Chapter 4

207 8 0
                                    

Author's note

Lubos po akong nagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta niyo sa aking istorya . Baguhan pa lamang ako sa larangan ng pagsusulat kung kaya't hindi ko agad nailalathala ang istorya. Gayun pa man, sisikapin kong ang bawat kabanata ay magiging sulit basahin para sainyo. Umaasa ako na dumami pa ang makakabasa sa kwentong ito.

MAX'S POV

Pabalik ako ng school dahil naiwan ko ang wallet ko sa aming silid nang biglang may narinig akong nagbabangayan "matagal na kaming wala ni dom". Pamilyar ang boses na iyon kaya agad akong nagtungo sa direksiyon kung saan nagmula ang boses na iyon .

Nakita ko si Ash na papaalis at iniwan niya sina Dominic at Ian. Patuloy lang ako sa pakikinig sa bangayan nila "kung hindi mo siya gusto, bakit mo siya hinalikan?"
-"kung hindi ko siya hinalikan , hindi ko malalamang hindi ako nagkakagusto sa babae at hindi ko masisiguradong gusto kita".

Nakita kong gulat si Ian at tila naestatwa sya dahil sa sinabi ni Dominic , maging ako ay nagulat hindi dahil sa sinabi niya kundi sa dahilang ang tapang niya at nasabi nya na gusto nya si Ian .

Matagal ko ng alam na may gusto si Dominic kay Ian dahil nakita kong ang larawan nilang dalawa sa pitaka niya , mali, hindi pala larawan nila , larawan naming apat nina Kevin, ang kaso , nakatupi kami sa larawan na nakalagay sa wallet niya kaya ang nakikita ay silang dalawa lang ni Ian.

Kapansin pansin rin ang lagkit sa pagtingin ni Dominic kay Ian simula nung nasa highschool pa kami at sa araw araw naming pagsasama, ewan ko kung bakit hindi nila nahahalata .

Araw araw kaya akong nasasaktan dahil alam kong gusto ni Dominic si Ian , hindi ko naman jowa si Ian , hindi rin naman jowa ni Ian si Dominic ,pero naninibugho parin ako , ewan ko kung bakit.

Naglakad paalis si Dominic at iniwan si Ian na nakatayo lamang . Ilang segundo ang lumipas ay nanatili parin syang nakastatwa nang bigla ko syang narinig na napatawa ng mahina . Baliw ba sya? Gulat na gulat lang siya kanina pero ngayon tatawa na.

Hindi na ako nagpakita kay Ian at tumungo na sa lugar na sadya ko para kunin ang naiwan kong wallet,pagkatapos ay umuwi na ako .

IAN'S POV

Halo halong emosyon ang naramdaman ko at sari saring mga alaala ang biglang lumitaw sa aking isipan . Matapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon ay lumisan na siya at iniwan niya akong tulala.

Tangina seryoso ba siya?

*Friday,14th of February Year 2014,Three years Ago;

Matitinis at mapang asar na mga sigaw ang maririnig sa ano mang sulok ng school , mapa rainwalk man o canteen o corridor o kwarto,basta kahit saan.

"Yiee yiee" kayo jan sabi ng utak ko, halatang halata sa ekspresyon ng aking mukha ang pait at pagkainis dahil sa mga naglalampungan at mga naglalandian sa aking nadaraanan.

Alam kong na mapait ang ekspresyon ko ngunit mas lalo itong pumait ng makita ko siyang may hawak na rosas,yung pula ,alam niyo na , ito ang pinakacommon na binibigay tuwing valentines ,at hindi lang rosas, meron pang tsokolate at sobre na hawak , malamang love letter iyon .

Matagal ko nang gusto ang taong 'yon ,mula pa nung elementarya kami. Hindi ko nga inakalang magkakagusto ako sa taong tulad niya . Tinawag ako ni Kevin na ilang metro lang ang layo sa akin at lumapit naman ako .

Agad niya akong tinawanan dahil sa aking suot na itim na damit , itim na pantalon at itim na sapatos . Halos lahat kasi ng mga mag aaral ay nakapula ngayon. Kinuha niya ang atensyon ng iba ko pang mga kaibigan at sabay sabay nila akong pinagtawanan,binigyan ko sila ng ngiting punong puno ng sarkastiko at titig na nakamamatay .

The Bitter's Love Story (Mahal Ko Siya , Mahal Ka Niya) TAGALOG BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon