A/N: Fresh enough po ang bigkas ko dito bago ko isulat.
***
Nung Byernes, kagagaling ko lang sa Salon at nag pa rebound ako. Alam mong hirap dito? Kung sa pagtutuli kailangan mong magbistida o magsuot ng palda sa mahabang panahon. Sa akin naman, pahirapan sa PAGLIGO! Hindi ko dapat mabasa yung buhok for 3 days. Parusa lang? Tiis-Ganda ang tema ko. Pag nabasa kasi siya within 3 days, kukulot nanaman yung buhok ko. Kapalit ng pagtyatyaga ko ng tatlong araw na hindi binabasa ang buhok, nung ika-apat na araw ay nilasap ko ang bawat sulok ng banyo. (akala mo naman hindi talaga ako naligo for 3 days. xD)
Pagkatapos ko rito ay takot ako sa magiging resulta kapag natuyo na ang buhok ko. Pakiramdam ko kasi kukulot na kagad ito. Di kalaunan ay natuyo nga ito at himala, tuwid parin ang aking buhok! (magic lang? lewls) Nung paglabas ko ng bwarto ko, kakaibang lamig ang naramdaman ko na para bang sinasabi sa akin ng hangin na kailangan ko ng sariwang hanging malalanghap dahil lagi ko nalang kinukulong ang sarili ko sa kwarto. Sa kadahilanan lamang na hirap akong makalimot sa isang lalaki kaya ko pinapanurasahan ang sarili ko.
Pero natanong mo ba sa sarili mo kung anong kinalaman ng buhok ko sa topic natin? Sige magtanung ka na, sasagutin ko naman eh. Ganito kasi yan. May mga bagay na ginagawa natin kahit hirap tayong harapin ang magiging resulta nito. Parang ganito 'yan... ayaw mong mag move on kasi ayaw mo s'yang kalimutan. Ay teeeeh?! Move on nga diba? Natural kailangan mong i-let go lahat ng memories. Say 'bye-bye' to them. (^_^)v
Ito nanaman ako, kinakausap ang sarili.
Alam niyo kung hindi dahil sa inyo, hindi ako sinisipag magsulat ngayon. Pansin ko lang ha, tuwing gabi ako nagsusulat ng maidadagdag ko dito. (take note uli: sa papel po ang draft nito at talagang tuwing gabi ako nagsusulat. Ngayon lang ako sinipag i-post ito sa Wattpad.) Pasalamat ka, mahal kita. Waaah, JOKE lang! Baka kiligin ka na d'yan eh. Pero kung korny ako, paki-patay na ko.
Ang speaking of 'patay', naalala ko 'yung nabasa kong libro, ang title? You can Die Laughing. Naalala ko nuon, sa school ko, kapag binabasa ng kaklase ko 'yung cover ng libro. Dahan-dahan nilang binibigkas--- "You-Can-Die-La-Fing". Pagkatapos nilang basahin, bubulong ako ng "Now die". PERO siempre, kapag tinotopak lang ako! Ayaw ko namang may mamatay na tao nuuuh. Kung iisipin, ang sama kong babae. Pero ano nga ba ang connect nito?
Actually hindi ko rin alam, siguro dahil na rin sa ayaw kong pinapakialaman ako ng iba habang nagbabasa ako. Nawawala kasi ako sa focus. (yes, demanding ang lola niyo) Katulad mo (nangdamay eh no?), katulad natin. Kapag nagmo-move ka ba at feel na feel mo ng malilimutan mo na siya ay bigla nalang magpaparamdam sa'yo iyong taong kinakalimutan mo, Badtrip lang no? BADTRIP!
WELL! Ganyan talaga ang LIFE. >_> maybe it just mean na you're still affected by them. (yes, lakas maka english!) Wrong grammar ba? Hayaan mo, gets mo pa rin naman eh! =)
Sa lahat ng sinasabi ko baka wala ka paring maintindihan? Kukutusan kita dyan iiih :"""> Pero dahil sa malayo ka sa kin, lunurin mo nalang ang sarili mo sa isang baldeng tubig. >:D Literal na "FRESHEN UP"
But ofcourse, what I mean is... Freshen up your mind. Sige ka, habang hiindi pa huli ang lahat para mag move-on.
Adios Amigos. Moving on~
BINABASA MO ANG
Ways to move on.
HumorOngoing. Tutulungan kitang mag move-on, yun ay kung gusto mong magpatulong.