IAN'S POV
" Hmm Walang Forever! Maghihiwalay rin kayo!"
Bulong ko ngunit sapat na para marinig ng nasa aking harapan.
"Favorite line mo talaga yan"
Whatever, nakakairita talaga tong mga to . Favorite line ko? Pshhh kung ayaw niyo marinig yan huwag kayong maglandian sa harapan ko.
"Bahala nga kayo diyan , ang haharot niyo"
Eh kasi naman alam nilang nasa likuran nila ako tapos ang bagal nilang maglakad , required ba na kapag kasama mo ang jowa mo eh maghaharutan na kayo sa daanan?
Ako nga pala si Ivan Cabrerra , Ian ang tawag saakin ng mga kaibigan ko simula elementary. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon , galing kaming University kakatapos lang ng last subject namin .
Pauwi na kami at sabay sabay silang huminto nang madaanan namin ang paradahan at ako naman ay tumuloy na sa paglalakad . Malapit lamang ang bahay namin sa University kaya naman naglalakad nalang ako pauwi .
Anim kami sa tropa . Anjan si Ashley pati ang jowa nya na si Dominic, Si Jayne pati ang jowa niyang si Kevin , at ang tropa ko na kapwa kong single na si Max.
Matagal ko ng kaibigan sina Max,Kevin at Dominic kaklase ko na kase sila since Elementary kaya naman kilalang kilala ko na sila
Nakilala namin sina Ashley at Jayne nung third year highschool kami,transferree kase sila ng pinsan niyang si Ashley sa school namin . Simula nang lumipat sila natipuhan sila ng dalawa kong tukmol na tropa kaya't napalapit kami sakanila dahil nililigawan nilang dalawa ang magpinsan .
Parati kaming sabay na anim kumakain tuwing tanghali sa cafeteria ng school kaya naman naging mas close kami hanggang sa grumaduate ng highschool at nagdecide na sa iisang University nalang kami mag-aral para kahit papaano ay nagkikita parin kami .
Education ang kinuha kong course major in Mathematics ,pareho kami ni Max . Samantalang si Ashley at Jayne naman ay parehong International Marketing ang kinuha , wala kasi silang ibang choice dahil balang araw sila ang susunod na mamamahala sa kompanya ng kanilang pamilya . Si Dominic naman ay Dentistry , bagay yun sakanya para balang araw siya na mismo ang umayos sa sariling niyang sungki at si Kevin naman ay Computer Science .
Ok enough of that ,story ko to pero parang nasakop na ng tropa ko ang buhay ko . Well, totoo naman dahil malaking parte ang tropa ko sa buhay ko .
BINABASA MO ANG
The Bitter's Love Story (Mahal Ko Siya , Mahal Ka Niya) TAGALOG BXB
Romantik"Haynako walang forever ! Maghihiwalay din kayo ". Yan ang paboritong linya ni Ivan palibhasa walang jowa , siya na lang kasi ang never pang nagkaroon ng karelasyon sa kaniyang tropa. Makakahanap pa kaya ng jowa ang bitter na si Ivan? This is the f...