CHAPTER THREE

1 0 0
                                    

Alasa sais natapos ang aming klase at ngayon ay nagliligpit na kame ng gamit para makauwi na. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anong kukunin kong strand,kailangan ko nang pag-isipan itong mabuti dahil ilang buwan na lang ay gagraduate na kame bilang Junior high school. Narinig ko ang mga bulungan ng akin kaklase kung anong kukunin nilang strand. Biglang nagtanong si Lou kung ano nga ba ang kukunin naming strand.

"Ano kukunin niyong strand mga babae?" maayos na tanong ni Lou.

" TVL saken, pangarap kong maging Make-up artist diba, sakah dun lang ako magaling." sagot ni Jayra

"eh ikaw Asha?" tanong naman sakin ni Lou.

"Hindi ko pa alam, wala pa kong naiisip. Ikaw ba?"

"Arts and Design, Gusto ko maging artista, kotongan ko mga tatanggi sa akin pag mag audition ako." matapang na sagot ni Lou

"Bakah nga di ka pa nakakapag audition kinuha ka na nila, takot lang nila sayo."

" talaga lang, kundi malilintikan sila. Mawawalan sila ng magandang artista. Tanga lang ang hindi tatanggap sa akin"

sabay kaming natawa sa kalokohan nila, buti pa sila meron nang napili samantalang ako wala pa din. Hays, hindi ko alam kung saan nga ba ako magaling. Pagkatapos naming magligpit ay niyaya ko na silang lumabas para mag-abang ng jeep para makauwi kame ng maaga.

Saktong paglabas naman namin ay may nakaparadang jeep at nagaantay pa ng anim na pasahero. Sa aming tatlo ang unang bababa ng jeep ay si Lou, medyo malapit lang ang kanilang bahay pwede itong lakarin kaso tamad sya maglakad kaya magjejeep nalang daw sya at gusto nya din daw kami makasama, hindi daw sya magsasawa sa mukha naming dalawa ni Jayra. Sunod namang bababa ay ako, mas malayo ang bahay ni Jayra kesa saamin dalawa ni Lou kaya kung minsan hindi pa sya nakakapasok ng school ay mukha na syang stress.

Bago bumaba si Lou ay, itinaas niya muna ang kanyang gitnang daliri bago bumaba ng jeep, natawa nalang kami sa inasal ng aming kaibigan, nasanay na kaming ganyan siya palagi, yun na yata ang paraan niya para magsabi ng 'bye'.
Bumaba ako jeep kung saan ay tapat ng aming coffee shop, kumaway ako kay Jayra at katulad ni Lou ay itinaas nya lang din ang kanyang gitnang daliri. Napailing nalang ako at natawa, ang gagago ng mga kaibigan ko.

Pagkapasok ko ng aming shop ay nadatnan kong busy si mama, hindi na ito bago sa akin, agad kong binaba ang bag ko at humalik sa pisnge ni mama. Agad akong nagtaka kung bakit wala si Sarah doon dahil sa ganitong oras ay nagdadaldal na iyon sa mga customer na nagaabang ng order.

"Saan si Sarah, ma?" takang tanong ko

" Umalis sila ng ninang mo, may kikitain daw, ewan ko kung saan sila nagpunta" sagot ni mama.

"Sino naman ang kikitain niya?" taka kong tanong

"hindi ko alam sa babaeng yun at bakit kailangan pang isama si Sarah" sabi ni mama, at isinulat ang order ng isang costumer.
Pumasok ako sa C.R at kumuha ng extrang damit mula sa cabinet ng cr namin. Agad akong nagbihis at nagsimulang gumawa ng takda at pagkatapos nito ay magsisimula na akong tumulong kay mama. Mabilis kong natapos ang mga assignment ko at agad kong tinulungan si mama, sa paghahanda ng mg orders ng mga costumer dahil padami ng padami ang pumapasok na gustong magkape. sa aming shop.

"Hi ganda" ngiti sa akin ng isang binibini. Napatulala ako sa sobrang ganda niya. Maputing babae at hanggang dibdib ang straight na buhok at kapansin pansin ang tangos ng ilong nito may kahabaan din ang kaniyang pilikmata na mas lalong nagbibigay ganda sa kaniya. Nakasuot siya ng Gingham Pants at naka tuck-in doon ang kanyang Plain Black T-shirt at naka suot siya ng White colored na Pump heels kaya hindi gaanong kapansin na medyo may kaliitan ang height niya.

LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon