8 : Babysit the Living Doll

22 5 0
                                    

Austin Alderdice

A month ago, hindi ako naniniwala sa mga dalikmata, bampira, at kung ano anong mga bagay na ikinuwento para mang aliw o man takot ng mga bata. Isa sa mga kinaiinisan ko ay ang mga kwento tungkol sa mga gumagalaw na manika. 

"Manika. Annika," I pondered. We were both leaning at the wall with Abraham's journal between us and a lot of unsaid words. "Seymour wala ka na bang ibang pangalan na maisip?"

"I'm a 20 something alcoholic na biglang nagkaroon ng responsibilidad sa gumagalaw na Manika. Her name is not the problem I'll focus on."

Ah. Oo nga.

"I never pegged you as an alcoholic."

"I stopped nung ginagaya na ako ni Annika." Sabi niya na may panghihinayang sa boses. "That reminds me. Alam ko na kung bakit takot si Annika sa horror movies, kahit siya na mismo plot nito."

"I'm more concerned kung paano ka nagkaroon ng manika na gumagalaw."

Nawala ang excitement sa boses niya dahil sa lackluster na pagsagot ko.

Umirap siya bago nagsalita, "Nagpapa tila kasi ako ng ulan sa sementeryo tas parang gumagalaw siya. Nakaramdam ako na mala demonyo na manika itong si Annika kaya sinunog ko. Aba pag uwi ko sa bahay andun na siya."

"You burned someone else's doll in the cemetery?"

"Binibigyan ko na sila ng pabor, Austin. Sa tingin mo matutuwa sila sa mala chucky na manika." Inis na sabi niya bago tumingin sa unahan. "Besides,  naiwan na manika si Annika. Madumi na at inaalikabok."

Namayani ang katahimikan habang iniisip ko kung anong dapat kong maramdaman. Honestly, andaming hints na manika siya. But I'm a person who once believed that such things aren't real but here we are.

Doll like face. Cool body temp. Hindi gumagalaw na facial nerves. The fact na hindi siya na cu-curse from touch.

"So, bakit takot si Annika sa horror?" Tanong ko para maibsan naman ang aking nag iispiral na isipan. I'm really putting too much on my plate kahit hindi ko pa nahahanap si Abraham and to think that I'm here to find more clues.

Humarap siya ng upo sa akin at natatawang nagkwento, "Diba sumusunod siya sakin? Eh naisip ko kung gumagalaw na manika nga ito eh wala na akong nagagawa. So naisip ko mag marathon ng mga horror movie na may manika at mga sinapian para handa na ako kung gumalaw."

I gawked at him. "Seryoso ka?"

"Oo nga. Tapos itinape ko pa sa isang kahoy para kunwari nanunuod din siya."

"Tinape? Teka nga. Are you implying that Annika was shorter then she is now?"

"Yes. Plush toy size hanggang sa unti unti siyang lumaki at naging ganyan."

"It must've been hard. Tapos ganon pa ugali ni Annika." I patted his back as we felt a glare from Annika who went in the collection room again.

"Oh you'll never know. But I'm thankful if not for her I'll be dead."

Napatigil si Seymour sa pagsasalita at blankong napatingin sa kawalan. Okay so something's at play. He'll be dead? Anong meron. Jeremiah Easton's talk ringed on my head as I saw his state.

Niyugyog ko siya at tinawag hanggang sa bumalik na siya sa katotohanan.

His eyes fluttered to me, losing the hint of sadness and a bit of regret in his eyes.

"Sorry."

I sympathetically nodded. "Something about the monster that you obey?"

He nodded and was about to say something nung biglang tumunog ang cellphone niya.

Arcanum: Polymaths of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon