🥀Rose 'n The Sun Part 1🥀

58 25 11
                                    

Rose 'n The Sun
A Short Story (With parts)
Written by: Kitten_Gray

Rose 'n The SunA Short Story (With parts)Written by: Kitten_Gray

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




🥀Revising Completed🥀

Part 1
A bully?

Flor Arrose Hermosa's POV

"Psst!" Napalingon ako kay Vaegan nang sitsitan nya ako mula sa upuan n'ya, nagmamadali s'yang ilagay ang mga gamit n'ya sa bag at lumapit sa upuan ko.

"Sa Dan Bonifacio tayo mag-lunch ngayon, tutal sa Dan Bonifacio building din ang next class natin." nakangiti n'yang aya sa akin, tumango naman ako at isinukbit na rin ang bag sa balikat ko.

Napailing ako nang tumalikod sa gawi ko si Vaegan para maunang maglakad sa akin. Kitang-kita ko kasi ang gulo-gulo n'yang notebooks sa loob ng bag n'ya, kababaeng tao hindi marunong mag-ayos ng sarili n'yang gamit tapos nakabukas pa ang bag.

Hinawakan ko s'ya sa balikat para pahintuin sa paglalakad at para maisara ko rin ang bag n'yang bukas. Kaya minsan nawawalan s'ya ng gamit dahil hindi s'ya maingat sa mga ito, kung makasalpak ng mga gamit sa bag n'ya parang basura lang na tinapon sa sako.

"Salamat, hihihi." inirapan ko s'ya nang gawin na naman n'ya ang bungisngis na lagi n'yang pinapakita sa akin. Hindi ko alam kung college student ba talaga 'to o baka may sumapi lang sa kanya na batang elementary, pero natutuwa ako sa kanya. Sa lahat ng kaklase ko s'ya lang ang kilala ko, bukod doon s'ya lang din ang naging kaibigan ko. Ganoon naman talaga kapag hindi ka mayaman diba? Hindi ka lalapitan kasi tingin nila sa 'yo wala kang pera, kapag wala kang pera wala silang malalapitan kaya hindi ka nila kakaibiganin. Iniisip din nila na hindi mo kayang sumabay sa mga lakad nila like gala sa mall, movie marathon sa ganito at higit sa lahat ay tinatawag nilang TTOTD o Toka-Treat of The Day kung saan kapag nakasali ka sa grupo nila kasali ka na rin sa mga manlilibre. Gagawin ka nilang wallet at kailangan mong gastusan ang lahat ng bibilhin nila sa araw ng TTOTD mo. Kapag di ka mayaman wala ka ring ganoong kaibigan.

"Dito tayo, Flor!" hinila ako ni Vaegan habang tumatakbo dahil iisa na lang ang table na bakante dito sa Dan Bonifacio Cafeteria.

*Sigh* buti na lang walang nakipag-agawan sa amin ngayon, usually kasi sa mga ganitong Cafeteria sobrang dami ng istudyante. Hindi ka pwedeng basta-basta ka lang man dadarang para makaupo, maraming tao sa University ang kailangan mo lang ay maunang maupo para sa'yo na yung table.

"Ako na ang bibili ng lunch natin, hintayin mo ako dito." tumango ako sa kanya at sinundan na lang s'ya ng tingin. Nang makipagsiksikan na s'ya sa mga kapwa istudyante ay kinuha ko na ang bag n'ya at nilabas lahat ng gamit n'ya.

Nakasanayan ko nang mag-ayos ng gamit kahit hindi sa akin basta alam akong magulo, bago pa man s'ya makabalik sa pwesto namin ay naibalik ko na rin ang bag n'ya sa kinauupuan n'ya.

🥀Rose 'n The Sun🥀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon