Chapter 23
SIMULA ng magising ako at nalamang sampung taon akong nakahiga at pitong taon nang sinukuan ng aking anak at ng fiancè ay pinalipas muna namin ang isang linggo para macheck pa ng mga doktor ang kalagayan ko at ng masigurong wala namang problema ay nakalabas na ako ng ospital.
Masaya ang doktor at mga nurses sa paggising ko. Ang isa pa ngang matandang nurse ay naiyak dahil siya daw ang palaging nagbabantay sa akin. Sa loob ng sampung taon siya ang palaging kumakausap, naglilinis at nagbabantay sa akin. Sobra ang pasasalamat ko sa team ng mga doktor at nurses na nagalaga at nagtiyaga sa paggising ko kaya naman noong lunch break nila ay nagpa-cater ako para makain nila. Ayun lang ang way ko para mapasalamatan sila maliban sa magsabi ng salamat.
We are on our way home. Kuya Hope is our driver and Kuya Niall seats on the passenger side while Ate Clarren and me seats in the back. Tahimik lang ako sa kinauupuan, wala akong imik kahit na ang dami daming kwento ni Ate Nerra even my brothers has many story for me.
Nakadungaw lang ako sa labas ng kotse habang iniisip ang pamilyang hindi na akin. Ang lungkot lungkot ng pakiramdam ko, gustuhin ko mang umiyak ayaw ko namang makita nila kuya ang luhang gustong tumulo sa mga mata ko. Siguro ilalabas ko nalang ulit ang kahungkangang ito kapag mag-isa nalang ako sa kwarto pero sa ngayon hindi muna, pipigilan ko muna.
"Nellie alam mo ba yung pamangkin mo napakalaki na. Miss ka na nga nun e. Kaya lang minsan lang siya makadalaw sayo sa isang buwan. Busy na kase sa school. By the way Nellie may bago ka na ding pamangkin five years old na yun ngayon sure ako matutuwa yun kapag nakita kang gising na." Kwento sa akin ni ate Clarren about sa mga anak nila ni kuya Niall.
Ngiti lang naman ang sagot ko, mas gusto kong marinig ang balita tungkol sa mga anak ko, sa kambal ko, sa mga babies ko, sila ang gusto kong marinig na ikinukwento. Kaso hindi pwede wala naman kaseng may nakakaalam.
"Ah Nellie may ipapakilala nga din ako sayo e. Tagal ko nang gustong sabihin kaya lang tulog ka pa. Gusto ko ikaw unang makakakilala sa kanya kaya hindi ko pa sinasabi kila kuya." Pilyong pagpapaalam ni kuya hope na sinundan ng tawa. Wala pa din akong imik wala ako sa mood magsalita.
"If I am not mistaken si Avie yang tinutukoy mo. Sus, hindi ka magaling magtago ng secret Crimson Hope" anas ni ate Clarren at may diing binanggit ang salitang hindi ka magaling magtago.
Nilingon ko ito kaya nakita ko ang masamang pukol ng tingin nito kay Kuya Niall hinayaan ko nalang.
"Hala ganon ba ate so nahuli na pala ako?" Ngisi naman ni kuya Hope at inismiran si kuya Niall. Hindi na kumibo si ate Clarren at tumaray nalang.
I smell something not just fishy but more worst to that. Curious ako sa pasimpleng pagpaparinigan nila ate Clarren at kuya Hope kay Kuya Niall pero pinagsawalang bahala ko nalang dahil wala namang imik si kuya Niall.
"Malayo pa ba?" Pagbasag ko sa awkward na hanging pumapalibot sa amin.
"Malapit na Nellie." Sagot ni kuya Hope na tinanguan ko nalang. Tamad talaga ako magsalita ngayon pero hindi ko na kinakaya ang awkward na atmosphere na ito.
"Where are we going? Hindi ito ang daan sa bahay kuya." Tanong ko pa.
"Sa bahay namin ng ate Clarren mo Nellie." Sagot naman ni kuya Niall na tsk namang pasarinh ng isa.
May mali talaga e. Kung nung nakaraan parang sweet si ate Clarren kay kuya Niall ang isang linggong pananatili ko pa sa ospital ay nakita kong may iba sa pagtutungùhan nila ngayon. Para silang nag-away pero parang hindi simpleng away lang ang nagaganap sa kanila.
BINABASA MO ANG
Consequences Of Loving You - COMPLETED
Romance[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] A one night that she wanted but too drunk to even remember the man she's with while doing the deed. What is waiting for Nellie's future after that incident?