Entry #24

72 7 3
                                    

'Tao lang'

Hindi ko alam kung saan lulugar
dito sa mundong lahat nalang bawal
Ikinulong ng dila  mga salitang gustong makawala
Kailan pa kaya makakalaya?

Isang maling hakbang lang lahat ay nakaabang
Sa iyong pagkabagsak sila'y nagdiriwang
Mga mata'y mapanghusga at dilang mapanakit
Na akala mo minsa'y sa patalim 'di kumapit

Ako ba'y isinilang para lang husgahan?
Sa mata ba nila, ako'y isang mababang nilalang?
May puwang pa kaya ang pagiging ikaw?
Mga katanungang pilit kong sinisigaw

kasalanan mo,
nagkamali ka!
tatanga-tanga kasi,
bobo!
pasensya na tao lang

Unspoken Words (POEMs)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon