Ria

7 2 0
                                    

"Kuya, roon oh may isla, doon nalang muna, bahala na, may kakilala ka ba riyan?" Turan ni Ria sa bangkero, napakamalas ng araw niya, kanina pa mula ng maka apak siya sa bayan ay wala roon ang hinahanap niya.

Dahil sa inis ay napasakay siya sa isang bangka wala namang patutunguhan.

Ngunit ang sabi ng mama ay marami pa namang isla na may mga kabahayan, may iba ring may magagandang tourist attraction daw.

Nalibot na niya ang mga iyon kanina at wala naman iyong naging epekto sa kaniya. Inis parin siya sa lalaking nagtatago sa kaniya, malaki ang inutang niyon sa kaniya at napakawalanghiya dahil nagtago.

Punyeta!

Namura na ni Ria sa isip niya ang bangkero lalo na ng sabihin nitong kailangang ipahinga ang motor ng bangka.

Kasalanan ba niya iyon?! Nagbayad naman siya at ang mahal pa nga ng singil nito! Kasalanan ba niyang halos pasira na ang bangkang sinasakyan at hindi kaya ang byaheng gusto niya?!

Punyeta talaga!

Papadilim na ng makababa siya mula sa bangka, hirap pa nga sa suot niyang pantalon na tinupi pa niya paitaas para lamang makalusong sa tubig dagat papuntang isla.

Nang makaapak ang paa niya sa buhanginan ay napamura na talaga siya.

"Putang ina mo!" Aniya ng umandar paalis ang bangka.

Aba gagong iyon! Akala ko ba pagpapahingahin?!

Yamot na yamot siyang naglakad tungo sa mga bahay, may iilan doon ngunit takang- taka siya ng makitang lahat ay sarado na at ni isang tao ay wala siyang makita.

Tuloy lamang ang lakad niya kahit pagod at inis na inis na.

Punyetang buhay!

Aniya habang tinatahak ang dulo ng isla kung saan may isang malaking bahay, at sa harap niyon ay may nakatayong lalaking may magandang tindig.

Napangiti si Ria, sa wakas daw ay may tao siyang nakita, may tsansang makapagpahinga na siya, at sa isang malaking bahay pa!

Sinuwerte ata siya ng papasukin siya ng lalaki, dahil sa lahat ng bahay doon, iyon ang pinamalaki at maganda.

Kumagat na ang dilim sa labas, napanganga naman si Ria sa ganda ng bahay na napasukan niya

"Ah, salamat pala" sabi niya sa lalaki na nakatayo lamang sa may pintuan at nagmamasid sa kaniya.

Tumango lamang ito at ngumiti.

"Pupwede mo naman akong kausapin, bakit ayaw mong magsalita?" Pagpuna niya dahil kanina pa siya nagku kwento ngunit hindi ito nagsasalita.

Nakamasid lang si Ria sa mga paintings na nakasabit sa dingding ng bahay.

Nilingon niya ang lalaki ngunit wala na iyon sa likuran niya.

Kanina lamang ay narito iyon ah

Nagtataka man sa ikinikilos ng lalaki, nagpatuloy lamang si Ria sa pagmamasid at ng makaramdam ng pagod ay umupo sa pang- isahang sofa sa may sala lamang ng bahay.

Hindi naman siya umalis roon dahil hindi naman kaniya ang bahay. Nakakahiya naman kung aakyat siya second floor at pakialaman ang mga kuwaryo. Lihim na napangiti ang babae sa mga naiisip.

Biglang may naglapag ng pagkain sa harapan niya, ipinatong ito roon sa may coffee table.

"Yum, dinuguan favorite ko!" Excited niyang turan saka nagpasalamat sa lalaki.

"Sige kain ka lang" sagot nito sa kaniya ng ayain niya.

Napangiti naman si Ria dahil bukod sa guwapo ang lalaki, guwapo rin ang boses nito!

Nilantakan ni Ria ang nakahaing pagkain sa harapan niya.

"May mga kasama ka ba rito? Nasaan sila?" Pagkalipas ng ilang minuto ay tanong niya.

Masyado siyang nasarapan sa pagkain na nalimutan niya ng magsalita.

Dahan-dahan namang itinuro ng lalaki ang tiyan ni Ria.

"Huh?" Napatangang baling ni Ria sa lalaki.

Lumawak ang ngiti ng lalaki habang nakaturo parin sa tiyan niya.

Maya- maya pa ay nakaramdam si Ria na parang hinahalukay ang tiyan niya, napahawak siya roon dahil sa sobrang sakit, ngunit may nakapa siyang malambot at tila gumagalaw.

Malakas na napasigaw si Ria ng makakita ng mga bulateng nag- uunahan sa paglabas sa tiyan niya.

Dahil sa sindak ay dali- dali niyang pinagpag ang tiyan ngunit ang mga bulate ay galing talaga mismo sa tiyan niya at gumagawa ng butas mula sa loob niyon.

Nanginginig ang babae sa sobrang takot at pagkabigla habang patuloy paring hinihila ang mga bulate, ipinapagpag ang mga paa, tumitili at hindi mapakali.

Hindi makapaniwala ang babaeng napatingin sa lalaki, ngunit iba na ang namataan niya roon.

Nakangiti ito ng sobrang luwang, nakatahi ang magkabilang gilid ng labi tungo sa tainga at nakakatakot ang mga mata.

Nakatingin lamang ito sa kaniya, minsan ay pumipilig ang ulo.

Putang ina!

Huling naisip ni Ria dahil hindi na kinaya ang sakit at pandidiri isama pa ang takot na sabay- sabay niyang naramdaman.

Bumagsak ang katawan ng babae pasubsob sa kaninang marmol na sahig na ngayo'y naging kumunoy.

Puno ito ng bulate dahil maging sa bibig at ilong ay lumabas narin ang mga iyon.

Literal na kinain ng lupa ang babae.

May nalimutan din ata,

Kapag pupunta ka sa ibang lugar, dapat ay may kaunti kang kaalaman tungkol don, uso pa naman ang aswang at kung ano-ano pa. Mag-ingat ka, hindi mo sila kilala.

Tinawan lamang iyon ni Ria noon, akalain mo yun, huling gabi na pala niya, puno pa naman ng inis at galit ang puso niya... sayang.

MIDNIGHT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon