Chapter 15
MAHIGIT dalawang linggo na simula ng makipagusap ako sa lalaking hindi karapat dapat banggitin ang pangalan.
Matapos ng nangyari sa amin hindi ko na talaga siya nakita, at sa lahat ng narinig ko mula mismo sa mga labi niya ang dahilan sa pagnanais kong makalimot sa lahat ng naging ugnayan namin.
Wala akong pinagsisihan sa lahat ng pinaramdam at ibinigay ko sa kanya. Kahit nalaman ko man ang totoo na siya ang unang lalaki sa buhay ko hindi ko parin magawang magalit sa kanya. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil ang gabing iyon ay ginusto ko rin.
Totoo lahat ng pagmamahal na pinaramdam ko sa kanya, masiyadong malalim kaya kahit ganito ang kinahantungan ng aming relasyon hindi pa din mawala ang pagmamahal na iyon. Kung tutuusin dapat nagagalit talaga ako dahil sa nangyari dahil hindi niya lang ako basta sinaktan kundi nilapastangan niya rin ang puso't isip ko. Sinira niya ang tiwala ko.
Pero masiyadong makapangyarihan ang pagmamahal kahit gaano mo kagustong kamuhian ang isang tao hindi mo magawa bagkos ikaw mismo sa sarili mo ang magagalit dahil napakahirap kontrolin ng pagmamahal para sa maling tao. Kaya imbis na kamuhian o kagalitan ang taong mahal ko at masaktan ko ang sarili ko dahil suwail ang puso ko sa nais ng utak ko.
Napagdesisyunan ko nalang na magpakalayo sa mundong kinagagalawan ng lalaking hindi karapat dapat banggitin ang pangalan, pipilitin ko nalang na makalimot kaysa magtanim ng galit sa sarili ko at sa lalaking pinagkaitan ko ng makita at kilalanin pang muli. Simula ngayong araw na ito, siya na si kimas! Bwiset siya, siya ang bwiset sa buhay ko.
The best cure for a broken heart is space and time. iyon ang hahanapin ko para mabuo ang nawalang piraso ng sarili ko ng ipamukha sa akin ng lalaking kimas na iyon ang lahat.
Mahal ko siya pero kakalimutan ko. Kakalimutan kong nagmahal ako ng mas higit na dapat na pagmamahal para sa sarili ko.
Kailangan ko ng matuto kase ako ang dehado kung mauulit pa ang ganito.
Ako ang lugi kung patuloy ko pa rin siyang mamahalin gayong oba naman ang talagang ninanais ng puso niya.
He's not the only one I cut off since our break up. Even my brothers and friends ay nadamay sa inis at himutok ko sa kanya. Everyone knows him and I know for sure that I will just end up hearing their questions about that man and I.
Nilayo ko ang sarili ko sa kanila dahil ayaw ko ma talagang makarinig ng kahit anong tungkol sa kimas na iyon.
________________
Life has been wonderful and great for me. I experience so much for the past years that gave me a lessons to remember.
It's been what? Six years I guess?
It's been six years simula noong mangyare ang tagpo sa condo ng lalaking hindi karapat dapat banggitin ang pangalan. Kimas for short.
After that heart breaking confession of the man who doesn't deserve to voice out his name, JD drove me home. At nang gabi ding iyon ay hinanda ko ang mga dapat kong dalhin upang lumabas ng bansa, makalipas ang isang linggo ay nakaalis ako at pinagpatuloy ang pagaaral ko sa paris.
Ang daming nagbago sa akin sa mga nakalipas na taon, I think I matured enough because of the circumstances that I have faced. I also learned that my priority is myself, that I should love myself more than anything else.
I should love my me but months later it change, hindi nalang ang sarili ko ang dapat kong unahin at mahalin.
When I learned that I am having a blessing hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. I am all alone in my apartment and I am still studying.
BINABASA MO ANG
Consequences Of Loving You - COMPLETED
Storie d'amore[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] A one night that she wanted but too drunk to even remember the man she's with while doing the deed. What is waiting for Nellie's future after that incident?