"Oh? Akala ko ba midnight story? Eh anong oras palang ata yun? Wala imbento ka" sabi ni Phary kay Cleo na katatapos lamang magkwento.
Nakaupo ang mga magkakaibigan sa sala ng bahay nina Gaia sa probinsya, nag- aya kasi itong magbakasyon para naman mawala raw ang stress nila sa trabaho, ito ang unang gabi nila kaya naman napagplanuhan nilang magkuwentuhan muna para kahit papaano ay nakakapagpahinga parin sila.
Tumawa lamang si Cleo sa kaibigan, "Atleast gabi parin" mayabang nitong sabi.
Tinaasan naman ito ng kilay ni Jared na katabi nito at nakayakap sa baywang niya.
"Ah, pati ikaw hindi nagandahan sa kwento ko?" Baling ni Cleo sa boyfriend niya.
"Bakit may kuwento ka pa bang iba, may mas maganda ba?" Baling muli nito kay Phary na nasa harapan niya.
"Baka si Gaia mayroon" kibit balikat na baling naman ni Phary kay Gaia na kalalapag lamang ng mga pagkain sa harapan nila.
"Actually, narinig ko na ang mga kuwento na yan" umiikot ang matang turan nito.
Napaismid ni Cleo, nagpapa good shot pa naman sana sa boyfriend niya. Wala eh, bokya!
"Alam niyo ba na ang kuwentong iyan ay talagang kinatatakutan daw noon?" Dagdag ni Cleo, pambawi.
Tinanguan naman siya ni Gaia pero si Phary, natatawa parin sa kaniya.
Tumayo si Jared at kumawala sa pagyakap kay Cleo saka nagpaalam na inaantok na at matutulog na.
Naiwan ang tatlong babae sa sala at patuloy parin ang pagkain.
"Hindi ba nandito ang lola mo? Bakit hindi siya ang magkwento sa atin" baling ni Phary kay Gaia na may hawak na cellphone.
"Oo nga" dagdag ni Cleo habang nagpi picture na kalat na gawa nila.
"Ganon din ang ikukuwento ni lola eh mula bata ako yun na ang narinig ko, walang bago" umiiling na sabi ni Gaia, habang kumakain na ng pizza.
"Bakit gising pa kayo? Sana natulog na kayo" bigla namang may pumasok na matanda sa sala, ang lola ni Gaia nagmadali naman ang huli upang alalayan ito ngunit hindi na tumuloy sa paglakad.
"Bukas niyo nalang iyan ayusin" sabi nito saka nagpagiya na kay Gaia papasok sa kuwarto.
Tumingin sa oras si Cleo at nakitang alas- onse na ng gabi.
Naunang umakyat si Phary, naiwan si Cleo kaya siya na lamang ang nagligpit.
Natapos siya ng mag alas- dose.
Hating gabi na at antok na antok na siya.
Humihikab na pinihit niya ang pinto pabukas ngunit ganoon na lamang ang gulat ng maabutan si Jared na nakapatong kay Phary, parehong hubad at mainit ng nagtatalik.
"Ganiyan ang totoong sikretong inihahanda ng gabi" nawalan na ng pagkakataong umiyak at masaktan si Cleo dahil agad siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses.
Natanto lamang niyang mali ang desisyong iyon ng halos mabuwal sa kinatatayun dahil sa diretsong pagtarak ng kutsilyo sa tiyan niya.
Ngumiti ang matandang kanina ay uugod-ugod ngunit puno pa pala ng liksi, gayundin ang apo nito mula sa loob ng kwarto, may hawak ring dalawang kutsilyo.
May nalimutan din ata ang tatlo...
Huwag magkukwento ng kung ano- ano sa gabi, kung ayaw mo itong mangyari sa iyong sarili...
End
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT STORY
Short StoryWhat do you usually do at night? Let's say...starting from 12 midnight ? Are you... in a deep slumber? Or not? Either which is your answer, I will still ask you. Do you want to hear... a midnight story? (The story is kinda confusing, as of the momen...