3rd Escape

28 2 0
                                        

Ano kaya sa feeling yung mamatay?  I wonder kung totoo yung mga sabi sabi na yung mga kaluluwa eh mapupunta sa porgatoryo o Di kaya mananatiling ligaw dito sa mundo. Yung mga napapanood ko kaya sa mga movies o nababasa sa mga libro? Totoo kaya yun? Sana kung patay nako gusto ko yung parang natutulog lang at ma stuck sa magandang panaginip at wag nang magising. Sana ganun nalang. Para masaya. Para Hindi ako aware na wala na ako. Para Di ko makita sina mommy na umiiyak. 

"Reverie! Alas dyes na nang umaga! Bumangon Kana jan! "

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko Nang marinig yung sigaw ni mommy sa labas. Huminga ako ng malalim at hinawi ang kurtina sa aking gilid. Napatakip ako ng aking mga mata ng biglang tumama ang sikat ng araw sa aking mukha. Napangiwi ako at dahan dahang binuksan ang aking mga mata, inunat ko ang aking isang kamay sa bintana patungo sa liwanag ng araw. It feels warm. I let out a chuckle and bit my lip as I saw my reddish knuckles. Meron itong ilang sugat pero hindi rin naman halata. Hayst.

Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa cr para maligo. Another tiring day.

Nang matapos ako sa pag ligo at pag ayos ay kumain na rin ako ng almusal para maka baba na ako sa store. 

Naka maong lang ako na shorts at black fitted shirt. Nang nasa baba na ako ay tinawag kaagad ako ni mommy kaya dumiretso ako sa kanya.

"ihatid mo muna tong mga inorder na mga Tupperware malapit sa bayan"
Busy si mommy sa pag ayos ng malaking bag at pagcheck sa isang notepad habang nakatayo lang ako sa harap niya.

Gusto kong sumigaw na ayoko kasi andaming tao sa bayan ayokong makakita ng maraming tao ngayon. Isa na itong store namin sa comfort zone ko kaya feeling ko pag lumabas ako dito nang labag sa kalooban ko eh matutunaw ako. Wala ako sa mood ngayon! Nakakainis! my social anxiety is eating me right now. Help

"oh bakit ka ganyan makatitig?" nagtatakang tanong ni mommy sakin

Umiling nalang ako at kinuyom yung mga kamay ko. Umigting yung panga ko habang nakatingin sa malaking bag na nasa harap ko. Fvcking tupperwares Tssss.

"pumunta ka sa gilid ng simbahan sa harap ng Plaza nandoon si ninang Jena mo ihatid mo to sa kanya kasi bukas niya na ito ibibigay sa mga nag order " nakinig lang ako kay mommy habang nakatingin sa Kanya at walang ganang tumango. Binigyan niya ako ng perang pamasahe at sinabihan na mag ingat bago ako tuluyang makaalis.

Nakabusangot ang mukha ko habang bitbit ang malaking bag na puno ng Tupperware at naiinis ako kasi ang bigat at ang init pa. Antagal ng jeep kaya naghintay ako ng ilang minuto bago makasakay.  Dalawang kamay ang ginamit ko para maka akyat sa jeep at nag excuse sa mga ibang pasahero. I'm sweating like a pig and I fvcking hate it. Nang malapit na ako sa Plaza ay pumara na ako sa driver para makababa at naka ilang mura ako kasi nahirapan akong lumabas sa jeep pero buti nalang May ibang pasahero na tinulungan akong ipalabas yung bag. I swear I'm gonna burn this bag pag nairita ulit ako.

Huminga ako ng malalim habang naglalakad papunta sa simbahan. Mabagal akong humakbang kasi nahihirapan ako sa bitbit ko. Nang nasa Plaza na ako ay maraming tao ang nandoon kaya napasimangot ulit ako.  Kaya lang napahinto ako ng makakita ako ng isang mascot sa gitna ng Plaza it's a big fluffy Panda at ang cute niyang tingnan! Naisip ko tuloy yung nasa bucket list ko. Gusto kong maranasan ang pagiging mascot pero Hindi ko alam Kung paano kaya napa buntong hininga nalang ako. Napangiti ako habang nakatingin sa mascot na nilalaro yung ibang bata ang sasaya nilang tingnan, nang nilibot ko ang paningin ko nakita ko ang masasayang ngiti ng mga tao sana ganun lang kadaling sumaya. Napatingin ulit ako sa mascot na ngayon ay nakaharap na sa akin at nakatitig din ugh.

Nabigla ako ng kumaway sa direksyon ko ang mascot Kaya napatakbo ako ng paika ika sa gilid ng simbahan at agad kong nakita si ninang Jena. fvcking Panda! Ang creepy

"ninang! " I called her with my dry mouth. My heart is still beating really fast

"oh! Rev naku salamat! Mukhang napagod ka pa! " kinuha kaagad ni ninang ang malaking bag sa akin kasi humihingal parin ako

"okay lang po ninang " I said while catching my breath

"sige sabihin mo nalang Kay mommy mo na salamat ha, Gusto mo ba munang sumabay sakin mag meryenda? " tanong niya Kaya agad akong napailing at sinabing uuwi na ako. Ganun din si ninang hindi na niya ako pinilit pa at nauna siyang umalis.

Huminga muna ako ng maluwag bago sumilip sa gilid para makita sa Plaza Kung nandoon parin yung creepy na mascot pero mukhang wala na siya napabuga naman ako nang  hangin pero nabigla ako ng merong kumalabit sakin mula sa likod kaya napatalikod ako.

"potangina! " sigaw ko habang nakahawak sa puso ko! Pota sino bang Hindi mabibigla kasi yung mascot lang naman yung nasa likod ko nag gesture sya na natatawa kaya tiningnan ko siya ng masama

"anong kailangan mo!? "singhal ko sa kanya pero napailing siya at Bigla naman siyang umacting na tumatakbo na parang ginagaya yung ginawa ko kanina. Is this fvckng Panda mocking me? Ggo pala to eh! Tiningnan ko siya ng masama at humalukipkip sa harap niya.

Tumaas ang kilay ko nang ginaya niya ulit ako. Ano bang problema ng isang to tssss. Whatever wala akong oras para dito. Inirapan ko sya at tumalikod para maglakad na pauwi pero naramdaman ko na ganun din yung ginawa niya. Nagsimula nang kumulo yung dugo ko dahil sa bwist na ito. Nakailang hakbang na ako papunta sa Plaza nang tiningnan ko siya sa likod ko pero ginaya niya ulit ako kasi tumingin din siya sa likuran niya. Ugh

"can you please stop pestering me?! The hell"

singhal ko at naglakad muli pero sinundan niya parin ako kaya napakuyom yung mga kamay ko at bigla akong tumakbo ng mabilis pero tangina tumakbo rin yung mascot kasunod ko! Inis akong nakatingin sa likod ko at napamura nang di ko namalayang may narinig akong malakas na busina kaya napaharap ako at lumaki yung mga mata ko ng makita ang isang motor papunta sa akin kaya napatigil ako at biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Ito na ba? Mamamatay na ba ako? Is this really the end? Pero hindi ko pa nagagawa yung bucket list ko! Pumikit ako ng mariin at hinintay ang impact ng motor nang naramdaman kong may humila sakin at natumba sa isang malaking tiyan na black and white.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang nawalan ako ng hangin dahil sa nangyari. Nakita ko yung driver ng motor na bumaba at lumapit samin meron na ring ilan na naki usyoso mga chismoso Tssss.  Pero parang wala akong marinig nang napatingin ako mascot ng Panda na nasa ilalim ko. Kung gugustuhin ko mang mamatay gusto ko ako lang! Kaya bigla akong kinabahan kasi baka anong nangyari sa isang to

"oh shit! " impit kong sigaw tyaka bumangon agad.  Tinanong kami ng driver Kung okay lang kami pero isang tango lang ang ginawa ko at napatingin sa mascot na unti unting kinuha yung ulo ng Panda na suot niya May ilang tinulungan siya pero nabigla kaming lahat ng makarinig kami ng malakas na tawa

"that was fun! " natatawa niyang saad at bigla siyang umupo at napatingin sa akin na natatawa

It's him. He's really weird and creepy the fvck is wrong with this guy!?

Xoxo
Crushylove

Escaping ReverieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon