CHAPTER 22

618 6 0
                                    

Chapter 22



HAWAK ang malalambot na kamay ng ina ni Crest ay nakatulong ito upang mabawasan ang walang pasidhing kaba na naglulumikot sa aking dibdib.

Kabado man ako ay hindi pa rin maisantabi ang kasabikan kong makapunta na sa venue at makita si Crest doon na naghihintay sa akin.

Nakikita ko na ang kanyang reaksyon sa oras na magsimula na akong maglakad palapit sa kanyang kinaroroonan, paniguradong sabik na sabik iyon sa akin, nakakatuwa naman kung ganon nga ang makikita kong reaksyon sa gwapo nitong mukha.

Ang kambal kaya ano ang magiging reaksyon sa oras na makita nila ako? Nangungulila na siguro ang dalawang anak ko sa akin. Simula ng magkaayos kami ni Crest ay lagi na kaming magakaksama, itong linggo lang na ito kami muling nagkahiwalay.

Maisip ko pa lang ang mag-aama ko ay natatabunan na ng kasabikan ang masidhing kabang nagwawala sa loob loob ko.

Medyo matagal pa ang ilalagi ko sa kotse kaya naman nilibang ko ang sarili ko sa pagsilay sa mga gusaling nagtataasan. Si Mommy Lily kase ay hindi na matigil sa paggamit ng facebook.

Napakalaki na nang pinagbago ng syudad, ang ilang taon kong pananatili sa ibang basa ay talagang nagkaroon ng malaking epekto sa buhay ko. Ang dami kong nakaligtaan sa buhay ng kapatid at mga kaibigan ko gayun din ang pagunlad ng Pilipinas nakaligtaan ko na din maliban na lamang sa isa, masasabi kong ito lang ang alam kong may forever. HeavyTraffic na naman sa kalsada ng Pilipinas.

Noong first year college ako ay lagi akong natatraffic, buong buhay ko ata pag nasa kalsada ako ay lagi nalang traffic hanggang ngayong kasal ko na ay traffic pa din. Wala na talagang pinagbago kung baga loyal sa kanyang status.

Maingat ko na lamang na ipinikit ang aking mga mata para hindi masira ang aking eye shadow at ang false eye lashes. Mga ilang minuto rin siguro akong ganoon hanggang marinig ko ang reklamo ni Mommy Lily na kesyo ang tagal tagal daw umusad ng trapiko. Binalewala ko iyon, ayaw kong ma-stress sa araw na ito dapat good vibes lang ngayong araw ng kasal ko.














































Ini-rerelax ko ang aking paghinga ng may marinig akong nakakangilong tunog na nanggagaling sa preno ng isang 16 wheeler truck na sinundan ng sunod sunod na pagbusina ng mga sasakyan na nasa kalsadang kinaroroonan namin. Talagang nairita ang pandinig ko sa kaguluhang nagaganap sa paligid kaya lilingonin ko na sana ang pinagmulan ng naunang ingay.

"Bakit kaya ganoon ang ingay? Ang paraan ng pagpreno ng mga motorista ay nakakakaba." Ani ng driver namin ni Mommy Lily. Hindi ito nag abala na lingunin ang nasa likod binalewala ko nalang ang sinabi nito.

Sa paglingon ko bumulaga sa akin ang malaking truck na binabangga ang mga sasakyan na nasa likuran namin. Sinabi ko iyon sa driver sanhi para mapamura ito at ini-start nito ang makina at pinilit makaalis sa nagbuhol na trapiko ngunit hindi kami makaalis.

"O MY GOSH! LET'S JUST GET OUT OF THIS FUCKING CAR!" Mommy Lily yelled na sinunod ng driver umalis nga ito ng kotse at walang lingong tumakbo, iniwan kami nito sa backseat kaya lalong kaming nataranta ni Mommy Lily. sabay naminģ nilingon ang likod, Naiiyak na ako pero ng makita ko ang kalagayan sa likod lalo akong naiyak.

Ang mga sasakyan ay parang tsunami na kinakain ang mga sasakyan na nasa unahan, medyo malapit na ang mga sasakyang naggigitgitan.

"Mommy please let's go." My voice is extremely shaking in nervousness.

Nagmamadali naman naming binuksan ang mga pinto pero ang pinto sa side lang ni Mommy Lily ang nabuksan hindi ko alam kung bakit hindi bumubukas ang pinto sa aking tabi pero sapat na iyon para lalo akong manghina malapit na sa amin ang mga sasakyan paano ito?.

Consequences Of Loving You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon