LB18

4 2 0
                                    

Rumor

I laughed while Yolo ran tinangal ko ang kanyang shirt sa akin at hinabol siya. Tumalikod siya sa akin at nakita ko ang kanyang pag iling. Huminto siya sa pagtakbo at tiningnan ako habang ako'y papalapit.

Tinapon ko sa kanyang mukha ang T-shirt niya dahil nakatingin siya sa katawan ko.

"Shirt mo!" Kinuha niya iyon at linagay sa buhangin.

"Tara!"

He got my hand at tumakbo na kami patungo sa dagat. Naki saya kami sa mga kaibigan at lumangoy narin. Nang mapagod ay umupo muna kami sa buhangin sa ilalim nang puno.

"Tingnan mo 'yung likod mo Yolo ang pula! Hindi ka yata naglagay ng sunblock eh." Angal ko nang makita ang sun burn sa likod niya.

Bumaling siya sa kanyang balikat dahil may bakas rin dun ang ginawa ng araw sa katawan niya.

"It's okay.. Hindi naman masakit."

I shrugged at him. Lev Marie came at may dala siyang fresh buko. She gave it to us to share.

"Lily, pahiram ng cellphone mo dali."

"Why?"

"Picturan ko kayo.."

Hindi na ako umangal kinuha ko ang cellphone sa bag at binigay kay Lev Marie. Nakasandal ako kay Yolo at may hawak akong buko sa kamay. I was smiling while Lev takes a shot pero nabigla ako nang dumampi ang labi ni Yolo sa pisngi ko.

"I love you" he wispered on my ear.

Nabigla ako. That was so random for him to say. I was about to answer back when Lev Maria squealed. She was giggling while raising my phone up.

"Ang ganda ng kuha ko! Pwede na akong maging freelance photographer for couples."

Nabaling ang attention ko sa kanya at dahil sa sinabi niya. Yolo was still waiting for my reply pero kasi nakalapit na si Lev Marie hindi ako komportableng sabihin iyon kapag may ibang nakikinig.

I grab my phone to scan the pictures, it was indeed beautiful. The background and us on the center looks great. I thank her for the shot may iuupload ako mamaya I smirked.

"Yolo! Tara kain na." Someone shouted from the nippa hut.

Niligpit muna namin ang gamit at tumungo kami sa kanila. Mamaya na daw muna kami babanlaw at magbibihis. Pinasuot muli ni Yolo sa akin ang kanyang T-shirt at pumunta na sa kanila.

Tapos na kami kumain ng tanghalian at nakapagbihis narin ako. Some of his friends are playing on the beach at nagmumuni muni kami dito sa parang entertainment area ng resort. Maraming pwedeng gawin pero nakaupo lang kami sa isang couch at nanuod ng palabas.

Siguro dahil sa pagod ay nakatulog ako sa braso ni Yolo. Gumising lang nang magsabi sila na kakain ng meryenda which I love.

Lumabas kami at tumungo sa mga pinsan niya pagkatapos. They were playing a game na parang kailangan mong umikot ng ilang beses tapos tatakbo. Nakisali kami at tawang tawa kami dahil halos lahat kami gumegewang ang lakad o di kaya napapasubsob sa buhangin. Pagkatapos nang laro ay nag vovolley ball kami at ang mga lalake naman ay nag fofootball.

We watched the sunset together- his friends, cousins, Lev Marie and Me. Natapos lang ang araw ng napakabilis. Hinatid namin una si Lev tapos ay ako rin.

Nakahiga na ako sa kama and I am trying to figure out what picture should I post. Marami kasi ang kuha namin sa beach. Some of my favorite shots ay 'yung group photo naming lahat na may icing ang mukha, ang silhouette shot ko na nakatalikod at nakatingin sa papalubog na araw, ang mga selfie kasama ang mga bagong kaibigan pero ang pinakapaborito ko ay ang kuha ni Lev Marie.

Love, BeholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon