Pansinin mo naman Ako
By risingservant
Sabi nila, ang sarap magmahal lalo pa't mahal ka rin ng taong mahal mo. Yung tipong bawat oras ay naipaparamdam niya sayo na mahal ka niya, na safe ka sa tuwing kasama mo siya at walang sino man ang maaaring lumapit sayo para saktan ka.
Sa sitwasyon ko, nagmamahal ako ngunit hindi niya ako mahal. Sayang lang ang lahat ng pagmamahal na inilalaan ko sa kaniya. Wala rin namang patutunguhan itong aking pagpapantasya. Isa lang naman ang nais ko, ang mapansin mo.
Mark Espinosa! Pansinin mo naman ako!
"Ano ba girl? Hindi ka nakikinig kanina sa itinuturo ni Ma'am! Aba, puro Mark na lang ang laman niyang kwaderno mo! Kailan ka ba magigising sa katotohanan na hindi ka niya mapapansin kahit pa na anong pang pagpapapansin ang gawin mo?!" Wika ng aking pinakamamahal na kaibigan.
Napatigil ako sa pagsusulat ng pangalan ni Mark sa aking kwaderno. Tama nga naman ang lahat ng tinuran ni Joan. Nagpapakatanga lang ako sa lalaking hindi naman ako gusto. Ni pansinin nga ay hindi niya magawa, ang ibigin pa kaya? Hay, napabuntung-hininga na lamang ako.
"Bes, hindi ko kasi talaga mapigilang isipin siya oras-oras, minu-minuto o segu-segundo man lang! Nababaliw na ako sa kaniya! Parang siya na ang mundo ko!" Paliwanag ko sa kaniya habang patuloy ang nagmamaktol. Halos maputol ko na yung hawak kong lapis sa panggagalaiti.
"Rhian dela Paz! May pinag-aralan kang tao kaya huwag kang magpakatanga kay Mark Espinosa! Ang daming lalaki sa paligid! Lumingon ka lang! Malay mo, nasa gilid mo lang pala yung pag-ibig na hinihintay mo pero ikaw itong ayaw lumingon para pansinin siya dahil nakapokus lang lagi ang iyong atensyon kay Mark!" Bulalas niya habang nandidilat ang kaniyang mata. Kulang na lang ay maputol ang kaniyang litid sa leeg sa sobrang kakasermon sa akin.
"Mga kaklase! Daraan dito sa silid natin si Mark Espinosa! Dali, ipagsigawan natin kung gaano natin siya kamahal!" Wika ng aming presidente na patay na patay din kay Mark.
Si Mark kasi ang pinakatanyag na manlalaro sa larangan ng Table Tennis sa aming paaralan. Imbes kasi na Basketball ang kaniyang kahiligan, iba ang kaniyang napili. Sikat na sikat siya sa school. Kaso nga lang, para siyang galit sa mundo at hindi pinapansin ang kahit na sino. Pero kahit na ganun siya, maraming nagkakandarapa sa kaniya dahil tindig pa lang niya, makalaglag panty na! Isama mo pa ang kakisigan at ang itsura niya, aba! Daig mo pa ang nakajackpot sa lotto kapag siya ang nabingwit mo.
"Wait lang Jo!" Wika ko at nagtatakbo sa may pintuan upang hintayin ang pagdaan ni Mark.
Oh my Lord, nasa langit na ba ako? Bakit parang ang bagal ng takbo ng oras? Kitang-kita ko ang pagkurap ng kaniyang mapupungay na mata, ang tangos ng kaniyang ilong, ang mapupula niya labi, oh my! Panalo na ko nito!
Pagdaan niya sa aking harapan, hindi ko napigilan ang aking sarili. Pakiramdam ko sasabog ako kapag hindi ko nilabas ang nais sambitin ng aking bibig.
"I Love You Mark!" Sigaw ko. Nagsitinginan sa aking mga kaklase sa akin, sila kasi ay pawang mga naumid at ako lamang ang nakapagpahayag ng aking damdamin. Kaso nga lang, deadma pa rin ako. Ni hindi nga niya nagawang lumingon eh.
Tinahak namin ang daan patungong Kantina matapos mabigong muli ng aking puso. Sawing palad na naman ang natamo ko. Kaya ngayon, heto't lupaypay at matamlay na naglalakad.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang nangyari kanina.
"Miss umilag ka!" Sigaw ng isang tinig sa hindi kalayuan.
Nagulat ako ng makita kong papalapit na sa akin yung bola. Oh my!
Tinamaan ako ng bola ng volleyball sa ulo kaya napaigtad ako at bumagsak sa sahig.
"Miss, ayos ka lang ba?" Wika ng isang lalaki na hindi ko maaninaw ang mukha. Nanlalabo ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Nagising na lang ako dito sa may Clinic at nasa gilid ko si Joan na parang kantatara at hindi magkanda-mayaw sa kaniyang kinauupuan.
"Uy bes, anyare sayo at nagkakaganiyan ka?" Tanong ko habang nakahiga pa rin ako.
"Eh kasi bes, ang gwapo nung guy na nakatama sayo ng bola sa mukha! Kyah! Kinikilig ako sa kaniya! Mas hot pa siya kay Papa Mark! Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang siya napansin! Pag-ibig na nga ba ito? Whaha! Mababaliw na ako sa kaiisip sa kaniya!" Litaniya niya habang nagtatatalon sa tuwa. Kulang na lang ay hampasin niya ako ng bongga sa aking braso.
"Grabe teh! Mas matindi ka pa pala sa akin kapag na-inlove." Wika ko ng walang kabuhay-buhay.
"Kailan ko kaya siya makikilala? Mapapansin niya kayo ako?" Wika niya habang nakatingin sa alapaap.
"Dream on! Sana nga mapansin ka ng lalaking iyon! Eh ako? Nga-nga pa rin! Ni hindi nga niya ako nagawang pansinin, goodluck sa lovelife mo bes." Wika ko na may halong kapaitan. Ang malas ko naman! Asar!
Kinabukasan, maaga raw kami dapat pumasok dahil may anunsyo ang aming adviser at bawal daw ma-late. At dahil na rin sa katangahan ko, at sa pagpapantasya kay Mark kagabi, napuyat ako kaya ang kinalabasan, late ako.
Nagkukumahog akong tumakbo papasok sa gate at sa hindi kalayuan, napansin kong wala akong suot na id. Patay!
"Miss, eto oh! Gamitin mo muna." Wika ng isang chinito sa aking gilid sabay abot ng extra id lace with id syempre. Wow, yummy! Macho, red lips, matangkad, gwapo, lahat na! Total package kumbaga pero si Mark lang talaga! Loyal ako sa kaniya.
"Salamat dito, babalik ko na lang mamaya. Sige una na ako at late na ako! Bye!" Wika ko at kinuha yung ipinahiram niya sa akin, ngiti lang ang iginanti niya sa akin kaya nginitian ko rin siya at nagmamadali na akong tumungo ang aming silid.
-------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Elmo's Everything
CasualeCompilation of Short stories, One shot, Poems at kung anu-ano pa na bumabagabag sa aking isipan.