The Ring

37 18 55
                                    

Charlie's Point of View

Nandito ako ngayon sa beach house nina Lola Emily dahil one week akong grounded and dito ako ipina-tapon nina Mom and Dad. No wifi, no signal at mas lalong no gadgets lang naman ang lugar na pinag-tapunan sakin ng mga magulang ko. Wala na talaga akong balak na bumalik pa sa isolated na lugar na 'to simula nung unang beses akong ipinatapon dito ng parents ko, seven years ago. Wala talagang interesting sa lugar na 'to—in short, napaka-boring!. Alam talaga nila Mom and Dad kung saan ako dapat ipapa-tapon, tch!.

"Apo! Kakain na" tawag ni Lola mula sa may kusina. Agad naman akong napa-buntong hininga at muling pina-daanan ng tingin ang dagat sa labas ng bahay. Binilisan ako ang pag baba dahil gutom na din ako at may lakad pa ako mamaya. Pagka-babang pagka-baba ko ay agad akong sinalubong ni Lola Emily ng halik sa pisngi.

"Hindi kana nag umagahan, mag isa tuloy ako kanina dito sa lamesa kumain" malungkot na saad nito. Agad naman akong napa-kamot sa batok ko dahil sa konsensya. I'm definitely stuck between, 'bakit parang kasalanan ko pa na tanghali ako nagigising' and 'dapat kase Charlie maaga kang nagising para hindi ka kino-konsensya'—natampal ko na lamang ang noo ko ng palihim.

"Sorry La, babawi ako bukas. Nasaan si Tito Brando?" pag-iiba ko ng topic baka kase lumalim pa ang tampo ni Lola sakin, mahirap na at baka ma-extend ang quarantine ko dito.

"Umalis ng maaga dahil may meeting daw sa opisina. Oh siya, doon muna ako sa kwarto" saad ni Lola na siyang ikina-kunot ng noo ko.

"Hindi kayo kakain?" takang tanong ko dito.

"Maya-maya na, busog pa ako. Oh siya sige, aakyat na ako" paalam ni Lola na siyang tinanguan ko na lamang.

Okay here's a bit of info about my family, my Mom and Tito Brando was adopted by Lola Emily. For some reason? I don't know, hindi ko na para alamin pa. It's not like I don't care about their past story or what, it's just that hindi ko lang talaga trip alamin. Shrug. Mabilis ko lamang inubos ang pag kain at agad ko na ding hinugasan ang pinag-kainan ko.

Dali-dali akong umakyat ulit sa kwarto ko. Okay, scratch the fact na walang interesting sa lugar na 'to dahil meron pala talaga. Dali-dali akong nag palit ng damit into swimming trunks, nag suot ng belt bag at nag lagay ng makapal na sunblock sa katawan ko. Nang matapos ako sa pag lalagay ng sunblock ay agad ko namang kinuha ang metal detector na nasa ilalim ng kama ko. Tito Brando lend it to me yesterday para hindi daw ako ma-bore dito. Mag treasure hunt daw ako at baka sakaling mahanap ko ang nawawalang Yamashita Treasure, lol.

"Ready to go" saad ko bago isinuot ang googles ko at tinungo ang labas ng bahay. Agad akong nag lakad lakad sa hindi gaanong malalim na parte ng dagat. Nang maka-hanap na ako ng magandang pwesto ay agad kong binuhay ang metal detector at agad din akong lumublob sa dagat.

*bzzt* *bzzt*

Hindi pa ako nakaka-layo at nakaka-lublob ng matagal ay may na-detect na agad yung machine. Dahan-dahan kong hinukay ang buhangin dahil malapit lang yung bagay na nade-detect ng machine. Nang makapa ko na ang bagay na na-detect ng machine, agad akong umahon para tignan ito.

"Limang piso, great" sarkastikong saad ko bago ilagay sa belt bag ang limang piso na nakita ko.

Pinagpa-tuloy ko ulit ang pag hahanap, karamihan sa nakukuha at nahahanap ko ay mga bariya. May iba pa akong nakuha bukod sa bariya, meron ding hikaw, susi, ballpen, at ang akala kong ginto na bracket pala ng brace, bwiset!. Halos abutin ako ng hapon para lang maka-hanap ng mga walang kwentang bagay, argh!.

Napag-desisyunan ko nang umahon at tumigil sa pag hahanap ng kung ano dito sa dagat. Hindi na ako mag tataka kung may ngipin din dito na gawa sa ginto, pfft!. Habang nag lalakad ako pa-ahon sa dagat ay bigla naman akong naka-apak ng isang matigas na bagay sa may buhangin. Hindi ko masyadong makita kung ano yung naapakan ko kaya kinapa ko nalang ito.

NovellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon