Naka upo kami ngayon dito sa loob ng foodcourt. Magkatabi kami ni Frank habang sina Lucas at Lance ay nasa harapan namin. Tapos si Shine naman ay nasa center. Hinihintay namin yung order naming pagkain.
Bigla akong napatanong sa kanila.
"Btw, bakit ang daming tao dito sa school? Ano bang ganap?"
"Di rin namin alam eh" sagot ni Shine.
"Teka, wait lang magtatanong ako"Nagtanong-tanong si Shine kong anong ganap sa school.
"Hello po? Alam niyo po ba kong anong ganap sa school?" Tanong ni Shine sa isang babae.
"Meron po kaseng seminar ng mga IT students" sagot nong babae.
"Ahhh... sige po samalat"
Kaya pala ang daming tao may seminar pala. Akala ko may birthday.
Maya-maya dumating na yong order namin.
"Limang lomi po?" Tanong nong waiter.
Napatulala ako sa waiter pati rin si Lucas at Lance. Grabe ang gwapo ng waiter tapos ang laki pa ng katawan.
"Opo, dito po" sagot ni Shine.
Inilagay na ng waiter yung pagkain sa lamesa. Kong pwede lang orderin si kuya baka siya na yong umagahan ko hahaha. Napaka landi ko naman hayyystt!
"Anong oras na?" tanong ko sa kanila.
"Eh 8:30 magsisimula klase natin""Anoo? 8:30? Hindi ba 9:30?" Padabog na salita ni Shine.
"Oo nga... 9:30 naka sulat sa notebook ko" wika ni Lucas.
Nagpipilitan kaming tatlo. Habang si Frank naman ay nanahimik hanggang kanina. Tapos biglang siyang nagsalita.
"10:00 ang klase natin..." Wika ni Frank.
Napatigil kami sa pagsasalita. Nagulat rin kami sa kanya. Bakit alam niya yung time ng klase namin. Di ko alam kong sino ba ang totoo sa amin?
"Pano mo naman nasabing 10:00 ang klase natin?" Tanong ni Shine.
"Tinanong ko na kanina si ma'am habang papunta palang ako dito sa school" sagot niya kay Shine.
"Akala ko 9:30? Hahaha!"
Confirmed talaga na 10:00 ang klase namin sabi ni Frank.
"Guys.... lumalamig na yung pagkain" wika ni Lance.
Pagkatapos ng pangyayating iyon. Kumain na kami.
9:30 na 30 minutes nalang magsisimula na ang klase namin.
Naglalakad kami ngayon papunta sa room namin. Grabe ang sarap nong lomi nila don. Sobrang nabusog kami.
"Ang sarap nong lomi nila no?" Tugon ni Shine.
"Oo nga... pati rin yong waiter! Hahahah!" Wika ni Lucas.
Tumawa ang lahat sa sinabi ni Lucas.
"Hahaha... ikaw talaga basta gwapo! hahaha" patawang salita ni Shine.
Malamit na kami sa room namin.
Makalipas ng limang minuto nakarating narin kami sa room. Grabe ang daming tao sa gym namin.
Pumunta na kami sa upuan namin.
"Huyy! Anyan na si ma'am!" Padabog ng presidente sa room.
Nagsitigil ang lahat. Mukhang masaya ngayon ang propesor namin. Dati ang sungit niya pagpapasok palang sa room namin.
BINABASA MO ANG
In My Dreams: the series(on-hold)
RomanceKUNG HILIG MO ANG BL SERIES PWES BAGAY KA DITO... First of all, gusto ko munang sabihin sa inyo na ang storyang ito may mga bagay na nangyari sa totoong buhay. Ito ay tungkol sa isang lalake na may lihim na pagtingin rin sa isang lalake. (BOYxBOY) ...