery para bumili ng pwedeng lutuin para kay sejun at para na rin stock nya.

Mr. Presidents' Heavenly Voice || Sejun x StellWhere stories live. Discover now