Naghahanda na ang lahat ng mga grade 10 students para sa paparating nilang graduation. Inaayos na nila ang kanilang mga susuotin at mga iba pa nilang kinakailangan. Habang nagaayos ang iba ay dumating na ang photographer na kukuha sa kanila ng litrato para sa kanilang graduation picture. Limang studyante muna ang pinapasok sa isang room upang kuhanan ng litrato at pinapapila muna sa labas ang mga susunod.
Ngunit biglang dumating ang isang sikat na studyante. May itim na buhok, average size ang katawan pero may abs, maputi, hot, matalino, pero ayaw ng math, matangkad at mahilig kumanta. Siya si Wes Flloyd Santiago. Sa kanyang pagdating ay nagtulakan na ang mga studyante para lamang mapasingit nila siya sa tabi nila pero hindi sila pinansin nito at sa dulo parin siya pumila.
Maya maya ay si Jervy Brim naman ang dumating isang sikat din na studyante, itim ang buhok, average size rin ang katawan, matalino, mabait, hot, mahilig sumayaw, mahilig mag gym at mag Best friend rin sila ni Wes. Sa pagdating niya ay mas lalong nagkagulo ang kanilang pila para lang mapasingit nila siya at pumunta nga si Jervy sa harap para dun pumila ngunit pinuntahan siya ni Wes at tinanong kung anong ginagawa niya at sinabi niyang nagbibiro lamang siya at hinila siya ni Wes sa dulo at duon sila pumila ng magkasunod. Ngunit hindi parin sila tumigil sa pagtutulakan hanggang masira na nga ang buong pila nila hanggang pinuntahan na sila ng isa nilang babaeng guro na si Mrs. Puratnat at pinaghahampas sila ng pamaypay nito habang sinasabihan sila ng "mga talandi kayo, magsiayos kayo" hanggang umayos na sila.
*Ringggggggggg*
Nag ring na ang bell na ang ibig sabihin ay uwian na. Kaya pinauwi na muna sila at ipagpapatuloy na lang kinabukasan ang pagkuha ng litratro sa kanila. Nang sinabi ito ng kanilang guro ay agad agad na umalis si Wes para hindi siya maabutan ng mga babae. Habang si Jervy nmn ay naiwan muna at kinausap ng isang guro nila.
Nang makalabas na si Jervy ng school ay nakita niya ang mga babae at mga beking nagaabang sa kanya sa labas kaya pasimple siyang sumabay sa madaming tao para hindi siya makita ngunit nasagi siya ng isang bakla at pagtingin nito sa kanya ay sumigaw ito ng "nandito si Jervy!."
Tumakbo agad si Jervy hanggang nabangga niya si Wes na umiinom ng soft drink at tinatong siya nito kung bkt siya nagmamadali sinabi nito na hinahabol siya ng mga babae baka hindi nanaman siya makauwi kaya tinago ni Wes si Jervy sa isang convenience store ngunit na-realized naman niya na pag siya nmn ang nakita nila ay siya nmn ang pagkakaguluhan nila kaya nagtago rin siya sa loob ng convenience store hanggang napalagpas nila ang mga babaeng humahabol kay Jervy at sumisigaw ng "Jervyyy!" "Jervy my babyyyyy!"
Nang nakalayo na ang mga babaeng humahabol sa kanila ay umuwi na agad sila. Pagdating nila sa bahay nila ay agad na humiga si Wes. Ngunit si Jervy naman ay naka tayo sa salamin at sinusukat ang isusuot na pantalon at sapatos para sa kanilang pagtatapos ng junior high. Habang tinitignan ni Jervy ang kanyang sarili sa salamin ay naalala niya ang unang pagkakataon na nag-aral siya sa Iba, Zambales.
Lumapit naman si Wes sa kanya at sinabing ang bilis ng panahon at sumagot naman si Jervy ng oo ang bilis nga na kung dati ay pakalat kalat lang sila sa campus na parang hindi alam kung saan pupunta, ngayon ay tutungtong na sila sa stage upang magtapos. Sinabi pa ni Jervy na naalala niya ang unang pagkikita nilang dalawa at unang pagpunta niya sa lugar nila.
Unang nagkita at nagkilala sila Jervy at Wes noong mga bata pa sila nang minsan ay nagbakasyon sila Jervy sa Iba, Zambales. Kung saan naman nakatira sila Wes. Hanggang duon narin nag aral si Jervy Ng high-school. Nakitira siya sa tita niya at naging magkaklase sila ni Wes. Lagi silang magkasama mula ng grade 7 sila hanggang g10. Ngunit isang araw ay kinailangan umalis ng mga parents ni Wes upang magtrabaho, nagOFW ang kanyang nanay sa Saudi at isang Mekaniko nmn ang kanyang tatay sa Manila naiwan si Wes sa kanila kasama lamang ang kuya nito na hindi rin niya laging nakakasama dahil may trabaho rin ito hanggang nabalitaan nila sa balita sa television na kasama ang kanyang nanay sa mga namatay sa Saudi dahil sa Gera at makalipas lang ang isang buwan ay namatay nmn ang kanyang tatay dahil sa hindi pagkakaintindihan sa isang costumer at binaril siya. Nabuhay si Wes kasama na lamang ang kuya niya at hindi rin naman sila nakakuha ng ibang tulong sa iba nilang kamag anak dahil wala rin naman silang maipapadala para sa kanila. Isang araw nagkaroon naman ng hindi pagkakaintindiban si Jervy at ng tita niya kaya sinubukan niyang makitira muna kay Wes pansamantala at pumayag naman si Wes na duon na siya tumira dahil madalas na nagiisa lang din si Wes at walang kasama kaya duon na rin tumira si Jervy ng may kasama na rin si Wes.
BINABASA MO ANG
Destiny: Undestined (It's maybe a love story after all) [bxb]
RomanceMauuwi kaya sa pagiibigan ang nagsimula lamang sa pagkakaibigan? Kilala mo nga ba talaga ang tunay mong minamahal o hindi mo lang talaga nakikita ang tunay na halaga ng iba? Paano kung sa gitna ng pagiibigan niyo ay may na dumating iba? Magigin...