Chapter VII: 《"Enjoyable"》

18 1 0
                                    

Nandito na kami sa loob ng mall. Papunta na kami sa lemon store para bumili ng mga pagkain at gamit para bukas.

Kumuha kami ng tatlong basket na di tulak na may gulong.

Hawak ko ang isang basket tapos yung dalawang basket naman ay hawak ni Shine at Frank.

"So... ano una nating kukunin?" Wikang tanong ni Shine habang tinutulak namin ang basket.

Nagplano-plano kami na maghihiwalay na muna kami.

"Ganito nalang para mas mabilis..." wika ni Shine.

"Frank? Ibigay mo kay Lucas yang basket mo" sabi ni Shine.

"Ganito hah?! By partners nalang para mas mabilis..."
"Kayong dalawa.. Frank and Tom kayo mag partners ang kukunin niyo mga snacks" paliwanag ni Shine sabay turo sa amin.

Hinila ako ni Shine papunta kay Frank. Halos! Muntik na kaming matumba ni Frank dahil sa lakas ng hila ni Shine. Nako ito talagang babaeng to!

"Dahan ka naman Shine!" Padabog kong sabi kay Shine.

"Ayyyy!! Malakas ba?! Hahaha! Sorry beh!" Sabay peace.

Wag mo akong beh! Beh! Muntik na nga kaming matumba. Muhkang sinadya niya pero pinabayaan ko nalang ganyan talaga yan.

"Tapos dalawa naman kayo ng kambal mo Lucas.. ang bibilhin niyo ay mga frozen foods.. maliwanag!"
Paliwanag ni Shine.

Pupunta na sana kami sa aming parte kaso napaisip ako. Eh lima lang kami pano magkakaroon ng partner si Shine.

"Magisa nalang ako... tutal! Mga gamit  lang naman ang kukunin ko" paliwanag ni Shine.

Ok! Pumunta na kami sa aming mga parte.

Kasama ko ngayon si Frank. Naglalakad kami ngayon papunta sa lagayan ng snacks. Hindi kami nagpapansinan. Patuloy parin kaming naglalakad pupunta don.

Maya-maya pinansin niya ako.

"Tom? Akin na yang basket.. ako na humawak" pahinhin niyang sabi.

"Heto"

Ibinigay ko na sa kanya ang basket.
Nandito na kami ngayon sa lagayan ng snacks. Kumuha ako ng tig-iisa sa bawat snacks tulad ng piattos, chippy, at iba pa.

Masyadong mataas yung mga ibang snacks. Pilit kong inaabot yung snacks.. di kinalaunan biglang may kumaha. Humarap ako...

Si Frank pala yung kumuha nong snacks. Napatigil ako at hindi ako nakapagsalita.. magkaharap kami.

Nagsitinginan sa amin yung mga tao.

"Magjowa ba sila?~"
"Diba siya kanina yung kasama ni Bright"
"Grabe naman siya... cheater"
Sabisabi ng mga tao na nakatingin sa amin.

"Ahhhh... salamat" pahinhin kong salita tapos umalis agad ako sa harapan ni Frank.

Grabe naman sila.. kala ata nila magjowa kami ni Bright. Eh! Hindi pa nga siya nanliligaw sa akin! Hayyyyst! Mga kabataan talaga ngayon! Maissue kayo..

Inilagay na ni Frank yung mga snacks
Sa basket. Hindi ko nalang pinansin ang mga nagiissue sa amin.

Medyo marami yung snacks baka hindi namin maubos kapag pupunuin namin yung basket.

"Ano Frank? Marami na ata toh?" tugon ko sa kanya.

"Ewan ko? Ikaw bahala"

Tinawagan ko si Shine. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko.

Ringing...

"Hello Shine?"

"Oh? Bakit?"

In My Dreams: the series(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon