12 : The Opposite of Frane Selak

17 5 0
                                    

Austin Alderdice

There's something mystical and intriguing about a man who looks like he's out of time. Granted, the world's biological clock had gone awry with men walking the streets of Manila in barong and bahags, and no one would spare them a glance except for the occasional compliments on the embroidery.

Nagbago na nga ang mundo, pero may kakaiba kay Tatay Andres at sa paraan niya ng pananamit na hindi ko matantya.

O baka dahil nalaman ko na ang amo niya ay half sirena? At may lahi ng mga sirena ang pamilya nila magmula pa ng ninuno nila at ang pamilya pala ni Tatay Andres ay matagal nang naninilbihan sa pamilya Altamirano.

Tahimik lang ang iba at walang pakialam dahil tapos na ang iniutos ni Lolo Gus. Pero ako? The man who found out these things exist like a week ago, is absolutely flabbergasted.

With obvious suspicions, pinagmamasdan ko sa dulo ng paningin ko si Tatay Andres at kung may gagawin siyang iba. Malay mo may something pala si tatay. Since andito na rin naman ako sa Arcanum, dapat makita ko na lahat ng uri ng mga creature. 

Sa katunayan nga gusto kong interbyuhin si Lolo Gus but Jeremiah almost killed me when I tried. Seymour snickered behind me kahit siya naman ang nagsabi sa akin na gawin yun.

Babalik na kami ngayon sa Arcanum dahil tapos na ang gawain namin, it means back to patrols and back to lodging around Seymour's collection room. I can go back there anytime, but the fact that I can see mermaids every afternoon here stops me from even coming back.

Kaya ngayon, I know some phrases in Japanese and Vietnamese, thanks to the mermaids who swam far just to visit us. Apparently we're popular, even more so Lolo Gus.

A half-blood mermaid.

"Maari kayong bumisita dito kailan niyo man gusto. Lalo ka na Annika." Ngumiti si Lolo Gus kay Annika, na tipid na ngumiti sa kanya. 

Annika, the living doll can now smile.

"Lo. Pwede bang tingnan ang mga photo album niyo?" Malaking ngumiti si Lolo Gus sa sinabi ko at inutusan agad si Tatay Andres na samahan ako. 

"Mabuti pang kunin mo ang ilan sa mga iyon at iuwi. May mga sulat na nakalagay sa likod ng mga litrato. Ibalik mo na lang ng maayos hijo." Ngumiti ako at sinundan si Tatay Andres, ignoring their stares at me.

My behavior wasn't deemed suspicious by the three cops, kahit na Alderdice ang pangalan ko at universally known as the craziest family, ang inisip lang nila ay kagaya ako ni Seymour na may kakaibang hilig, me being an american. They just thought I really love vintage.

And I do.

Mahina akong natapilok sa estatwa na nasa harap ng staircase at napa mura nung nauntog ang tuhod ko sa paanan nito. 

"Tatay, may gumalaw ba sa estatwa? Ang sakit ng tuhod ko," ngawa ko. Ininspeksyon ng matanda ang estatwa at napansing nagalaw nga ito mula sa posisyon nito.

"Siguro ay nagalaw ng mga bagong kasambahay. Lagi na lang itong nauusod pero ikaw lang ang nasaktan. Hindi siguro maganda ang swerte mo."

"Nanalo po ako ng bente sa scratch cards 'tay," I defended myself. Hindi ako gano'n kamalas ah. Yes, ang tatay ko ay si Abraham, and yes I had a genetic disease but, I won in terms of money and genes. 

I tried to console myself with my financial stability and having an angular face but ultimately failed when luck seems to turn her back to me at the nth time.

"That's expensive," Gideon glared at me. Tinulungan ako ni Annika na pulutin ang nabasag na china plates ni Gideon. 

Pero imbes na tulungan ako para pakalmahin ang nanlilisik na mga mata ng bampira, dinagdagan pa nito ang galit.

Arcanum: Polymaths of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon