Step #4 - What you want, what you need. Know the difference!

30 1 0
                                    

        Hello mga BH! Ako'y muling nagbabalik! Ewan ko ba, nakalimutan ko nang may sinusulat nga pala ako sa wattpad. Nakapag MOVE ON na kasi ako. HAHAHA. Pero I'll help you still. Okay? Okay. (Yes, feeling 'The Fault In Our Stars' lang!) At take note: I'm writing this now (8:56 PM) yazzness, GABI uli. XD

        Kaloka! Bakit nga ba ngayon lang ako nagbalik? Unfair ko ba? Iniwan ko rin ba kayo sa ere katulad ng hudas nyong EX? Well, sarreh not sarreh. Kasi naka usad ako, friiiieeend XD Joke lang, sorry pooo. :">

        Pero bakit nga ba talaga? Eh kasi, I know what I WANT and I know what I NEED. I found out the difference :D Hindi lang sa LOVE applicable ang rule natin ngayon, miski sa LIFE. Hehe, pero dahil ginawa itong parang diary na ito para sa LOVE, edi dun mag focus! Di ako mahirap kausap, noh? 

        Tapos mo na bang i-freshen up ang iyong utak sa rule number 3 ko? Well, mapapatunayan mo lang yan, kapag alam mo kung ano ang diperensya ng KAILANGAN at GUSTO. Sobrang magkaiba yun, kasi malay mo, Kailangan mo pero hindi ka sasaya dito, O kaya, Gusto mo pero hindi mangyayari. 

        Example: KAILANGAN mong mag move on, PERO ayaw mo.

Bakit? Kasi kumakapit ka pa rin sa alaala ng nakaraan! Pero wala tayong magagawa kasi yan ang KAILANGAN nating gawin. Dahil ang kapalit ng paghihirap ay panibagong kasiyahan. 

Hirap ng buhay no? Parang life. =.=

        Example uli: Gusto mo, pero hindi na pwede.

Sakit much </3 Eh kasi naman may mga bagay na hindi pinagpipilitan! Kaya magtigil ka ha! Matauhan ka nga, kung pwede lang ipagpilitan ang lahat ng bagay edi sana walang malungkot na tao hanggang sa mga oras na to! (May pinaglalaban ako, swear!)

Isa pa, hindi lahat ng bagay minamadali! Patience is a Virtue nga daw diba! Para san pa yang kasabihang yan kung ikaw tong si aligaga. Baka mamaya sa kakamadali mo, nasagasaan ka ng humaharurot na hotdog at na boom-ti-boom ka na dyan. (okay, sa TUSTF ko nabasa yung humaharurot na hotdog, okay? credits.)

        Sadyang magkaiba talaga ang salitang KAILANGAN at GUSTO. Yung mga kailangan natin, yan yung priority dapat natin at yung mga gusto lang natin, dapat isipin mo na lang na bonus yun, na kung dumating, Thank you at pag hindi, edi wow. Dapat marunong tayong mag-value kung alin ang importante sa hindi. Problema sa iba, inuuna yung kagustuhan kaysa sa pangangailangan eh. Kaya ayan, nawawalan ng GF/BF. (well, di lang nmn kasintahan yung pwedeng mawala, pero dont wish for worse) 

        Kung sa simpleng pamimili pa nga lang ng school supplies inuuna nyo na yung mga mahalaga at laging ginagamit para bilhin kasi minsan maliit lang budget nyo, kaysa dun sa mga gusto nyo lang idagdag 'kasi ganito-ganyan'. Miski sa maliit na bagay nagagawa na nating i sort yung dalawang magkaibigan salitang to eh. Bakit pagdating sa pag-ibig gulo-gulo na naman tayo? 

        At kung tatanungin nyo ko, kung anong natutunan ko dito sa rule na to, well, yun ay ang... Mas mahalaga parin talaga yung sarili ko kaysa sa kanya. Kaya nagawa ko syang kalimutan at patawarin na yung sarili ko at magsimula ng panibagong buhay.

Yun lang muna para sa ngayon!

Goodnight... Moving on~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ways to move on.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon