Chapter 13: VanshniPagkatapos ng nangyari ay agad akong umuwi ng may ngiti sa labi. Napapahagikhik pa ako habang nagmamaneho pauwi. Nang tignan ko kung anong oras na ay mag-aalas dose na. Sinong matinong babae ang uuwi ng ganitong oras.
Madilim ang kalsada pero ng marating ko ang highway ay naglalakihang gusali ang nakikita ko. Ang pagpatay-sindi ilaw sa mga building. Marahil ay hotel iyon. Meron rin akong nadaanan na nag-iinuman sa kalagitnaan ng gabi. Ang pagpalaboy-laboy ng mga aso sa kalsada at mga pamilyang natutulog sa gilid ng kalsada.
Agad akong napaiwas ng tingin dahil parang kinukurot ang puso ko sa nakita. Lumaki akon hayahay an buhay at nabibili kong anong gusto ko. I even have my own car at the age of 17. I am already living in my own condo unit. I never thought I'd be hurting because of these homeless families.
Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko pauwi. Hatinggabi na rin naman kaya wala na gaanong sasakyan. Pakiramdam ko ay nasa fast and furious ako dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan. Medyo may kalayuan kase ang lugar na iyon kaya lampas alas dose na ako nakarating.
Pagdating ko ay bukas ang gate ng mansiyon at nakita kong kakaandar lang ng sasakyan ng aking striktong ama. Hindi niya napansin ang pagdating ng sasakyan ko kaya naman bumusina ako para kunin ang atensiyon niya.
Siguro ay susunduin niya ako kahit naman hindi alam kung nasaan ako. Patakbo akong lumapit sa kaniya nang makababa siya at nakayuko lang ako. Nakapantulog na damit na siya at hahanapin niya ako ng ganiyan ang suot.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad akong yumapos sa kaniya. Hays. Ang tanga ko talaga bakit ba kase nakalimutan kong tignan kung anong oras na. Napuyat pa tuloy kakahintay sa akin.
"Daaaadddd, sorry na masyado kase akong naaliw kanina kaya hindi ko napansin ang oras," nagpapacute ako sa kaniya para hindi pagalitan. Syempre dahil nga nakauwi na ako ay suot ko na rin ang salamin ko.
Napasintido naman ito kaya lihim akong napangiti. This jusy mean one thing. Sumusuko na siya. "But promise me, this won't happen again," Malalaki ang matang tumingin ito sa akin. "Your mom was really worried, I didn't know she went in your room to check. She was being hysterical and I forced her to sleep again and told her I'll look for you."
Napatango naman ako at niyakap siya ng mahigpit. "Grey we were really worried of you. Your mom had a hard time sleeping again when she found out that you went out again. Hindi ka naman namin pinaghihigpitan but you should have called us that might went home late. You should have called Dashiell para may kasama ka."
Napasimangot naman ako nang marinig ko ang pangalan ni Dashiell. Hindi ako umimik at sinubsob ko lang ang mukha ko sa dibdib niya. "Did you two fought again?" Tanong niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko.
I shook my head. "No, I don't want to talk about it."
I heard him sigh. "Okay, let's talk about it when morning comes. You still have classes, do you?"
"Yes, maybe I should sleep now. I'm sorry for making you worry. Tell mom I'm sorry. Good night Dad," pagpapaalam ko saka siya hinalikan sa pisngi.
Walang buhay na binagtas ko ang hagdanan at nakayuko lang hanggang sa makarating sa kwarto ko. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama at tinanggal ang glasses ko at itinabi sa side table.
"Fuck this."
Medyo nabawasan rin ang inis ko ng mabugbog ko kanina ang nanuntok sa akin. Napahawak ako sa kaliwang balikat ko at hinilot yun. Pakiramdam ko ay nabalian ako ng buto dahil doon.
Syempre hindi ko siya hinyaang bumawi ng suntok. Galit ako sa kaniya lalo pa na siya ang dahilan kung bakit ako nasama sa guidance office namaga rin ang braso ko at yung suntok niya kanina kahit hindi naman sana ako ang puntirya.
YOU ARE READING
The Nerdy Yet Possessive Girl
RandomA badass girl diguised as a nerd. Alam niya sa sarili niyang mali pero wala siyang pagpipilian. Sisingilin niya ang lahat ng may atraso sa kaniya sa pamamagitan ng pagtatago sa maskara niya.