RPW 28

513 28 4
                                    

Araw ng linggo at nandito lang ako sa bahay, nakatitig sa salamin. Hapon na at kakatapos ko lang maligo. Nagpapatuyo ako ng buhok at nakaupo sa kama. Nakaharap ako sa salamin kaya tinitingnan ko ang sarili kong repleksyon.


Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yon.


Kael: Sammy?


Pinatay ko agad ang cellphone ko ng makita ang chat ni Kael. Sinampay ko ang twalya sa upuan sa harap ng study table ko. Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko.


Kael: Sammy ko?


Samantha: Yes?


Kael is typing…


Kael: Busy ka?


Samantha: Kakatapos ko lang maligo
Samantha: Why?


Kael: I miss you.


Natigilan ako. Anong dapat kong sabihin? Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Kung totoong may gusto ako kay Blue, bakit ganito ako kay Kael? Mahal ko sya pero naguguluhan ako.


Samantha: Kumain ka na ba?


Hindi ko na alam ang irereply kaya iibahin ko na lang ang topic.


Kael: Tapos na
Kael: Ikaw? Kumakain ka ba araw araw?


Samantha: Oo
Samantha: Kamusta?


Kael: Ok naman
Kael: Hindi ako nakapagchat sayo nung nakaraan kasi hindi ka naman nag oonline
Kael: Busy ka ba masyado?


Nakailang type ako ng sagot pero hindi ko yun maisend. Feeling ko nagtataksil ako kay Kael pero role play world lang naman to diba? Lahat ay kasinungalingan lang. Baka nga may jowa sya sa real world. Sumakit ang puso ko dahil sa naisip, wala naman sana.


Samantha: Medyo, ikaw ba?


Kael: Busy pero di naman masyado


Samantha: Ok


Kael: Ok ka lang ba?


Samantha: Oo naman, lagi naman akong ok


Kael: Tayo?
Kael: Ok pa ba tayo?


Tila nagyelo ang kamay at daliri ko. Hindi ako makatype, nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko sa screen. Bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan?!


Samantha: Oo naman, ok naman tayo


Kael: Ubos na ubos na ang oras natin, Sammy
Kael: Wala na tayong oras sa isa’t isa


Huminga ako ng malalim dahil hindi ako makahinga ng ayos, nahihirapan akong huminga dahil sa pag iyak ko.


Samantha: I’m sorry


Kael: Wag ka magsorry, hindi lang ikaw ang may kasalanan
Kael: Meron din ako, nauubusan din ako ng oras para sayo. I’m sorry baby.


Bumuhos ang masagana kong luha mula sa mata. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. Siguro alam ko na kasi ang kailangang gawin.


Samantha: Kailangan nating ayusin Kael.


Kael: Opo, aayusin natin. Mag mamanage tayo ng ayos ng oras natin


Samantha: Hindi yan ang ibig sabihin ko.


Kael: Anong ibig mong sabihin? May alam ka pa bang ibang solusyon?


Samantha: Kael, we need to break up.


Hindi sya agad nagreply. Niyakap ko ang unan ko at tumungo doon para umiyak.


Kael: No, hindi natin kailangan maghiwalay.


Samantha: Kailangan natin Kael. Ang toxic na ng relasyon natin.


Kael: Maayos pa natin to Sammy, wag ka naman bumitaw agad


Samantha: Kael nagawa na natin lahat. Nag cool off na tayo, nag usap na tayo pero walang nagyari. Kailangan natin mag grow ng magkahiwalay.


Kael: Kaya naman natin mag grow ng magkasama
Kael: Ayoko Sammy ko, ayoko please. Ayoko


You missed a call from Kael
You missed a call from Kael
You missed a call from Kael
You missed a call from Kael


Sunod sunod ang tawag nya pero pinapatay ko lang yun. Ayokong makipag usap.


Kael: Sagutin mo please


Samantha: Kael tama na, kailangan nating maghiwalay.


Kael: Ayoko nga Sammy, ayoko. Ayokong mawala ka baby.


Samantha: Kailangan.


Kael: Wala akong pake. Wag tayo maghiwalay, gagawan natin ng paraan


Samantha: Ang kulit naman Kael! Wala na nga tayong magagawa! Wala na tayong pag asa!


Kael: Sammy ko, please.
Kael: Ganyan ba kadali sayong bitawan ako? Hindi mo na ba ako mahal?


Samantha: Mahal na mahal kita Kael, sobra.
Samantha: Pero eto yung sa tingin kong tamang gawin.


Kael: You’re hurting me.


Samantha: I’m sorry.


Kael: Wala na ba talaga tayong magagawa Sammy?


Samantha: Sa tingin ko ay wala na Kael.
Samantha: Kung itutuloy natin ang relasyon natin, pareho tayong lulubog. Pareho tayong masisira.


Kael: Ayokong pakawalan ka Sammy.


Samantha: Ayoko rin Kael pero pinipili ko ang dapat at tama


Kael: Wag na lang Sammy, may iba pang paraan. Wag lang tayo maghiwalay.


Samantha: Nagawa na natin ang lahat Kael.


Kael: Ayoko nito.


Samantha: Magtatagpo tayo ulit.
Samantha: Pag nangyari yon, maayos na ang lahat. Hindi na tayo busy at marami na tayong oras para sa isa’t isa pero sa ngayon ito ang kailangan nating gawin.


Kael: I love you.


Samantha: I love you more.


Nag log out na ako at kumuha ng jacket. Umiiyak ako habang sinusuot yon. 9 na ng tumingin ako sa wall clock at maagang natulog sila papa. Lumabas ako at naglakad papunta sa 7/11.


Kumuha ako ng dalawang cornetto at binayaran yon. Umupo ako habang pinapahid ang luha. Sinimulan kong kainin ang ice cream pero hindi non nabawasan ang lungkot ko. Isang tao na lang ang nakapag papagaan ng loob ko ngayon.


Kinuha ko ang cellphone ko at nag aalangan pa kung itetext ko sya dahil dis oras na ng gabi. Siguradong hindi na yon pupunta. Huminga ako ng malalim at sinend ang text ko kay Blue. Hindi na ako umasang pupunta sya.


“Bakit nasa labas ka pa?”


Napatingin ako sa likod ko. Gusto kong maiyak, nandito sya! Nandito si Blue!


Napayakap ako sa bewang nya. Mahigpit yon at saka ako umiyak. Naramdaman kong hinagod nya ang buhok ko.


“Bakit ka umiiyak?” Tanong nya ng makaupo sa tabi ko.


Bumuga ako sa hangin at napagdesisyonang ikwento sakanya ang lahat. Lahat lahat.


“Alam mo ba kung ano ang role play world?” Tanong ko sakanya.


Napansin kong natigilan sya pero tinuloy ko na ang kwento ko dahil sigurado akong hindi naman nya alam yon. Puro business ang alam nya at wala syang time sa mga ganung bagay.


“May nakilala akong isang lalaki sa mundong yun. Sa mundong hindi totoo at sa internet lang nag eexist. Minahal ko sya at naging boyfriend ko. Kael ang pangalan nya.” Huminto ako para punasan ang luha ko. “Masaya naman kami sa umpisa hanggang naging busy kaming dalawa at nawala na kami ng oras para sa isa’t isa.”


Huminga ako ng malalim, “napagdesisyonan kong tapusin ang relasyon namin ngayon. Wala na kasing patutunguhan, kumbaga kapag pinagpatuloy pa ay pareho lang kaming mahihirapan at ayokong dumating yung point na yon.”


Napatingin ako kay Blue. Nakatulala lang sya at hindi nagsasalita. Kumunot ang noo ko, anong nangyari dito?


“Ok ka lang ba? May sakit ka ba?” Hinawakan ko ang noo nya. Wala namang lagnat.


Natigilan ako ng hawakan nya ang kamay ko at ibaba yon. Tumingin sya sa mga mata ko.


“Anong pangalan mo sa rpw?”

//Good day! Don't forget to vote and comment. Keep safe, labyah! xoxo.

Role Play WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon