2nd Escape

36 2 0
                                        

I was busy chewing my bubble gum and keep on blowing it until it pops . It's 3o'clock in the afternoon at ako ang nagbabantay as a cashier dito sa store namin at meron kaming dalawang alalay para sa pag ayos at bantay ng mga tinda sina ate Salbie at ate Lilya mababait naman sila at okay kasama kaso I'm not really comfortable kaya minsan lng kami nag uusap kapag may itatanong sila sakin o sila ang Mag initiate na makipag kwentuhan pero di rin ito nagtatagal kasi wala akong gana. Si mommy ay pumunta sa kabilang bayan kasi may bibilhin sya daw at Hindi ko alam Kung ano man yun. Nang maka uwi ako kahapon ay pinag sabihan ako ni daddy sa buhok ko dahil mukha daw akong adik pero si mommy nabigla lang nung makita ako sinabihan nila ako na sana daw nagpaalam muna ako sa kanila kaya nga di ako nagpaalam kasi hindi rin naman nila ako papayagan duh.

okay lang wala din naman silang magagawa kasi ganito na yung buhok ko oh well whatever.

Mejo mangilan ngilan rin yung pumapasok dito sa store para bumili kaya Di naman nakakabagot pero right now wala pang pumapasok para bumili kaya kinuha ko yung phone ko sa Mesa at nagsimulang buksan yung twitter account ko. Meron din akong facebook and instagram but my twitter account is kinda personal kasi dyan lang ako makakapag rant nang totoo kong damdamin at Kung ano yung totoong ako. No one knows me in twitter at walang nangengealam and I'm fine with it it's like my comfort zone tuwing nasa kadiliman ako doon ako malaya.

"bored and tired of this sht "

I tweeted and started to browse. A few minutes later my phone vibrated then I saw a notification that someone liked and replied to my tweet. Kaya agad ko itong binuksan . At tama nga ako. It's him again tsssss. Last month lang nag umpisang may nag reply sa mga tweets ko sa 19 ko na mga followers sa twitter sya lang ang palaging nag l-like at reply sa akin.

@ Aurelion
replying to @ ReverieG.
"W"

My forehead creases as I read his reply so I immediately tap on my phone ngayon lang ako nagka interes para mag reply sa kanya

@ ReverieG.
replying to @ Aurelion
"do I know you?"

tssss feeling close duh Di ko naman kilala. Umiling nalang ako sumimangot ng bigla ulit nag vibrate yung phone ko

@ Aurelion
replying to @ ReverieG.
"No. But I want to know you :)"

I scoffed and rolled my eyes tsss what a dck tsktsk boys.

I just tap the like button to his reply and ignore it. I didn't bother to reply wala namang kwenta.

I keep on browsing my feed nang biglang may naglapag ng dalawang potato chips at isang 1.5 litre ng coke sa harap ko kaya naman binaba ko yung phone ko at pinunch yung mga binili nya Hindi nako nag abalang tumingin sa bumili kase wala akong pakealam.

"P114.50" sabi ko at hinintay yung bayad niya napatingin naman ako sa labas ng makitang umuulan na naman. Kaya bigla kong naalala yung nangyari kahapon nung sumilong ako. Naalala ko ulit yung lalaki na naka hoodie ugh what a creep. Kaya napailing ako at napatingin sa counter at kinuha yung bayad ng bumili. Agad ko itong sinuklian at nilahad sa bumili kaya napatingin na ako sa kanya. He's wearing a black hoodie at nakatingin saakin ang dalawa niyang mga mata Hindi ko alam kung anong klaseng titig ang binibigay niya saakin kaya agad akong napakurap nang makilala yung mukha niya kasi siya yung lalaki kahapon suot niya parin yung ensaktong hoodie niya na itim.

"you should smile often, mas bagay sayo" kinindatan nya ako at napangisi sa mukha ko bago sya tuluyang umalis tanging tunog lang nung charms na nakasabit sa pinto ang narinig ko at unti unting nag sink in yung sinabi nya.

He's really creeping the sht out of me tangina tumindig mga balahibo ko doon ah.

----

"punyeta! Edi mamatay! "

"ano bang pinagsasabi mo!? Para kang demonyo! "

"ah yan pala yung tingin mo sakin!? Gusto mo talaga makakita ng demonyo!? Ha!? "

"tumigil ka na nga! Palagi ka nalang lasing Kung ano anong lumalabas sa bibig mo! "

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim nang marinig na naman ang sigawan sa labas ng kwarto ko. Alas otso na nang gabi at ang ingay ingay pa nila! Sinuot ko yung headset ko at pinlay yung album ng twenty one pilots then inopen yung twitter ko

"only darkness calms my mind"

I tweeted and went to my facebook account. I was busy scrolling down my feed when my door suddenly swung open na ikinabigla ko kaya napa upo ako

"kanina pa kita tinatawag reverie ha! Kakain na tayo! Puro ka nalang cellphone! " iritang sigaw ni mommy sabay bukas ng ilaw kaya napapikit ako

I groan in reply tsaka sinarado ni mommy ng malakas yung pinto ng kwarto ko.

"fvck! " impit kong sigaw sabay sabunot sa sarili ko pota naiinis ako Kung nag away silang mag-asawa wag nilang ibuntong yung galit nila sakin

Padabog kong hinagis yung headset ko at tumayo ng nag vibrate yung phone ko at Hindi ko na sana pa ito papansinin ng makita Kong nag reply ulit yung Aurelion sa tweet ko. Biglang nagsalubong yung kilay ko habang inopen ko ito para tingnan

@ Aurelion
Replying to @ ReverieG.
"need someone to light you up? "

Mas lalo akong nainis hindi ko alam Kung bakit pero masyado syang pakealamero.

Pinatay ko yung phone ko at lumabas na nang kwarto. Tahimik na sila sa Hapag kainan kaya napa irap nalang ako at dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay .

The atmosphere in this fvcking house is suffocating me.

Xoxo
Crushylove

Escaping ReverieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon