Chapter 34: Memories Keeps Hunting Me

645 15 3
                                    

Tzuyu's POV

Pagkabasa ko palang dun sa lugar kung saan gustong makipag kita ni Bambam ay bigla nalang akong nanlamig.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natakot at kinabahan dahil bukod sa nasa kamay niya ang taong mahal ko ay yun din ang lugar kung saan nangyari ang insidenteng pilit kong ibinabaon sa limot.

Dahil sa tuwing naaalala ko ang nangyari nung bata palang ako ay kusa nalang nanghihina at hindi makapag function ng tama ang katawan ko dahil sa trauma na inabot ko sa aksidenteng nangyari sa akin at sa pamilya ko 12 years ago..

Pero kapag naiisip kong andun si Mina.. Kailangan kong iset aside muna lahat ng takot at kabang nararamdaman ko dahil ako lang ang pwedeng tumulong at mag alis sa kanya dun

Kahit gustong gusto kong magpatulong sa mga kaibigan ko lalo na sa parents ko dahil higit kahit kanino ay sila ang nakakaalam kung ano ang nangyari nung araw na iyon ay hindi ko magawa dahil ayokong malagay lalo sa panganib ang buhay niya..

At kabilin bilinan din nung baliw na lalaking yun na wag na wag daw akong magsasama kahit na sino kaya no choice ako kung hindi harapin itong mag isa..

Bahala na kung anong mangyari sa akin ang mahalaga ay mailigtas ko si Mina dahil hindi ko alam ang gagawin kapag may nangyaring masama sa kanya

Isa pa nangako ako kay hyung na babantayan ko ang kapatid niya kahit na anong mangyari.. So it's now or never Tzu.. Brace yourself dahil hindi mo alam kung anong naghihintay sayo pagdating mo dun

Basta ang main goal is mailigtas si Mina at any possible way..

Nakaharap ako ngayon sa malaking mirror sa kwarto ko habang inaayos ang sarili ko

Naglagay ako ng bullet proof sa katawan ko then saka ko pinatungan ng hoodie para hindi masyadong obvious at isipin ng mga kalaban na hindi ako prepared.. Then Naglagay din ako ng pocket knife sa back pocket ko for protection and lastly yung pistol na binigay sakin ni Dad

I never imagine na dadating ang araw na gagamitin ko ang bagay na ito pero mas mabuti na yung handa kesa naman wala akong kadala dala pagpunta dun

Hindi naman ako super hero na may powers na kayang maka talo sa mga kalaban kung sakali kaya mabuti na yung may ganito in case na magka gipitan

Matapos kong ilagay ang pistol sa belt ko ay nag suot nadin ako ng cap para hindi gaanong expose ang itsura ko dun

Nang masatisfied na ako sa itsura at mga dala ko ay tumingin muli ako sa salamin then saka ko hinalikan ang picture frame na nasa side table ko kung saan andun ang family picture namin saka nag sign of the cross para humingi ng guidance sa gagawin kong ito..

Kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko saka palihim na umalis ng bahay dahil alam kong sa mga oras na ito ay naghahanda na ng dinner si Mom at ayokong maabutan niya ako kaya naman dali dali akong lumabas ng hindi nila nahahalata maging ng mga maids and guards namin

After 30 mins of driving ay nakarating nadin ako sa labas ng Yacht club na halos 12 years kong huling nakita. Madami ng nagbago sa lugar dahil may mga nakatayo nading stalls and restaurants sa paligid and mas dumami din ang yacht na naka park

Dun ako nag park sa pwesto na hindi gaanong makikita basta basta then saka ko nilibot ang lugar para hanapin kung nasaan si Mina

After ko icheck ang harapan na part ay mayroon akong nakitang bukas na ilaw dun sa may storage room ng yacht club then nung medyo lumapit ako ng konte ay naaninag ko ang babaeng nakatali ang kamay at paa sa upuan habang may piring ang mga mata at halata mong wala itong malay dahil hindi ito makabalanse ng maayos

Cold Heart Warm Love (MiTzu) Where stories live. Discover now