01: New Genesis

2 0 0
                                    


Around 4 am umalis na ako ng subdivision namin para bumyahe pa Manila. 9 am kailangan ay nasa opisina na ako.

The road is clear,mabilis ang naging byahe at maaga ako nakapasok ng tollway. Umilaw ang screen ko ng tumawag si Just.

Justice/Just is my colleague in the company. He's an architect in the company for 3 years, same as mine.

"Engineer!" Bungad niya sa akin sa kabilang linya while my eyes are on the road.

"Nasa Turbina ka na? Isabay mo naman ako"

"Malapit na ako. Nakikita na kita"  He's standing in a waiting shed with his uniform like mine.

Tumigil ako sa tabi at ibinaba ang bintana ng passenger seat.

" Yes! good morning Engineer!" Bati ni Just at sumakay." Pre, diretso na tayo ng site alam na sa office yun. Nagpaalam na ako kay boss."

"Binola mo na naman si  boss, siguro pinopormahan mo si boss." pang aalaska ko sa kanya.

" Gago, may asawa na si boss. Ayaw ko ng sabit pre."

9 am nang makarating kami sa site sa Quezon City. Isang mall ang itatayo dito, another mall branch ng company. I parked the car at bumaba para kuhanin ang mga gamit na nasa compartment.

" Good morning Engineer!" Bati ng isang worker, ngumiti ako at binati din siya. Everyone are starting to work, 75% of this building is already built.

Pumasok na ako sa barracks at inayos ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa.Madaming nakatambak na mga blueprint at mga papel sa mesa ko dahil sa mga revision at estimates.Nasagi ko ang litrato namin ni Geneve.

It's been a year since we broke up.

Napatingin si Just sa akin nang makita niya ang basag na picture frame.

"Ngayon lang nabasag?" Umiiling niyang komento habang may nakakalokong ngiti.I know there is sarcasm in his words. He knows my 8 years relationship to Geneve.

8 years with Geneve.

Biglang bumukas ang pinto ng barracks at nakatayo doon si Arman isa sa mga worker ng construction na ito.

"Mga boss, andito na po yung mga order na tiles" Napatingin si Arman sa basag na picture frame at nakatambak na mga papel."Boss Chro,  may mga bagay na dapat na pong pakawalan"

"'Yan, kaya saludo ako sa iyo kuya Arman" natatawa na sabi ni Just. "Minsan makinig ka kay kuya Arman, baka may mapupulot ka na love tips"

Natatawa na lumabas si Arman para bumalik na sa trabaho.

Arman is our construction partner noon pa man, kaya kilalang kilala niya kami ni Just.

Nilinis ko na ang mga kalat at itinapon ang mga bubog ng mga nabasag.

Pero itinago ko ang picture namin ni Geneve. I will always keep her.

Napailing si Just nang makita niya na itinago ko parin ang picture na iyon at lumabas na sa barracks. That picture was our 1st anniversary, we are smiling with love in our eyes and being inlove with each other.

It's hard to move on, 8 years of being consistent to her, honest to her, loving her and building future with her. I almost lost myself when we broke up.

Naupo ako sa swivel chair ko para magpahinga ng konti, pinagmamasdan ang malinis ko na mesa, wala nang kalat o kaya tambak na mga papel, nakatago na din ang larawan ng nakaraan.

Lumabas na ako ng barracks at sinuot ang hard hat para mag inspect. Nakita ko si Just na kausap ang supplier ng mga tiles. Nagdiretso ako sa second floor ng building,malapit nang matapos ito.

Lumapit sa akin si foreman Deniel. "Engineer, kukulangin tayo sa semento, matatagalan pa po ba nag request para sa additional?"

"Nag request na kami para sa dagdag na semento, bukas siguro o mamaya ay makukuha na natin ang approved request para ma forward sa supplier"

Nag libot ako sa second floor kasama si foreman para mag inspect.Patapos na ang electric installation at konting finish na lang.

Bumaba na ako,para tingnan ang 1st floor. Nakita ko si Just na nagsusukat na.

"Bakit kulang ito? Bakbakin niyo ng kaunti ito"  dinig ko na sabi ni Just sa isang worker.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pumunta sa may entrace ng mall.

Labas pasok ang mga supplier namin ng mga bakal, buhangin at semento. Malapit na din matapos ito.

"Chrome" tawag sa akin ni Just. "Tara na sa office, pinapatawag tayo doon" agad na bumalik kami sa barracks at kinuha ang mga gamit namin at sumakay na sa sasakyan papunta ng opisina.

After an hour nakarating kami ng opisina at dumiretso sa kanya kanyang cubicle.

"Engineer Atienza, kamusta ang mall sa Quezon City?" Bungad ng Senior Engineer ng Department namin.

"Patapos na po, inaantay na lang po namin ang approved request purchase po para sa additional na semento"

"Sige, follow up mo sa Budget Department para makuha niyo na agad. Keep me updated " he pat my shoulders at tumango ako bago siya bumalik sa opisina niya.

Nag check ako ng mails at tinapos ang ilang floor plans na kailangan para sa ibang construction project.

"Pre, meeting daw"  Just inform me.Agad na tumayo ako at pumunta sa meeting office. Halos tatlong oras din ang tinakbo ng meeting.

6 pm ay inayos ko na ang mga gamit ko sa cubicle para makauwi na.

Habang nagliligpit ako ay nakita ko ang picture namin ni Geneve, that picture was taken wayback on our college days. We are so young and full of dreams together, we promised to fulfill our dreams with each others side but look at us now, we fulfill our dreams but ended up not together.

I remove the picture in my board and slip it on my drawer at umalis na ako.

4 hours of driving from office to our home and thoughts fill the silence in my car.

8 years of relationship ended a  year ago, parang kahapon lang noong umalis siya at iniwan ako. I tried to move on kaso hangga't pinipilit ko na lumaya bumabalik ako sa umpisa na nakakulong ako sa kanya kaya hinahayaan ko na lang ang sarili ko.

She's happy now with her new found home,new found partner and starting to build a family. She glows differently with her new partner and I should be happy for her kahit hindi na ako yung nasa tabi niya.

Maghihilom din ang sugat na ito at makakabangon ako,magiging masaya katulad niya. Mahahanap ko din ang saya na nakita niya, pagmamahal na natagpuan niya at kalayaan na nahanap niya.

Magsisimula ulit sa simula ngunit bagong kabanata.

I am Engineer Chrome Atienza matibay at matatag katulad ng mga itinatayo kong gusali.



Raison 'd etreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon