*Present Day
DOMINIC'S POV
"Shuta naman" bulong ko sa sarili, hindi ko alam kung pano haharap sakanya. Ba't ko ba kasi nasabi yun?"
Di mapakali ang aking muni , patuloy na iniisip ang mga nasabi ko , ni hindi ko na nga maalala ang mga katagang sinambit ko sakanya , basta ang alam ko, nasabi ko na.. nasabi ko na ang nararamdaman ko. Anyare ba kasi sakin? Para akong nalasing dun ah at biglang napaamin.
Kahit gulong gulo ang isip , buti naman at gumalaw parin ang katawan ko at naghanda papuntang university , at ayon na nga ,AWKWARD MOMENT HAS ARRIVED.As usual we're at our meeting place before our classes begin. Buti nalang at dada ng dada si Kev,dami nyang kwento , at tango lang kami ng tango . Tahimik kaming lahat, maliban kay Kev, dumating din sa puntong nabatid niya na ang mga mukha naming balisa, mga mukhang nag iiwasan ng tingin. "Hoy ano ba? Akala niyo ba bulag ako para di makitang hindi kayo okay? Paki update naman ako kung anong nangyayare. Ano na Ash? Dom? Ian? Max?
ani Kev.Max? Balisa din si max? Nakikisabay yata tong isa pa naming bespren eh, ano kayang problema neto?. Habang iniisip kung ano ang maaaring dahilan ng pagkabalisa ng isa pa naming kaibigan , nagulat ako ng sambitin niyang " Alam ko yung tungkol sa inyong tatlo" . Lito naman si Kev at Jayne sa sinabi ni Max, habang biglang napatingin kaming tatlo sa kanyang gawi.
Tuloy lamang ang aming pananahimik dahil sa pagkagulat. Paulit ulit na iniisip pa'no niya nalaman, totoo kayang alam niya? "Huh? Anong meron sa kanilang tatlo? Sabihin niyo nga sa'min. Ani Kev.
"Ganto kasi , si ash at dom ay wala na , nagkukunwari lang silang sila dahil ayaw ipaalam ni Dom na bakla siya at gusto niya si Ian, kung gusto niyo pa ng mas malalim na paliwanag , itanong niyo jan sa kaibigan niyong BAKLA"
Nablangko ako sa mga sinabi, as in sobrang gulat ngunit di ko akalaing tatayo ako upang basagin ang mukha ni Max.
"Hoyyyy!, TAMA NA!" Agad akong inawat nilang lahat sa pagsuntok sa mukha ni Max, batid kong tama lahat ang sinabi niya kayalang hindi ko nagustuhan ang tono ng kaniyang pananalita na tila ba'y may galit siya saakin .
"Tangina! Ano bang nangyayare? Dom totoo ba yung sinabi ni Max?" Pagalit na tanong ni Kev.
Hindi ako makaimik sapagkat di ko alam ang sasabihin ko basta ang tanging nararamdaman ko lang ay galit , galit para kay Max , marahil ay pinipili ko lang na maramadaman ang emosyon na 'to upang ibaling ang hiyang natatamasa dahil sa nangyari sa pagitan naming tatlo nina Ash at Ian
Tiningnan ko saglit si Kev na gulong gulo at saka iniwas ang tingin paibaba , senyales na totoo nga lahat ng sinabi ni Max. Ngayon ko lang napansin na hawak pala ako ni Ian sa braso at nang tingnan ko siya , titig na titig siya kay max , napakatalim na pagngangalit.
Ilang segundo pa ay akmang susuntukin ako pabalik ni Max upang bumawi sa pagbasag ko sa bandang kaliwa ng kaniyang bibig nang hinarang ni Ian ang kanyang kamao at biglang sinuntok si Max. "Gago" wika ni Ian , na ang tinutukoy ay si Max .Hindi ko alam kung bakit niya 'yon nagawa,napakabilis ng pangyayari at bigla niya akong hinatak palayo , hindi ako umimik, hindi ko alam kung saan kami patungo basta ang alam ko lang ay gumaan ang pakiramdam ko nang makaalis sa tagpong iyon , wala na akong pakealam kung lumiban ako sa klase. Patuloy ang pagtakbo namin , sumusunod lamang ako sa kanya pagkat patuloy niya paring tangan ang aking kamay mula kanina.
Pinuntahan namin ang pinakadulong building ng university , yung lumang building na under renovation. Hingal na hingal kami nang makarating doon , bumitaw siya saglit sa pagtangan ng aking braso at huminga nang malalim habang nakaiwas ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Bitter's Love Story (Mahal Ko Siya , Mahal Ka Niya) TAGALOG BXB
Romance"Haynako walang forever ! Maghihiwalay din kayo ". Yan ang paboritong linya ni Ivan palibhasa walang jowa , siya na lang kasi ang never pang nagkaroon ng karelasyon sa kaniyang tropa. Makakahanap pa kaya ng jowa ang bitter na si Ivan? This is the f...