“San ka pupunta?”
Napalingon ako kay papa ng pumasok sya sa kwarto ko.
“P-Po?” Tanong ko at natigilan sa pagsusuot ng sapatos.
Umupo si papa sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, siguradong magagalit si papa saakin kapag nalamang lalaki ang kasama ko.
“Bihis na bihis ang maganda kong anak.” Ngumiti saakin si papa.
Ngumiti din ako sakanya at umayos ng upo. “Kakain lang po kami sa labas.”
“Sino namang kasama mo?” Kumunot ang noo nya.
“S-Sila Chescka po, nag aya po kasi na kumain si Geremy.” Sagot ko. Ayoko magsinungaling pero kailangan, sorry papa.
Tumango si papa, “anong oras uwi mo?”
“Hindi ko po alam pero hindi po ako masyado magpapagabi.”
“Sorry anak ha?” Napatingin ako kay papa ng magsalita sya. “Wala ng trabaho si papa, pati ikaw mamomroblema pa. Wag mo muna isipin yung mga bayarin, mag aral ka lang ng mabuti. Kami ni mama mo ang bahala dun.”
Niyakap ko si papa. Alam kong nahihirapan din sya, hindi naman nya ginustong matanggal sa trabaho.
“Ok lang yon pa. Ang mahalaga kasama namin kayo.” Hinilig ko ang ulo ko sa balikat ni papa.
Marahang sinuklay ni papa ang buhok ko, “hayaan mo maghahanap agad ng trabaho si papa para may pambaon ka na.”
“May kaibigan po akong makakatulog sainyo pa, may kumpanya po kasi sila tapos hiring. Pwede daw po kayong mag apply.” Sagot ko.
“Talaga? Sige, pupunta ako dun bukas.” Ani papa.
Mahigpit kong niyakap si papa. Daddy’s girl talaga ako, mas malapit ako kay papa dahil sya ang lagi kong kalaro nung bata ako.
“Wag po kayo mag isip ng marami pa, magkakatrabaho din po kayo.” Pagpapalakas ko ng loob sakanya.
Mahinang tumawa si papa, “proud na proud ako sayo. Ang laki mo na, malapit ka ng grumaduate. Ngayon palang ay proud na proud na sayo ang papa mo.”
Nagiging emosyonal ako sa mga sinasabi ni papa. Ngayon lang ulit kami nag usap ng ganito kalalim na usapan. Ngayon ko lang ulit narinig sakanya na proud sya sakin. Ayoko talagang nadidisapoint sakin ang mga magulang ko, yun na lang ang maibabalik ko sakanila kaya ayokong pumalpak. Medalya at diploma lang ang maibabalik ko sakanila kapalit ng paghihirap nila sakin kaya pinagsisikapan ko.
“Magtatapos ako papa tapos di nyo na kailangan magtrabaho, ako na po ang magbibigay sainyo ng pera. Pangako po yan.” Ngumiti ako kay papa.
“Aasahan namin yan ng mama mo.” Pabiro syang tumawa.
Umayos na ako ng upo at tumingin kay papa.
“Aalis na po ako.” Paalam ko.
“Mag iingat kayo, umuwi bago lumalim ang gabi. Wag masyadong magpapagabi sa labas, maliwanag ba Fatima?” Tanong nya sakin.
Tumango ako at tumayo. Sabay kaming lumabas ni papa ng kwarto ko at hinatid nya pa ako sa may gate. Tinext ko si Blue na sa may labas na lang ng kanto ako sunduin dahil baka makita sya ni papa at paulanan ng tanong.
“Ingat ka nak.” Ani papa bago isara ang gate.
Naglakad na ako palabas at nakita ko agad ang kotse ni Blue ng makalabas. Pumasok ako sa passenger seat at agad tumingin sakanya.
“Good evening.” Bati ko.
Lumingon sya sakin at sa suot ko. Napatingin din ako sa suot ko, kulay black na fitted dress yon na may design na parang dyamante at kumikinang kapag natatamaan ng liwanag. Pinaresan ko yun ng kulay black din na heels na hindi masyadong mataas dahil baka matapilok ako.
“May problema ba sa suot ko? Panget ba?” Tanong ko.
Nag angat sya ng tingin saakin at umiling. “You look beautiful.”
Hindi ko alam kung bakit sa simpleng compliment nya ay parang hinahabol na ng kabayo ang puso ko. Sobrang lakas ng tibok nun at naramdaman ko ang pag akyat ng dugo ko sa aking pisngi.
“S-Salamat.” Nag iwas ako ng tingin.
Nag seat belt ako at umandar na ang kotse nya. Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil first time kong makakapunta sa bahay nila. Ano kayang magiging reaksyon ng magulang nya? Pangit kaya ang trato nila saakin? Wag naman sana.
“We’re here.” Saad ni Blue.
Hindi ko napansin na nakarating na pala kami dahil sa lalim ng iniisip ko. Tumingin ako sa labas, nakita ko ang magandang mansyon nila Blue na kahit sa labas palang ay maganda na.
“Are you ok?” Tanong nya sakin.
Bumuntong hininga ako at tumango. Ngumiti ako sakanya.
“Tara na?” Aya ko.
Pinagbuksan nya ako ng pinto hindi katulad kanina na hinayaan lang ako. Kinuha nya ang kamay ko at nilagay sa may braso nya.
“Calm down. Don’t be scared, I’m here.” Bulong nya sakin bago kami pumasok sa bahay nila.
Maganda sa labas pero mas maganda sa loob ang mansyon nila Blue. Agad kong napansin ang chandelier na kumikinang na nakasabit sa kisame nila. Napakaliwanag at ang ganda, para akong nasa isang palasyo.
May mga sumalubong kay Blue na nakipag kamay at beso sakanya. Habang ako, nasa gilid nya lang at pinagmamasdan syang makipag usap. Para syang propesyonal na propesyonal sa pakikipag usap.
“Let’s go.” Aya nya sakin matapos makipag usap.
“Kakain ka?” Tanong nya sakin ng dumaan kami sa lamesa na maraming pagkain.
Umiling ako, “mamaya na. Hindi pa ako gutom.”
“Pupunta muna tayo sa mga magulang ko.” Pagbibigay alam nya sakin.
Kinabahan na naman ako. Makikita ko na ang mga magulang nya, hindi pa ata ako handa. Natatakot ako na ewan. Pumasok kami sa dining hall at sumalubong saamin ang mahabang hapag kaininan kung saan nakaupo ang sampung katao, masaya silang nagkekwentuhan at nagtatawanan.
“Dad.” Tawag ni Blue sa lalaking nasa pinakadulo at gitna ng hapag kainan.
Otomatikong tumingin ang lahat kay Blue at sumunod saakin. Medyo nahiya ako kaya nag iwas ako ng tingin.
“Blue.”Anito sa malalim na boses. “Asan si Chescka?”
“Wala po.” Sagot ni Blue.
Lumipat ang tingin saakin ng papa ni Blue, “who’s this beautiful maiden?”
“Dad, this is Fatima.” Umubo sya at hinapit ako sa bewang na kinagulat ko. “My girlfriend.”
Nanlaki ang mata ko. Ano daw?! Girlfriend?! Hindi to kasama sa script!
Agad pinuno ng bulungan ang dining hall dahil sa sinabi ni Blue. Tumahimik ang lahat ng umubo ang papa ni Blue.
“Girlfriend?” Tanong nya at muling tumingin saakin. “Is that true hija?”
Napatingin ako kay Blue na nakatingin din pala sakin. Naiintindihan ko ang sinasabi ng mata nya, magpanggap ako na girlfriend nya.
“Y-Yes sir.” Sagot ko.
“Well, kaya pala ayaw mo magpakasal.” Tumawa ang papa ni Blue. “Just call me tito Arturo hija.”
Ngumiti ako at tumango. Akala ko ay sisigawan nya kami pero hindi naman pala.
“Upo kayong dalawa, kumain na tayo.” Napatingin ako sa magandang babaeng tumayo na nasa gilid ni tito Arturo.
“Mom.” Ani Blue at lumapit sakanya para humalik sa pisngi nya.
Humalik din sya sa pisngi ni Blue at sinenyasan akong lumapit. Agad akong naglakad palapit at nagulat ng halikan nya din ako sa pisngi.
“I’m tita Odette, welcome sa pamilya namin Fatima.” Ngumiti sya sakin. Ang ganda ng mama ni Blue.
Naupo na kami at kumain. Nasa tabi ko si Blue na nakikipag usap sa mga taong kasama namin kumain habang ako ay tahimik lang.
“So kailan nyo balak magpakasal?”
Napaubo ako dahil sa biglang tanong ng papa ni Blue. Kinuha ko agad ang isang baso ng juice at uminom doon.
“Hindi pa namin yan napag uusapan ni Fatima.” Sagot ni Blue.
Tumango ang papa ni Blue. Gusto nya talagang ikasal na ang anak nya. Sorry pero hindi po ako ang papakasalan nya, ibang babae po. May kumirot sa puso ko dahil sa naisip, hindi ako ang papakasalan ni Blue dahil hanggang pagpapanggap lang ang relasyon namin.//Good day! Don't forget to vote and comment. Keep safe, labyah! xoxo.
BINABASA MO ANG
Role Play World
Teen FictionROLE PLAY WORLD | COMPLETED [UNEDITED] RPW. Pekeng mundo. Mundong sa internet lang nag-e-exist. Posible bang makahanap ka rito ng true love? Totoo bang kaya mong mahalin ang isang tao kahit hindi mo ito nakikita at nakakausap lang sa chat? Isa ang r...