Chapter 4 [ NEW BEGINNINGS ]

10 0 0
                                    


   Makalipas lang ang ilang linggo ay nagsimula na muli ang pasukan at nagsimula na sila ng kanilang buhay bilang grade 12.

Pagbaba pa lang ng tricycle ni Jervy ay sinalubong agad siya ng mga babae at nakatanggap nanaman ng kung ano ano.

Pagpasok niya sa gate ay nakita niya si Wes na pinagkakaguluhan din ng mga babae nang pupuntahan na sana niya ito ay dumating si Feng at sinabi na sabay na sila papasok. Tumahimik lang si Jervy at sinabi naman ni Feng na alam na niya na wala na sila ni Wes. Tinanong siya ni Jervy kung paano niya nalaman. Sumagot nmn siya na alam na ng ang lahat. Tinanong din niya ito kung bakit sila naghiwalay ngunit hindi sumagot si Jervy at sinabi naman ni Feng na ayos lang kung ayaw niyang sabihin at pumasok na sila.

Nang magrecess na ay pumunta na sa Canteen si Wes kasama si Jeck. Habang namimili sila ng makakain ay nakita ni Wes ang isang babae na napakaganda, napakasexy at napakaputi. Tinanong niya si Jeck kung sino yun at sinabi nito na hindi niya ito kilala ang alam lang niya ay bago itong studyante na galing sa ibang school at humss din ang track pero ibang section lang. Hindi matanggal ni Wes ang tingin niya dito at nagtanong tanong siya para malaman ang pangalan nito.

Hanggang kinabukasan, pagpasok muli nila sa kanilang paaralan ay sinabi ng teacher nila Wes na merong isang studyante galing ibang section na ililipat sa kanila. Bumulong si Wes na sana ito ung nakita nila na babae. Umaasa rin si Jeck na sana siya nga yun. At pinapasok na ito ng kanilang teacher at ang babae nga na nakita nila sa Canteen ang kanilang bagong kaklase.

Nagpakilala ito sa kanila at sinabi na ang pangalan niya ay Serena Lily Fesco ngunit tawagin na lang daw siyang Serena at tumayo ang isang kaklase nila Wes at sinabing "pwede bang baby na lang?" at nagtawanan ang lahat tumayo naman ang isa pa nilang kaklase at sinabing "pwede bang apelyido ko na ang gagamitin mo?" at tumawa muli silang lahat at pinaupo na siya ng kanilang teacher at pinaalis ni Wes si Jeck sa tabi niya at duon pinaupo si Serena.

Naging magkaibigan silang dalawa. Isang araw ay nakita sila ni Jervy sa canteen na kumakain ng sabay at nilapitan ito ni Jervy ngunit pigilan siya ni Feng at ng mga kaibigan niya. Nakita ulit sila ni Jervy sa library na nagaaral ng magkasama at binalak ulit niya itong puntahan ngunit pinigilan muli siya ng mga kaibigan niya at hinila ito palabas ng library. Nang pumunta naman sila sa gym ay nakita nanaman nila si Wes duon at kasama nanaman si Serena ngunit hindi na ito pinuntahan ni Jervy dahil nakita niyang mukha masaya naman sila dun.

Nang maguwian ay hinintay ni Jervy si Wes sa gate ng school nila at ng nakita niya ito ay magkasama nnmn sila ni Serena kaya umalis na lang ito at umuwi.

Nang makauwi ito ay agad nitong hinanap ang pangalan ng babaeng kasama ni Wes at nahanap nga niya ito sa Facebook at tinignan lahat ng impormasyon tungkol sa kay Serena ng makita niya ito ay wala naman siyang nahanap kundi puro maaayos na impormasyon. Nalaman niya na isang honor student ito, isang club president noon, isang dancer at singer at sumasali rin sa ilang mga beauty contest. Nang makita niya ang mga ito ay naging masaya na lang ito para kay Wes dahil mabuting babae naman pala ang akala niya'y pinalit na sa kanya.

Nang sumunod na araw ay nakita niya si Wes na nagiisa. Nilapitan niya ito at kinausap tungkol kay Serena tinanong niya ito kung sila na ba at kung mahal niya ba talaga ito.

Sumagot si Wes ng "Ano bang pake mo?" at umalis na ito.

Bumalik si Jervy sa classroom nila at habang nagkaklase sila ay nakita niya na si Wes ang nagtuturo sa kanila pumikit ito at kinamot ang mata, at pagmulat niya ay nakita niya ang kanilang guro at imahinasyon lamang pala niya ang kanyang nakita. Pagtingin naman niya sa bintana ay nakita nanaman niya si Wes at pumikit muli siya at pagmulat ay nawala ito.

Tinawag siya ng kaklase niya para humiram ng correction tape at pagtingin niya ay si Wes nanaman ang kanyang nakita at pumikit ulit ito at kinamot ang kanyang mata at pagtingin niya ay ang kaklase na niya ang kanyang nakita. Inulit ng kaklase niya na humihiram ito ng correction tape at pagbigay niya nito ay nakita niyang si Wes ang lahat ng kanyang kaklase at nagtaas siya ng kamay at sinabing pupunta lamang ito sa cr.

Destiny: Undestined (It's maybe a love story after all)  [bxb] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon