[12] That Accident

34 0 0
                                    

[12]  That Accident

Light POV

 

“Para kang hangin, hinahangin mo isipan ko papunta sayo. Alam mo ba ang dami kong sinayang na puno para lang gumawa sayo ng letter na to. Tsk. Bakit ba kasi ako kumagat sa Dare na to eh, oo dare to sakin ng kapatid mo. Ang sabi nya kung mahal daw talaga kita eh gawan kita ng sulat. At eto na nga hawak hawak mo. Wala akong balak ibigay to sayo kasi nga wala talaga akong balak tsk paulit ulit na. alam mo yung araw na binato kita ng bola. Whooo ngayon lang ako nakakita ng babaeng pumatol sa badboy na to. Inis na inis na kagad ako sayo pero nung nandito na tayo sa Rest house nyo. Ewan ko pero nasabik ako kasi makikia ulit kita. Yun nap ala yung sinasabi nilang pag ibig. Gusto mo Makita parati yung taong mahal mo. Hindi kita makausap ng matino, kaya parati kitang sinusupalpal pero ako din ng nababara -_-.  Ayyy bwiset na to ewan ko kung bakit sayo pa. hindi ka naman maganda, oo may dating ka. Nagging kaibigan mo yung mga kumag eh tsk. Hay ewan ko sayo. Basta eto lang talaga gusto kong sabihin.

Kahit Suplado ako at Masama, marunong din akong magmahal. Hintayin mo sana ako pag lumaki na tayo at pwepwede na, hihintayin mo ba ako?”

Binasa ko yung sulat na binigay ko sa kanya. hindi pa sya nagigising buhat kanina pero ok na daw sya.

Hahaha sira talaga yang babaeng yan pano ba naman na-aksidente na nga hawak nya pato. Bakit kasi sa hiwalay na kotse sya sumakay. Di sya sumabay kay Waver at kay Mr. Koe.

Ang sabi bigla nalang daw nawalan ng preno yung sasakyang sinasakya ni Winess at bigla nalang bumangga kaya naman tumama yung ulo nya sa bintana. Ligtas naman yung driver pero medyo natamaan yung ulo ni Winess

Sana natapos nya tong basahin hahaha

“Light Gising na si Wind”

Sabi sakin ni Ace, nasa labas kasi ako ng Kwarto nya.

Hayyy salamat nagising na sya. Akala nya ata sya si Sleeping beauty. Tsk

“Sino po sila?” sabi nya pagpasok naming apat

“Ha, kami to Wind. Si Ace, Blue, Dart at Light” masayang sabi ni Ace.

“Hindi ko kayo maalala?”

“Hahaha wag ka namang magloko ng ganyan Wind” - Blue

“Hindi ako nagloloko. Sino sila papa?”

Teka ano nangyayare. Hindi naming alam sasabihin namin.

“Hoy Winess, Alam kong galit ka sakin tsk pero sila makakalimutan mo.” Sabi ko

Nag loloko lang tong babaeng to eh. Diba.

“ako galit sayo? Hindi ko talaga kayo maalala?”

Confession of a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon