Clint's Point of View
"Condolence sayo, Clint"
Halos mabingi ako sa paulit-ulit na katagang naririnig ko. Tulala lang akong naka-titig sa larawan niya habang tahimik ko ding pina-pakinggan ang mga hikbi na nanggagaling sa paligid ko. Paano napunta ang lahat sa ganito?.
•Flashback•
Matagal na kaming magka-sintahan ni Payne, simula palang grade five ay idineklara na namin sa buong mundo na kami na at pang habang buhay na 'yon. Suportado kami ng mga magulang namin at sino ba namang hindi matutuwa sa ganon. Nung nag high school kami, pinatunayan namin sa lahat kung gaano namin ka-mahal ang isa't isa. Sobrang tini-tingala kami ng karamihan dahil, couple goals daw. Valedictorian siya habang ako naman Salutatorian, consistent 'yon ha. Palagi din kaming active sa mga school clubs, quiz bee contest, at pati na din sa pageants. Kaya din siguro full support ang family namin dati. Hanggang sa nag college kami at madaming nangyare hindi lang sa school, pati na din sa amin ni Payne. Noong ibigay niya sa akin ang sarili niya, doon na din nag bago ang pakiki-tungo niya sa akin. Parehas kaming graduating at parehas na din kaming nawawalan ng time sa isa't isa kahit nasa iisang bubong na kami nakatira. Minsan ay inaabot na ang isa sa amin sa madaling araw kaka-gawa ng thesis at ang malala pa ay hindi na nakaka-uwi for three consecutive days. Doon na ako nag hinala.
One time nag away kami ni Payne dahil 'yon ang kauna-unahang beses na umuwi siya ng lasing, galing daw siya sa school at gumawa sila ng thesis ng partner niya.
"Babe bakit mo naman hinayaan na pa inumin ka nung partner mo?" nag-aalalang tanong ko dito pero hindi niya pa din ako pinapansin. Naka-higa lamang siya sa couch habang naka-subsob ang mukha niya sa may unan. Agad ko siyang tinabihan at pilit na ginigising para maka-inom ng tubig manlang.
"Babe" tawag ko dito pero sa hindi inaasahang pagkaka-taon ay naka-tanggap ako ng isang malakas na sampal. Halos hindi ako maka-imik sa sobrang bilis ng pangyayare, para saan 'yon?.
"Manloloko" akusa nito sa akin bago niya kunin sa kamay ko ang baso at nilaklak 'yon. Matapos niyang inumin ang tubig, bigla na lamang niya ibinato sa sahig ang baso sanhi para mapa-pitlag ako sa tunog ng pagka-basag nito.
"Payne!" tawag ko sa atensyon nito pero bigla na lamang niya akong pinag-saraduhan ng pinto.
Matapos nung insidente na 'yon akala ko talaga ay 'yon na din ang huli, nagka-mali ako. Hindi lang isa, dalawa, o tatlo ang gabing umuwi ng bahay na lasing. Halos hindi ko na mabilang kung naka-ilang ulit na nangyare 'yon. Napag-desisyunan kong sabihin 'yon sa mga magulang niya at noong nalaman 'yon ni Payne, agad siyang nakipag-hiwalay sa akin. Hindi naman ako pumayag dahil hindi naman ganoon kadali 'yon. Naalala kong may ilang beses na din akong inakusahan ni Payne na manloloko at hindi ko talaga alam kung saan niya nakukuha ang mga 'yon.
"Clint" tawag atensyon sa akin ni Samara.
"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong nito sa akin, tumango lamang ako bilang tugon bago namin simulan ang ginagawa naming thesis.
"Oo nga pala, Clint. Nag aya sila Mommy at Daddy na sa bahay nalang daw tayo mag tuloy mamaya ng thesis. Mag hahanda din daw sila kase ano uhmm birthday ko" nahihiyang saad nito sa akin, wala sa sariling ngumiti ako at tumango bilang sagot.
Aaminin ko noong panahon na 'yon, hindi pumasok sa utak ko na mag paalam kay Payne dahil ganoon din naman yung ginagawa niya sa akin. Hindi din pumasok sa utak ko na gumaganti na pala ako, sinabihan niya ako ng manloloko? Edi papatunayan ko.
Noong gabing kina Samara ako naki-tulog, hindi ko inaasahan na pupuntahan ako ni Samara doon sa guest room na tinutulugan ko. Noong una ay nagulat ako pero nag sabi naman siya na may kukunin lang daw siya kaya wala naman akong magawa kung hindi um-oo nalang kase bahay naman nila 'to. Pero sa hindi ina-asahang pangyayare, bigla na lamang niya akong hinalikan ng walang pasabi. Oo, inaamin kong maganda si Samara at siya ang representative ng University namin. Nagulat ako sa ginawa niya at oo, inaamin kong hindi ko pinigilan ang sarili ko. Pinag-saluhan namin ni Samara ang gabi, oo may nangyare sa amin. Pero naging maingat naman ako doon.