Mangga

296 52 0
                                    

Isang maasim na mukha ang bumungad sa aking harapan pagkamulat palang ng aking mata.

"Nay, kay aga-aga naman eh nakabusangot kaagad kayo. Nangasim ba kayo ng makita mo ako?" Bungad ko pagtayo ko sa aking higaan.

"Ako ba'y iyong pinaglololoko? Naku Geneva, nasanay na ako sayo. Matagal ka ng maasim." Pahayag niya habang siya'y nakameywang pa.

"Nay naman! Ang sama mo sa akin! Porket pinaglihi lang ako sa maasim na mangga maasim na agad? Hindi ba ako tatamis sa paningin mo?" Panunuya ko habang nagkakamot ng aking ulo na halos pamahayan na ng kuto sa sobrang lago nito.

"Hahaha!" Nag-ihit na lang kaming dalawa sa katatawa.

Iyan ang nanay ko. Kasundo ko, at katropa ko. Ang cool ka niya eh. Kaya mahal na mahal ko siya. Claring San Miguel, ang aking inang may tililing din.

Pagkatapos ng aming kaututan, dumiretso ako sa salamin para pagmasdan ang aking sarili.

"Napakaganda mo talaga Geneva San Miguel. Wala kang katulad! Ikaw na ang pinaka unique sa lahat ng unique!" Wika ko sa aking sarili habang sinusuklay ko ang aking buhaghag na buhok.

"Oh my God! Nanganak na naman siya! I can't believe this!" Naghuhurumintado kong sambit dahil nakita kong dumami na naman ang aking tigyawat.

"Mahal na mahal niyo talaga ako noh? Ni minsan hindi niyo ako iniwan. Kapag may aalis, may lilitaw. Kaya mahal na mahal ko rin kayo eh!" Turan ko habang isa-isang tinitiris ang tigyawat kong namumukadkad sa aking mukha.

Habang abala ako sa mga tigyawat ko, hindi ko napansing may kutong gumagapang sa aking damit. Yuyuko na sana ako para tingnan ito at tirisin din kaso bigla namang sumigaw si Ina kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ay Puta Geneva! Huwag kang yuyuko! Mahal na mahal kita!" Sigaw niya habang nag-aalumpihit sa katatawa.

"Ganyanan na nay? Porket mahaba baba ko inaapi mo ako. Loko ka talaga!" Nagpapapadyak kong angal sa kaniya.

"Anak, kahit ganyan ka, mahal kita! Aba! Ikaw kaya ang pinakamaganda! Sa tribo ni Perlita! Haha!" Pagbibiro niya habang nagbabati ng itlog.

"Nay, alam mo iyan! Haha!"

Minsan nga napapaisip ako eh. Anak niya nga ba talaga ako? Bakit siya maganda, ako napaganda? Haha! Sabi niya, bunga raw ako ng pag-iibigan nila ni Ama sa ilalim ng punong mangga. Hanggang sa ipinaglihi niya ako sa mangga.

Hindi man ako perpekto, malinas naman ang kaibuturan ng puso ko. Sayang lang at huminto ako sa pag-aaral. Hindi na kasi kayang tustusan ito ni Ina. Simula noong namatay si Itay, sa bundok na kami tumira. Malayo sa kabihasnan.

Pero hinding-hindi ko makakalimutan ang taong nagpatibok sa pihikan kong puso...

Oh Yco Langit,

Sagot sa aking langit-ngit.

Ako'y napapaalumpihit,

Kapag ika'y umawit.

Makalaglag panty naman kasi talaga ang kagwapuhan niya! Boses pa lang, busog ka na! Paano kaya kapag naangkin ko na siya, 'di ba?

Nakagawa pa nga ako ng tula noong makita ko pa lang siya. Hindi nga ako naniniwala sa slow motion pero that talaga, parang bumagal yung oras at kaming dalawa lang yung natira.

Bakit ganito ang aking nararamdaman?

Hindi ko maintindihan,

Tila ako'y kinakabahan,

Sa tuwing ikaw ay daraan sa aking harapan.

Ako sayo'y nahihiya,

Halos pulang-pula ang aking mukha.

Marahil ako'y natutuwa,

Sa iyong pagtalikda.

Nang nginitian mo ako,

Hinampas ko ang katabi ko.

Sa akin siya'y bugbog sarado,

Lalo pa't ako'y naghuhurumintado.

Napakabilis ng tibok ng puso ko,

Nagmamahal na nga ba ako?

Ngunit ayokong umasa sa isang katulad mo,

Na mapaglaro sa damdamin ng mga babaeng katulad ko.

Kung pwede lang sanang turuan ang puso,

Malamang, walang nakanga-nga at nakanguso.

Pero darating din naman sa ating yung tamang tao,

Taong mamahalin ako ng todo-todo, kahit sino pa ako.

Hugot na hugot iyan! Hindi ko alam kung saang banga ko iyan nakuha basta! Mahal ko na yata siya.

Ang nakakainis lang, sila na pala ni Janaina de Lima, ang babaeng conyong nagmamaldita na akala mo naman ay napakataas niya. Siya na! Ang gaga niyang bobita! Haha!

Fourth year high school na sana ako ngayon, kung buhay pa sana si Itay, ade sana gagradweyt na ako.

"Geneva, tumigil ka na nga sa pagpapantasya! Halina't kumain na." Sigaw ni Inay.

"Ayan na po!" Sigaw ko rin.

Balang-araw, ako'y iyong mamahalin,

Kili-kili ko'y aamuyin.

Pag-ibig ko'y damhin,

Hanggang mababaliw ka sa akin.

Tandaan mo iyan Yco Langit, magbabalik ako soon!

Elmo's EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon