Una sa lahat, gusto ko kayong pasalamatan sapagkat nilaan niyo ang inyong oras upang basahin ang aklat na ito. Bago niyo lamang gawin iyon, may mga paalala ako.1. LAMAN NG AKLAT
Ito ay gawa lamang ng piksyon. Anumang pangalan, karakter, negosyo, pook, pangyayari, at mga insidente na nasa aklat na ito ay kathang-isip lamang at hindi nagpapakita ng totoong tao, organisayon, lugar, o kaganapan. Anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya.
2. PAGREREBISA
Sa totoo lang, hindi ko nirerebisa ang bawat kabanata bago ko ito ilathala kaya marami kayong mapapansin na mali katulad ng pagbabaybay ng mga salita, gramatika, at mga bantas.
3. INSPIRASYON
Nakuha ko ang inspirasyon sa pagsulat ng aklat na ito mula sa mga anime na Clannad, Angel Beats, Little Busters, at iba pa.
4. PLAGIARISM
Hindi ko alam kung ang aking istorya ay may pagkahalintulad sa iba. Titiyakin ko lamang na ni isa ay wala pa akong nabasang aklat sa Wattpad na pumapatungkol dito. Kung wala, inaanyayahan ko kaya na huwag gayahin ang aking gawa. May parusa kung sinuman ang gumawa no'n.
5. UPDATES
Bawat linggo, inaasahan ko na makakapagdagdag ako ng tatlo hanggang limang kabanata sa aklat na ito. Kung hindi ko man nagawa iyon, ibig sabihin ay may importante akong ginawa sa linggong iyon.
Huwag kalimutang BUMUTO, MAGKOMENTO, at IBAHAGI ang aking istorya sa mga mahal niyo sa buhay. MARAMING SALAMAT!
BINABASA MO ANG
Ang Pinakasolid Na Section Sa Lahat!: First Semester
Teen FictionAno nga ba para sa iyo ang isang solid na section? Dulot ng isang gabi, kinailangan ni William Albert Pimentel, isang lalaking problemado, na mag-aral sa pampublikong paaralan. Ito ang unang beses na papasok siya sa gano'ng klase ng paaralan. Hindi...